Ogie Alcasid on Regine Velasquez's health condition: "She's okay."

" data-url="https://www.pep.ph/news/25503/ogie-alcasid-on-regine-velasquez39s-health-condition-she39s-okay-" data-desc="Regine is definitely not pregnant, says Ogie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c9fcd43c4.jpg">

Ogie Alcasid is still waiting for the official medical report concerning the health of girlfriend Regine Velasquez. The Asia's Songbird was hospitalized last Monday after collapsing at the taping of Diva.

Humabol si Ogie Alcasid sa press conference na inihanda para kay Liberal Party (LP) senatorial bet Risa Hontiveros-Baraquel kaninang tanghali, May 5, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Vocal admirer at supporter ni Risa Hontiveros-Baraquel si Ogie. Sa katunayan nga ay buong pagmamalaking ipinagsigawan ni Ogie ang kanyang paghanga sa kakayahan ng senatorial candidate sa kanyang Facebook at Twitter accounts.

Hindi inaasahan ang pagdating ni Ogie sa nasabing pagtitipon dahil nauna nang inanunsiyo na nasa ospital siya para bantayan ang kasintahang si Regine Velasquez. Noong Lunes, May 3, ay isinugod sa hospital ang Asia's Songbird pagkatapos nitong mahimatay sa taping ng pinagbibidahan niyang kantaserye na Diva.

Ngayong araw ang labas ni Regine sa ospital bagamat mangangailangan pa rin ito ng karagdagang pahinga bago muling sumabak sa trabaho.

"She's okay. She's better na," masayang pahayag ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters matapos ang presscon proper.

Pagod dala ng sobrang trabaho ang nakikitang dahilan ni Ogie kung bakit sumama ang pakiramdam ng kasintahan. Bihira rin daw kasing kumain sa tamang oras si Regine dahil sa sobrang dami ng kailangang gawin at asikasuhin nito.

"I wasn't there when it happened. But what I heard is siguro nag-shut down 'yong system niya," banggit ni Ogie.

Dagdag pa niya, "Hindi pa namin nakukuha 'yong full [medical] report... I mean, the heat, it's just unbearable. We have to hydrate ourselves all the time. Nandun na rin 'yong hindi na kami bata."

PRAISING ROMMEL GACHO. Masaya naman si Ogie sa magandang performance ng Party Pilipinas noong nakaraang Linggo, May 2, bagamat inanim din naman nito na nakatulong ang irregular programming schedule nung araw na 'yon dahil sa boxing match-up nina Floyd Mayweather at Shane Mosley. Bahagyang nakaungos ang Party Pilipinas sa katapat nitong ASAP XV noong Linggo—10.7 percent vs. 8.6 percent (Source: AGB NIelsen Phils. Mega Manila ratings).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganunpaman, pinuri pa rin ni Ogie ang acting director ng Party Pilipinas na si Rommel Gacho na siyang pansamantalang humalili sa nabakanteng puwesto ni Louie Ignacio na nag-resign last week.

"Rommel did a great job. Kayo, ano sa tingin n'yo? But I think it was really great," ngiti ni Ogie.

Hindi masusubaybayan nina Ogie at Regine kung magtutuloy-tuloy ang magandang takbo ng programa dahil lilipad ang dalawa papuntang U.S. at Canada immediately after the elections.

Hindi kaya lalong mangapa ang programa sa pansamantalang pagkawala nina Ogie at Regine, considering na nasa infancy stage pa ito matapos nga magpalit ng pangalan?

"Nauna na kasi 'yong tour namin kesa nung nagpalit ang SOP to Party Pilipinas!" natatawang sagot ni Ogie.

"Kaya 'yan," positibong pahabaol niya.

Muli ay ipinagtanggol ni Ogie si Regine sa mga balitang siya raw diumano ang dahilan kung bakit nagbitaw si Louie sa Party Pilipinas. May nauna kasing usap-usapan na nainis daw ang direktor dahil ayaw mag-rehearse ni Regine. Agad namang dinipensahan ni Ogie ang girlfriend sa pamamagitan ng pag-post ng mga personal messages niya sa Twitter na agad siyempreng kumalat sa publiko.

"She did rehearse. Kaya lang, Regine kasi talaga has trouble reading, e, nilagay sa manila paper ['yong lyrics]. That day just didn't work out right for everybody and I guess that happens. So I was Twitting because I wanted to apologize to those who were not satisfied with the show. Since ako 'yong 'creative consultant' at ako 'yong bene-blame nila, kaya okay, I take full responsibility for that even though I was not there.

"Siguro dapat inusisa ko pa rin, kaya lang, vacation mode ako nun. Ngayon, e, nagkaroon ng sagutan, pinikap ng PEP at isinulat lahat ng mga nilathala ko kaya, 'ayan na, lumaki. But, pagka may umaway kay Regine, ipagtatanggol ko pa rin. 'Yon yung bottomline dun," saad ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pinakahuling interview naman ng PEP kay Direk Louie ay nilinaw nito na hindi si Regine ang kanyang tinutukoy na hindi nagre-reaherse ng kanilang production number. (CLICK HERE to read related story.)

" data-url="https://www.pep.ph/news/25503/ogie-alcasid-on-regine-velasquez39s-health-condition-she39s-okay-" data-desc="Regine is definitely not pregnant, says Ogie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c9fcd43c4.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/25503/ogie-alcasid-on-regine-velasquez39s-health-condition-she39s-okay-" data-desc="Regine is definitely not pregnant, says Ogie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c9fcd43c4.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/25503/ogie-alcasid-on-regine-velasquez39s-health-condition-she39s-okay-" data-desc="Regine is definitely not pregnant, says Ogie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c9fcd43c4.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/25503/ogie-alcasid-on-regine-velasquez39s-health-condition-she39s-okay-" data-desc="Regine is definitely not pregnant, says Ogie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c9fcd43c4.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/25503/ogie-alcasid-on-regine-velasquez39s-health-condition-she39s-okay-" data-desc="Regine is definitely not pregnant, says Ogie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c9fcd43c4.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/25503/ogie-alcasid-on-regine-velasquez39s-health-condition-she39s-okay-" data-desc="Regine is definitely not pregnant, says Ogie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c9fcd43c4.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/25503/ogie-alcasid-on-regine-velasquez39s-health-condition-she39s-okay-" data-desc="Regine is definitely not pregnant, says Ogie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c9fcd43c4.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN