Eugene Domingo gives a capsule review of three hot men in her life

The star comedian said she found Wendell Ramos "sexy" while Dingdong Dantes was like the boy next door. Did she mean, asked the naughty press, that Dingdong is boyfriend material while Wendell is more like a one-night stand? "Two nights naman!" said the lovable singleton.


Isa si Eugene Domingo sa iilang artistang babae na pinalad na makasama na sa trabaho ang tatlong guwapong hunks sa Philippine showbiz na sina Piolo Pascual, Wendell Ramos, at Dingdong Dantes.

Si Piolo ang producer niya sa Kimmy Dora, at si Dingdong naman ang leading man niya sa nabanggit na comedy hit. Si Wendell ang leading man niya sa SRO Cinemaserye Presents Hot Mama ng GMA-7.

Kaya naisipan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na itanong kay Eugene kung ano ang pagkakaiba (or pagkakapareho) ng tatlong aktor bilang kasama sa trabaho at, base sa pagkakakilala niya, bilang tao.

HER ANSWER. "Si Dingdong kasi, sila ni Wendell, pareho silang nakasama ko na sa soap, e. Pareho silang kuwela, pareho silang kalog, pareho silang relaxed sa akin. So, iyon naman ang unang-unang dapat na mangyari sa mga artista pag nagtatrabaho, dapat relaxed, may rapport.

"Sina Wendell at Dingdong, pareho lang. Although kung sa pisikal, Wendell is more sexy, parang ganun. Dingdong is parang boy next door, parang ganun."

So, mas boyfriend material si Dingdong at si Wendell ay pang-one-night stand lang?

"Hahaha! Two nights naman! Hahaha! O three! Hahaha!"

So, pangkama lang si Wendell?

"Hindi naman pangkama lang kasi ano siya, e, very responsible naman siya as a person. In fact, noong nagkasama kami sa Hot Mama, unang araw pa lang ng taping, ipinakita agad niya sa akin ang picture ng anak niya! Kasi nakakatuwa na makita sa lalake na proud sa anak niya at alam mong family man na yung may ganung ibang buhay bukod sa showbiz. So, alam mong buung-buo ang pagkatao.

"'Tsaka na-discover ko, mahilig pala siyang magluto sa bahay, kasi, di ba... Ibig kong sabihin yung 'itsura ni Wendell, di ba, marunong palang magluto? E, parang yun na nga, parang 'fight' agad, parang brusko."

RESPECT. Labis-labis naman ang respeto ni Eugene kay Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para ko siyang kapatid. Na yung tiwala niya na ipag-produce ako ng pelikula, ibang klase yun! Kaya parang yung respeto ko sa kanya, hindi mababahiran ng kahit na anong kalaswaan. Kaya hindi, hindi ako nagpapantasya sa kanya."

Parang hindi yata kapani-paniwala na hindi niya pagnanasaan si Piolo...

"Hindi, hindi talaga, para ko siyang kapatid. Simula pa noong gawin namin yung Paano Kita Iibigin? Naramdaman ko na, well... Hindi ko in-entertain, pero alam kong meron siyang nararamdaman para sa akin pero..." pagbibiro ni Eugene.

Kahit kay Dingdong, mataas ang pagtingin ni Eugene.

"Yung respeto ko kasi sa kanya, mataas, e. Kasi nakikita ko yung potensiyal niya para makaganap pa ng ibang mas challenging roles, aside from being in a love team, ganyan, or heartthrob or commercial model.

"Parang nakikitaan ko pa siya ng mas challenging na roles and eventually puwede pa siyang maging direktor ulit. Sa tingin ko talagang open siya sa iba't ibang klaseng challenges bilang artista.

"Hindi lang siya yung... hindi niya dinadama na guwapo siya."

Isa si Eugene sa mga bida ng Here Comes The Bride ng Star Cinema, in association with OctoArts and Quantum Films, na pinagbibidahan rin nina Angelica Panganiban, Tuesday Vargas, Tom Rodriguez, Jaime Fabregas at John "Sweet" Lapus.

Ito'y sa direksyon ni Chris Martinez at ipalalabas na sa May 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN