Ogie Alcasid wants to strengthen music industry

"Talagang malaki ang problema sa music industry ngayon. Napakahina ng benta natin because of piracy. Why is it sa United States sina Lady Gaga and all, these people despite piracy, e, bumebenta pa rin? Bakit hindi mangyari 'yan dito? Bakit kailangan ang mga katulad ko ay kumanta pa rin ng revival para lang bumenta ang album?" says Ogie Alcasid.


Desidido si Ogie Alcasid na muling pasiglahin ang musikang Pilipino dito sa ating bansa. Gusto niyang simulan ito sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), isang samahan ng mga local singers at performers.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ogie tungkol sa naturang isyu sa candidacy presscon ni Akbayan Representative Risa Hontiveros na tumatakbong senador sa May 10 elections. Ginanap ang presscon kahapon, May 5, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"Nagtitipun-tipon kami ngayon, we are already organizing ourselves in OPM and forming ourselves to be the new OPM. We will have a general assembly on June 15. Tentative pa po 'yan, ha, pero yun ang napag-usapan namin. So, magkakaroon kami ng eleksiyon, ng bagong eleksiyon of the new set of officers. At lahat po ito ay ipinaalam ko siyempre sa current president na si Mitch Valdes at sa lahat ng bumubuo ng OPM ngayon," pahayag ni Ogie.

PROBLEM OF THE MUSIC INDUSTRY. Ramdam ni Ogie ang malaking problema sa music industry sa bansa ngayon.

"Talagang malaki ang problema sa music industry ngayon," sabi niya. "Napakahina ng benta natin because of piracy. Why is it sa United States sina Lady Gaga and all, these people despite piracy, e, bumebenta pa rin? Bakit hindi mangyari 'yan dito? Bakit kailangan ang mga katulad ko ay kumanta pa rin ng revival para lang bumenta ang album?

"I think there are too many talented singers and songwriters in this country that need to be heard, that need for their products to be exposed dahil ang dami talagang magagaling."

Nagsimula ang adhikaing ito ni Ogie nang mag-organisa siya, along with friends and colleagues from the industry, ng isang fundraising concert titled Kaya Natin 'To para bigyan ng financial assistance ang mga naging biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng noong isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano pang mga ibang plano nila para sa OPM?

"As of now, nag-uusap-usap pa lang kami. Pinapakinggan ko yung sinasabi ng mga mas nakakabata kasi mas alam nila yung mga issues, lalo na yung mga members ng bands na, kumbaga, dinaanan nila lahat ng hirap. At ngayon, nararamdaman nila yung mga problema ng current music industry. So yun, nag-uusap-usap pa rin kami," lahad niya.

INTRODUCING OPM TO YOUNG SINGERS. Isa sa gustong gawin ni Ogie ay ang reintroduction ng OPM sa mga batang mang-aawit ngayon na tila hindi aware sa samahang ito.

"We entice them to join OPM. Kasi when I tell them, 'Guys, please join OPM.' Sasabihin nila, 'Ano po yung OPM?' I didn't realize na a lot of younger generation of singers and performers didn't know what OPM was. So, I have to reintroduce it to them. I have dialogues with them. Marami nang nagbago, e. E, 1986 pa yata ang OPM, 2010 na ngayon, marami nang nagbago sa situation ng music industry. Siguro may mga kailangang baguhing konti. But of course, this has to be decided upon by the body."

Aminado naman si Ogie na ang usapin ng muling pagpapasigla sa musikang Pilipino ay gusto niyang ilambing kay Rep. Risa Hontiveros, lalo na kung ito ay maihalal na Senador.

"Ito kasing si Senator, e, isa rin siyang artist. At narinig ko nga na isinusulong niya...marami siyang isinusulong na panukala for the movie industry. E, kasama naman ng music industry ang movie industry. The whole entertainment industry, I'm sure bibigyan niya ng halaga. I'm sure naiintindihan niya na kultura natin actually ang at stake diyan.

"Hindi lang naman yung entertainment industry as a business or as an industry. Kultura natin yan e. It defines us as a nation, yung mga awitin natin, yung mga sayaw natin, yung mga movies natin, yung mga shows natin. Pag hindi natin binigyan ng halaga 'yan, hindi natin binigyan ng pagkakataon na mag-thrive, mag-flourish... Di ba, ngayon ang daming nakikilala abroad? Sina Charice Pempengco, Arnel [Pineda] ng Journey...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Totoong napakagaling ng mga Pilipino. So, sayang naman dahil marami pang mga Arnel, marami pang mga Charice sa Pilipinas. Kung wala ang YouTube, hindi naman nakikilala sila. So, dapat bigyan natin sila ng proteksyon at bigyan natin sila ng pagpapahalaga dahil mga artists natin sila. Dapat maging mahalaga sa mga Pilipino yung mga artists," saad ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN