Carmina Villarroel's advice to hubby Zoren Legaspi on his first hosting job: "Huwag kang tatanga-tanga!"

"Itong Kitchen Battle ang pinaka-first time ko to try TV hosting. Kinabahan talaga ako, pero it's a big challenge for me. Mas mahirap pala ito kesa sa pagdidirek sa TV! Nakakahiya pala kapag na-take two ka!" says Zoren Legaspi about his first hosting job.


For the first time ay susubukan ni Zoren Legaspi ang maging isang TV host. Kasama niya si Issa Litton sa paghu-host ng bagong reality-competition show ng QTV 11 na Kitchen Battle.

Mala-Iron Chef America ang Kitchen Battle kung saan maglalaban ang dalawang grupo ng chefs at culinary experts para sa isang cooking challenge. May mga celebrity rin na makakasama sa show, lalo na yung mga may background sa culinary arts.

Natuwa nga si Zoren dahil never daw niyang nasubukan na maging host ng isang show, lalo na ang isang reality-competition show na kailangan maging spontaneous siya. Ang closest na ginawa niya raw na paghu-host ay panahon pa ng That's Entertainment.

"Sa That's Entertainment naman talaga ang training ground namin. I tried hosting doon pero hindi naman siya yung serious. Pinababasa lang kami ng mga kung anu-ano noon sa show.

"May isang show dapat ay nag-host na ako pero hindi siya na-air. Nakapag-tape na kami noon ng pang-pilot, pero something went wrong at hindi na na-air yung show. Kaya itong Kitchen Battle ang pinaka-first time ko to try TV hosting. Kinabahan talaga ako, pero it's a big challenge for me. Mas mahirap pala ito kesa sa pagdidirek sa TV! Nakakahiya pala kapag na-take two ka!" natatawang sabi ni Zoren nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"HUWAG TATANGA-TANGA!" Masaya rin daw para kay Zoren ang misis niyang si Carmina Villarroel. Noong mabasa nga raw ni Carmina ang mga script ni Zoren for the show, nagpayo raw ito agad since bihasa na ito bilang TV host.

"Sabi nga sa akin ni Mina, 'O, galingan mo, huwag kang tatanga-tanga!' Natawa talaga ako kasi brutal masyado ang payo niya sa akin. Huwag daw akong tatanga-tanga!" tawa ni Zoren

Dagdag niya, "Okey lang naman na sabihin ni Mina 'yan kasi nga mahusay siyang TV host. She has been doing this job for so many years kaya kahit tulog 'yan, alam niya ang gagawin niya sa harapan ng TV. Since first time ko nga, concerned din siya kasi nga baka pumalpak ako, e, di siya rin mapapahiya! Kaya hindi ako puwedeng tatanga-tanga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binisita nga raw ni Carmina si Zoren sa taping niya ng Kitchen Battle. Happy naman daw ang misis niyang makita si Zoren na nasa spotlight for a change.

"Proud daw siya sa akin," nakangiting sabi ng aktor. "Hindi ko nga alam na dumating siya. Tahimik lang siya sa isang tabi habang pinapanood niya ako. Ayaw niya kasi akong ma-conscious. Noong matapos ang take, doon siya nagsabi na nasa studio pala siya. Happy si Mina and I'm doing good daw. Sana nga gano'n din ang feedback ng TV audience once na mag-air na kami."

ZOREN WANTS TO LEARN HOW TO COOK. Balak daw ni Zoren na mag-aral magluto para naman daw masorpresa niya si Carmina at ang kanilang kambal.

"Yung kambal nga, lagi nila akong tinatanong na, 'Tatay, when are you going to cook for us?' Naglalambing sila ng gano'n. Si Mina kasi, magaling magluto 'yan. Ako naman, simpleng mga putahe lang ang kaya nating lutuin. Magprito at magpakulo lang ay okey na sa akin.

"Gusto ko naman yung special dish para sa family ko. Yung magiging proud sila sabihin na ako ang nagluto no'n. Kapag may time, gagawin ko ang mag-aral kahit short course lang. O baka dito sa Kitchen Battle, may matutunan ako na mga bagong recipes."

Busy ang pamilya nina Zoren at Carmina. Halos every month ay may bago silang commercial, kasama ang kanilang sikat na kambal na sina Maverick at Cassandra. Ngayong pareho na sila ni Carmina na may sariling show, paano na ang quality time nila with the twins?

"Hindi naman mawawala 'yon kasi kami naman ni Mina, we make sure na kasama ang kambal sa daily schedules namin. Kapag nasa school sila, sinusundo namin sila at lalabas kami for dinner or we watch a movie with them.

"Kapag nasa bahay naman sila at wala kaming work, we stay at home lang at doon ang bonding namin. Or kapag mahaba ang bakasyon, we go out of town naman. Kung puwede namin silang dalhin sa trabaho namin, ginagawa rin namin. So, kasama sila sa araw-araw na ginagawa namin ni Mina," kuwento ni Zoren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIREK ZOREN. Wala pang balak si Zoren na bumalik sa pagdidirek ng isang TV show. Ang huli niyang dinirek na TV series ay ang Fantastic Man sa GMA-7. Mas aktibo siya sa pag-arte ngayon at nasa cast siya ng Agua Bendita ng ABS-CBN. Before ay napanood si Zoren sa mga GMA-7 dramas na Gagambino, All My Life, at Sana Ngayong Pasko.

Mas gusto raw sana ni Zoren na magdirek naman ng pelikula. At siyempre, gusto niyang si Carmina ang maging bida.

"I also missed doing movies. Buti nga nakagawa ako ng Shake, Rattle & Roll noong nakaraang Metro Manila Film Festival. But I want to direct a movie this time. Gusto ko nga si Mina ang bida kasi matagal na rin siyang hindi nakagawa ng movie. Gusto ko siyang magawan ng isang magandang drama movie."

Tungkol naman sa proposed movie with BB Gandanghari, a.k.a. former Rustom Padilla na ex-husband ni Carmina, okey pa rin naman daw si Zoren sa idea na iyon. Ang problema lang daw ay si BB ang mukhang walang time para gumawa ng pelikula.

"Nawawala kasi siya, e. Mukhang hindi naman niya muna priority ang gumawa ng movie. But if ever na ready na siya, wala namang problema sa akin. Okey naman kay Mina kaya okey na rin sa akin," sabi ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN