Manny Pacquiao still firm on his decision not to give in to Floyd Mayweather Jr.'s condition

"Hindi naman tayo umaayaw. Basta huwag lang sa araw ng laban kasi pangit naman yung araw ng laban. Tutal, may medical [exam] naman kami right after the fight, e. Right after the fight, may medical naman kami, may check-up naman kami. Kasi disadvantage sa akin yun kasi malaki siya sa akin, maliit ako. E, kung hindi ako maka-recover?" reasons out Manny Pacquiao about the condition of Floyd Mayweather Jr. to sumbit himself to an Olympic-style blood testing.


"If Manny Pacquiao can take a blood and urine test then we have a fight. If not, no fight."

Ito ang pahayag ni Floyd "Money" Mayweather Jr. sa kanyang post-fight interview matapos ang kanyang unanimous win kontra kay Shane Mosley sa kanilang 12-round fight kahapon, May 2, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Halos lahat ng boxing fans ay nag-aabang na sa paghaharap ng dalawa sa itinuturing na pinakamagaling na boxers ng kasalukuyang henerasyon—sina Pacquiao at Mayweather Jr. Pero mukhang malabo pa itong mangyari.

Noong March 13, 2010 ay muntik nang maganap ang pinakahihintay na boxing match na ito, pero hindi ito natuloy dahil hindi nagkasundo ang magkabilang kampo. Hindi kasi pumayag si Pacquiao sa kagustuhan ni Mayweather Jr. na sumailalim siya sa Olympic-style blood testing.

Instead, ang nakalaban ni Pacquiao noong araw na yun ay si Joshua Clottey, samantalang si Mayweather Jr. naman ay si Shane Mosley ang nakalaban. Parehong nagwagi sina Pacman at Money sa kani-kanilang mga laban. Pero hindi ito kasing-exciting ng mga nakaraan nilang laban, o kung sila sana ang nagharap sa ring.

PACQUIAO WILL NOT GIVE IN. Hindi rin naman natitinag ang ating Pambansang Kamao na pumayag sa kagustuhan ni Mayweather Jr. na sumailalim siya sa blood and urine test sa mismong araw ng laban.

Sa panayam sa kanya ni Arnold Clavio kaninang umaga, May 3, sa Unang Balita ay sinabi ni Pacquiao hindi siya umaayaw na makaharap si Mayweather Jr. Pero aniya, "Basta huwag lang sa araw ng laban kasi pangit naman yung araw ng laban. Tutal, may medical [exam] naman kami right after the fight, e. Right after the fight, may medical naman kami, may check-up naman kami. Kasi disadvantage sa akin yun kasi malaki siya sa akin, maliit ako. E, kung hindi ako maka-recover?"

5'8" ang height ni Mayweather Jr. samantalang si Pacquiao ay 5'6 ½" naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano sa palagay ni Pacquiao ang motibo ni Mayweather Jr. sa pagpupumilit nitong sumailalim siya sa blood at urine test?

"Gumagawa siya ng dahilan para...umiiwas," maikling sagot ni Manny, na tumatakbong congressman sa Saranggani.

Kung sakaling magharap sila, base sa ipinakita ni Mayweather sa laban nila ni Mosley, sa tingin ba ni Manny ay lamang na lamang siya?

"Hindi ko naman sinabing lamang na lamang ako, pero puwede tayong lumaban diyan. Hindi naman tayo natatakot, e," sabi ng Pinoy boxer.

Sa huli ay tinanong si Manny kung lalaban pa ba siya o titigil na siya sa pagbo-boxing?

"Mahirap kasi hindi ko pa nakausap Mama ko [Dionisia Pacquiao]. E, ang Mama ko ayaw na niya akong lumaban," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN