Preggy Judy Ann Santos vacations in the U.S. with Ryan Agoncillo and daughter Yohan

Couple Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos flew to the United States last Saturday night, May 1, with their adopted daughter Yohan for a much-needed vacation.


Natuloy na rin ang matagal nang pinaplano na pagbibiyahe ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, kasama ang kanilang anak na si Yohan papuntang U.S. Umalis sila sa bansa last Saturday night, May 1, para sa kanilang much-needed vacation and second honeymoon na rin.

Naabutan ng Showbiz Central ang mag-asawa sa airport bago sila umalis, pero nakiusap si Ryan na huwag na lang siyang interbyuhin dahil buhat-buhat niya that time si Yohan. So, si Judy Ann na lang ang nagpaunlak na magpa-interview.

"Wala, magpapahinga lang, magbabakasyon lang for a while. Tapos, balik din kasi may mga trabaho pang na-pending, e," sabi ni Juday tungkol sa kanilang pagbabakasyon.

Totoo bang magsa-shopping spree din sila para sa mga gamit ng kanilang baby?

"Bahala na. Kasi hindi pa rin naman namin alam ang gender. We'll play it by ear kung kakayanin na ba naming bumili," sagot ng young superstar.

Hindi rin mapagsidlan ang tuwa ni Juday dahil for the first time ay makakasama nila si Yohan for their first out-of-the-country trip.

"Yes, first time. Medyo bumababa na ang excitement ni bagets. Hindi muna namin sinasabi sa kanya ang mga gagawin kasi baka mag-expect si bagets, kawawa naman," sabi ni Juday.

Ang biyahe raw nilang yun ay bahagi na rin ng kanilang 1st wedding anniversary na ipinagdiwang nila noong April 28.

"May formal dinner lang sa bahay with our family. Parang Mother's Day na rin. Family lang and mommies namin, brothers, para lang celebration," banggit ni Juday.

Pinabulaanan din ni Juday ang balitang kesyo nagkakaroon ng complication ang kanyang pagbubuntis.

"Okey naman, very healthy. The baby is okay," pagtitiyak niya. "May clearance ako ng ob-gyne na okay, I can leave the country. Pinag-bed rest muna talaga ako ng one week nga. Para bago sumakay, mag-long flight, nag-rest muna."

Bago umalis at sumakay ng eroplano, nag-iwan muna si Juday ng pasasalamat sa mga fans na sumusuporta sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Sa lahat po ng nag-alala, okey na po ako. Wala po kayong dapat ipag-alala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN