Gardo Versoza talks about his steady date and political views

"Feeling ko, parang hangga't walang nagpapasa ng [bill] para maisabatas yung paglilimita ng mga asset ng kung sinuman [sa mga kandidato], hindi talaga mawawala yung corruption, di ba?" says actor Gardo Versoza.


Mahaba-haba ang bakasyon ngayong campaign season ni Gardo Versoza at ng mga kasamang gumaganap sa teleseryeng Rubi ng ABS-CBN. Kaya naman nag-time out muna ang aktor at na-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday evening, May 1, sa Saifu restaurant sa Rockwell Power Plant Mall, Makati City.

Sa interview, ipinakilala ni Gardo ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Ivy Vicencio. Napag-alaman namin na apat na taon na pala silang steady dates at maganda ang kuwento ng kanilang pag-iibigan.

Isang bagay lang sa ngayon, hindi pa rin malaya sa puna't intriga ang lovelife ni Gardo. At matindi ang pressure lalo sa babaeng nagpapahalaga rin sa kabaitan ng aktor.

Sabi nga ni Gardo, naiintriga na rin ngayon si Ivy.

"Meron nga siyang nabasa raw na ewan ko lang kung anong eksaktong nilalaman. Marami yatang nakasulat na hindi talaga totoo. Sabi ko, 'Naku, 'yang ganyan, marami 'yan.' E, sobrang naapektuhan siya, kasi maraming hindi totoo. Sabi ko, 'Wag ganyan, wag mong masyadong dinidibdib."

RUBI. Tungkol naman sa Rubi, ang kinabibilangang teleserye ni Gardo, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang taping. Although lately, naka-focus ang kuwento nito sa quadruple love angle nina Shaina Magdayao, Diether Ocampo, Jake Cuenca, at Angelica Panganiban bilang ang bida-kontrabidang si Rubi.

"Magaling siya," pagpuri ni Gardo kay Angelica. "Napanood mo ba yung Spanish version ng Rubi? Ang ganda din."

On Gardo's part, marami pa umanong eksenang mapapanood involving him and the other veteran actors, tulad nina Cherry Pie Picache, Allan Paule, Cherie Gil, atbp. sa mga susunod na linggo ng umiigting pang drama.

"Hanggang August pa yata ito," saad ng aktor. "Pero ang taping namin, up to the end of May siguro."

ON WORKING WITH YOUNG STARS. Madalas na nakakasama ni Gardo ngayon ang mga kabataang artista on the major TV networks. Hindi naman daw siya nai-intimidte sa mga baguhang nakakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang," aniya. "Pero pagka mga bagets kasi, malaro. Hindi kagaya ng [senior stars]. Pero minsan, may mga ibang level na rin. Na hindi mo rin naman sila masisisi kasi mga bata pa, puwedeng ini-enjoy pa nila [ang kasikatan], hindi pa alam ang mga bitterness [sa career]."

Binanggit ni Gardo sa interview ang co-star niya sa Rubi na si Diether Ocampo. Partikular na ang makabuluhan nitong kaabalahan, hindi lang sa pag-aartista, kundi sa pagtulong sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng Kabataang Inyong Dapat Suportahan (K.I.D.S.) Foundation.

"Masigasig din siya, e...dun sa foundation niya," sabi ni Gardo. "Napag-usapan namin, sabi ko, 'Sunod niyan, tatakbo ka na [o papasok sa pulitika]. Hindi raw. Sabi niya, ayaw niya. Nakakatulong naman daw siya, kahit hindi siya tumakbo."

STATUS SYMBOL. Mayroon ding pananw si Gardo tungkol sa mga artistang pumapasok sa pulitika at kumakandidato para sa posisyon sa gobyerno matapos makilala ng publiko.

"Para may fallback," aniya. "Or siguro, gusto nila ng power. Magkalapit na 'yon."

Sa Facebook posts ni Gardo ay batid ng mga kaibigan niya ang masasabing "apolitical views" ng aktor, to the point na nagiging cynical na siya sa kalakaran o sistemang pulitikal sa bansa. Tulad sa kasalukuyang pangangampanya ng mga kandidato sa iba't ibang matataas na posisyong pampamahalaan.

"Parang gasgas na gasgas na yung linyang 'gusto kong tumulong.' O, 'Gusto kong magsilbi sa bayan!'" natatawang wika ni Gardo.

At marami ang nakikibahagi sa pananaw ni Gardo, na ikinatutuwa niya.

"Nakakataba ng puso kasi at least daw, naiisip natin yung ibang tao. Hindi lang yung puro pansarili lang," nangingiting banggit niya.

MATTER OF OPINION. Bilang artista, isa rin si Gardo sa mga kilalang personalidad na hinimok mag-endorso ng ilang kandidato sa darating na halalan. Without mentioning any candidate's name, binanggit ng aktor sa PEP ang mga pansarili niyang pananaw ukol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Merong nag-offer sa pangangampanya," sabi niya. "Kaya nga lang kasi, nagko-contradict dun sa paniniwala ko. Feeling ko, parang hangga't walang nagpapasa ng [bill] para maisabatas yung paglilimita ng mga asset ng kung sinuman [sa mga kandidato], hindi talaga mawawala yung corruption, di ba?

"Kasi siyempre, 'yan ang parang hahabulin nila [once elected]. Kumbaga, ang magkamal [ng salapi], di ba? Pero kung lilimitahan 'yon, like, let's say meron ka lang certain amount, na pag na-reach mo na yung amount na 'yon, lahat ng sosobra, puwedeng ibigay na lang sa charitable institutions. So, maraming makikinabang kapag gano'n.

"Pag tinanggap na nila yung gano'ng sistema, 'saka ako maniniwala na talagang gusto nilang magsilbi sa bayan. Pero hangga't hindi sila open sa gano'n... Alam mo yung iba, mag-iipon at mag-iipon 'yan [habang nasa puwesto]," mariing sabi pa ni Gardo.

Samantala, ang iba nama'y taliwas din ang paniniwala. Anila'y hindi na "magpapayaman sa puwesto ang mga pulitikong mayroon nang naipundar na yaman" bago pa nahalal sa posisyon.

"Ow? Mas malaki pa yung kukunin [nila] do'n," opinyon din ni Gardo. "Kasi, sanay na sa gano'ng halaga 'yon, e. Hindi na tatanggap ng maliit. Kaso, ang kawawa, yung mga [taong] maliliit. Tapos, sabihin nang may mababait talaga, na gustong magsilbi, hindi sila makapagsilbi kasi natatalo sila ng ganung sistema. Sayang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN