Wendy Valdez on her failed marriage with Bruce Quebral: "We're really not that mature enough...."

"Wala kasi siya sa tamang panahon talaga, yung relasyon. 'Tsaka ang dami rin kasi naming binubuno na mga problema about sa families namin. Mabigat, so parang pag nagsama kami, parang sobrang ang hirap nang i-deal ang lahat, alam mo yun? Kaya siguro mas kailangan na ayusin namin ang mga problema namin sa isa't isa and all," says Wendy Valdez about why her marriage with Bruce Quebral did not work out.


Nasa ABS-CBN pa rin ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Wendy Valdez, pero hindi na siya exclusive contract star ng naturang TV network. Natapos daw ang kontrata niya sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, last February of this year. Hindi na raw siya magre-renew ng kontrata.

"No, kay Tita Becky [Aguila] na ako, 'tsaka sa Viva [Artist Agency]. So, wala na akong contract sa Star Magic," banggit ni Wendy sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

What if mag-offer ang Star Magic na i-renew ang kontrata niya?

"Hindi na kaya kasi naka-co-manage na bale, dalawa na ang nagha-handle sa career ko," sabi niya.

Two years ang pinirmahan ni Wendy sa co-management contract niya with Becky and Viva Artist Agency.

Inamin naman ni Wendy na hindi madaling iwanan ang Star Magic.

"Siyempre mabigat din sa loob ko kasi parang naging family ko sila for two years din, 'tsaka sobrang maalaga ang Star Magic. 'Tsaka ang saya-saya ko din doon talaga, as in super! Dahil naging close ko lahat ng mga handlers, sina Ms. Mariolle [Albereto], si Mr. M [Johnny Manahan]... Pag may problema ako about sa work, sila yung nag-aalaga talaga. Tapos, they give me advice na bongga naman talaga, so nakaka-miss."

BRUCE QUEBRAL. Kinumusta rin ng PEP kay Wendy ang tungkol sa kanila ng dati niyang karelasyon at kasamahan sa Bahay ni Kuya na si Bruce Quebral. Wala pa raw sa annulment process ang kasal nila ni Bruce.

"A, wala pa. Kasi siyempre, mas marami pa kaming dapat na unahin," sabi ni Wendy.

Pinapa-annul ba nila ang kanilang kasal?

"Parang nasabi lang na pinapa-annul, but... Pero siyempre, yung gastos kasi. Mas inuuna muna namin yung mga mas importanteng pagkakagastusan. Hindi naman din minamadali na...na parang kailangang-kailangan. Wala naman kaming mga ari-arian na talagang paghahatian," saad ni Wendy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, legally, kasal pa rin sila?

"Yeah!" sambit niya.

Ikinasal sina Wendy at Bruce March last year. Mahigit dalawang taon lang ang itinagal ng kanilang relasyon. Kailan at bakit nagwakas ang kanilang relasyon?

"This is sometime last year, mga late last year," umpisa niya. "Kasi...hindi, kasi... Mahirap din na mag-work na, e, kasi malayo siya. Tapos, I just think we're really not that mature enough to enter a relationship na ganun. Hindi pa kami talaga mature para mag-jump sa ganun na klase ng relasyon."

Flight attendant si Bruce ngayon sa United Arab Emirates at naka-base sa Dubai most of the time.

Dagdag ni Wendy, "He's planning to stay na doon sa Dubai. He's been there for almost a year now."

In a way, nakaaapekto rin ang malayong distansiya nila sa pagkasira ng pagsasama nila.

"Not only that," sabi ni Wendy, "yun nga, feeling namin, mga bata pa kami for that at saka... Wala kasi siya sa tamang panahon talaga, yung relasyon. 'Tsaka ang dami rin kasi naming binubuno na mga problema about sa families namin. Mabigat, so parang pag nagsama kami, parang sobrang ang hirap nang i-deal ang lahat, alam mo yun? Kaya siguro mas kailangan na ayusin namin ang mga problema namin sa isa't isa and all."

Hindi nila sinubukan na i-work out ang kanilang marriage?

"A, tinray!" sagot ng 27-year-old actress. "Actually ano, e, ako, halos two weeks din ako sa Dubai. E, 'yon, hindi na talaga, e."

Pero magkaibigan pa rin daw sila ni Bruce at mahal pa rin daw ni Wendy ang dating karelasyon.

"Siyempre, kasi ano, e, marami din kaming pinagsamahan, mga pinagdaanan namin, yung mga pinag-iyakan namin and all. So, nandun, nandun pa rin yung respect 'tsaka yung love."

May chance ba na magkabalikan sila?

"I don't know. Hindi ko naman talagang sinasabi na kino-close ko yung door ko, pero siguro...hindi ko alam," medyo naguguluhang sagot ni Wendy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN