Marian Rivera salutes boyfriend Dingdong Dantes for his principles

"Sa Yes Pinoy Foundation pa nga lang, saludo na ako sa kanya. Lalo na ngayong pinagdudukdukan niyang ang prinsipyo, walang presyo which is dapat. At dapat, sinisimulan natin nang maganda 'yan," says Marian Rivera about boyfriend Dingdong Dantes.


Isa si Marian Rivera sa mga artistang dumalo sa launching ng Prinsipyo Ko, Walang Presyo na ginanap last Saturday night, May 1, sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila. Ito ay bilang suporta na rin ng aktres sa presidentiable na si Senator Noynoy Aquino at sa Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino (Ayos NA ) na pinamumunuan ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes,

"Oo naman, todo-suporta talaga kami kay Kuya Noynoy at isa lang ang dahilan diyan, dahil naniniwala kami sa kanya," sambit ni Marian Rivera nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng isang TV crew sa backstage ng San Andres Sports Complex.

Sa local candidates naman, sinabi ni Marian na wala siyang hayagang sinusuportahan. Pero sa election day, on May 10, ay sa Cavite raw siya boboto dahil dun siya naka-register.

BLACK PROPAGANDA ON NOYNOY. Tinanong din si Marian kung ano ang masasabi niya sa mga black propaganda na ipinapakalat ngayon ng mga kalaban ni Sen. Aquino, partikular na ang isyu diumano sa mental health nito.

Ayon kay Marian, bilang Psychology graduate, "Wala naman po akong nakikitang diperensiya. Kahit ano pa ang sabihin nila, ganyan talaga sa pulitika, marumi talaga ang labanan."

Dagdag niya, "Di ba, hindi natin mapi-please lahat ng tao? Parang artista 'yan. Pero, kahit ano pa ang sabihin nila, kay Kuya Noy pa rin kami, all the way! 'Eto yun!"

Nagtapos ng kursong B.S. Psychology si Marian sa De La Salle University sa DasmariƱas, Cavite.

ON SARAH GERONIMO. Natanong din kay Marian kung ano ang masasabi niya sa paglabas ng picture ng kapwa niya artistang si Sarah Geronimo wearing yellow shirt and flashing a Laban sign. Si Sarah ay endorser ng vice-president candidate na si Loren Legarda.

"Actually, hindi po ako makakapag-comment po diyan kasi hindi ko pa nakikita [yung picture], pero naririnig ko lang. Pero siguro matagal nang isyu kaya huwag na lang nating iisyu, kawawa naman siya. Wala, e, ganun talaga ang laban. Ganun talaga, hindi mo mako-control lahat. Artista siya, so dedma na lang po siya," saad ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DINGDONG'S PRINCIPLE. Bago sumalang sa interview, hindi nakaligtas sa paningin ng PEP kung gaano ka-sweet sa isa't isa sina Marian at Dingdong. Halatang masaya si Dingdong sa pagdating ni Marian sa special event na yun ng Ayos NA, kung saan ang aktor ang tumatayong national convenor.

Very open naman si Marian sa pagsaludo sa boyfriend sa mga paniniwala at prinsipyo nito nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya sa all-out na pagsuporta rin ni Dingdong kay Sen. Aquino.

"Alam n'yo, minsan nauupuan namin 'yang dalawa, e. Kinukuwento niya sa akin kung bakit niya gusto si Kuya Noy... 'Eto ang mga gusto ni Kuya Noy. Bakit ba siya gumagawa ng program? 'Eto ang gusto niyang mangyari. At dahil sa mga explanation niyang yun sa akin, go ako diyan. At dahil sa maganda ang hangarin nila, walang dahilan para hindi ako makasama sa kanila, di ba?" lahad ni Marian.

May mga nag-iisip na dahil si Sen. Aquino ang sinusuportahan ni Dingdong kaya nakiayon na lang si Marian. Ano ang masasabi niya rito?

"Mahirap makipaglabanan sa mga ganyang klase ng tao, di ba? Pero naniniwala kasi ako sa 'prinsipyo, walang presyo'. At kung hindi ako naniwala diyan, wala ako rito ngayon, di ba?" sagot ni Marian.

Tinanong ng PEP kung mas minahal ba niya si Dingdong dahil sa mga nakikita niyang paninidigan nito at paniniwala nito?

"Oo naman!" nakangiti niyang pahayag. "Sa Yes Pinoy Foundation pa nga lang, saludo na ako sa kanya. Lalo na ngayong pinagdudukdukan niyang ang prinsipyo, walang presyo which is dapat. At dapat, sinisimulan natin ng maganda 'yan."

KAPUSO & KAPAMILYA. Masaya rin si Marian na sa naturang event ay nagkasama-sama ang mga Kapuso at Kapamilya. Bukod kina Marian at Dingdong, ang iba pang mga Kapuso na dumalo sa launching ng Prinsipyo Ko, Walang Presyo ay sina Ogie Alcasid, Aljur Abrenica, Angelika dela Cruz, John "Sweet" Lapus, Gabby Eigenmann, Chynna Ortaleza, at ang La Diva. Mula naman sa Kapamilya ay dumalo sina Coco Martin, Erik Santos, Jodi Sta. Maria, Ejay Falcon, at ang kapatid ni Sen. Aquino na si Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, naikuwento niya [Dindong] sa akin ang segment na pagsasamahin ang mga Kapamilya at Kapuso, which is na-impress talaga ako. Parang, 'Wow, napagsama mo ang ABS at GMA.' Isang senyales 'yan na kahit anong network mo, puwede kang maging isa dahil lang kay Kuya Noy," pahayag ni Marian.

PRICELESS. Bilang isa sa pinakasikat na artista ngayon sa Pilipinas, isa siguro si Marian sa nangunguna sa listahan ng mga pulitiko na gusto nilang kunin na mag-endorse sa kanila. Marami bang nag-attempt na mag-offer sa kanya kapalit ng milyones, pero tinanggihan niya dahil si Sen. Aquino ang napili niyang suportahan?

"Siguro sa mga kumukuha sa akin para i-represent sila, huwag na lang nating isa-isahin. Pero kaya ako nandirito dahil naniniwala akong ang prinsipyo, walang presyo," sagot ni Marian.

So, walang presyo si Marian?

"Wala, wala talaga. Priceless!" natatawang sagot niya, quoting one of her lines sa latest movie nila ni Dingdong na You To Me Are Everything na ngayong araw, May 5, magbubukas sa mga sinehan.

Tungkol naman sa ibang mga artista na nag-eendorso ng mga pulitiko na may kapalit ay hindi raw ito kinukuwestiyon ni Marian.

"Hindi ko kinukuwestiyon 'yan at nirerespeto ko sila," sabi niya. "Siguro, may dahilan sila kung bakit ganun ang ginagawa nila. Pero ang hirap kasi sa sitwasyon nila na pasukin ang isang tao at ganun ang gusto nilang mangyari. So, respeto ang ibibigay ko sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN