Maja Salvador cries foul over "lasenggera" issue

Maja Salvador is paired for the first time with Sam Milby in Precious Hearts Romances Presents: Impostor. The series will debut on May 17 after PBB Teen Clash 2010 UBER.


Nagpa-sexy si Maja Salvador sa upcoming offering ng Precious Hearts Romances Presents: Impostor, na magsisimulang mapanood sa ABS-CBN sa May 17 pagkatapos ng PBB Teen Clash 2010 Uber.

Kasama ni Maja sa show sina PBB Double Up Big Winner Melai Cantiveros, PBB Third Big Placer Jason Francisco, Jon Avila, Precious Lara Quigaman, at Sam Milby.

Kahapon, May 6, sa press conference ng Impostor na ginawa sa ABS-CBN sa Quezon City ay ipinakita sa ilang invited entertainment reporters ang trailer ng nasabing serye, kunsaan buong tapang na nagsuot ng two-piece swimsuit si Maja sa ilang piling eksena.

"Actually, kinailangan naman sa character kaya napapayag ako. Pero hindi naman malaswa and bumagay naman sa character," paliwanag ni Maja sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang kantiyawan namin siya.

Gagampanan ni Maja sa Impostor ang papel ng isang modelong nagngangalang Mariz.

Hindi naman daw ito nangangahulugan na tuluyan nang magiging daring ang dalaga sa mga susunod niyang proyekto.

"Depende po kasi," sabi ni Maja. "Depende sa projects na papasok kung kailangan sa character at kung kaya ko naman, bakit hindi?"

Kung tutuusin nga raw ay hindi naman big deal ang pagsusuot niya ng swimsuit dahil karaniwan naman na itong ginagawa, lalo ngayong tag-init.

"Kumbaga, lahat ng mga girls ngayon pag nakita mo sa beach naka-two-piece and feeling ko naman nasa tamang age na din ako, so pumayag na din talaga ako para na rin siyempre sa ikakaganda ng Impostor."

ALCOHOLIC ISSUE. Diretsong pinabulaanan ni Maja ang kumakalat na balita na diumano'y may drinking problem siya . Recently kasi ay may lumabas na isyu na malakas daw uminom ang dalagang aktres kapag nasa labas ito.

"Hindi naman ako umiinom!" diin ni Maja. "Hindi ako lasenggera. Paano pa, e, hindi naman din ako nagba-bar? Ayaw na ayaw kong pumupunta sa bar kasi naiingayan ako, ang labo."

Tinatawanan na lang daw ni Maja ang intriga at wala din namang dahilan para maapektuhan siya dahil kilala naman niya ang sarili. Mismong mga kaibigan daw niya ang magsasabing "videoke" lang ang hilig ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May seryosong pakiusap naman ang dalaga sa mga diumano'y naninira sa kanya. Aniya, "Sana kilalanin po muna nilang maigi ang pagkatao ko bago nila isulat 'yong mga ganung bagay. Siyempre, 'yong nanay ko rin masasaktan kung anuman 'yong nababasa niyang mga write-ups, hindi po ba? Lalo na kilala ako ng nanay ko kung anong pagkatao ko, tapos ganun po 'yong lumalabas. So, parang siyempre kahit alam niyang hindi totoo, kahit papaano masasaktan ang nanay ko."

Dagdag ni Maja, "Mahirap i-please lahat ng tao kasi may kanya-kanya silang opinyon, may kanya-kanya silang comment kung ano 'yong pagkatao mo, kung anong nakikita sa iyo. Pero ako ang ginagawa ko na lang, nagpapakatotoo ako. Kayo na po ang mag-judge kung anong tingin ninyo sa akin kung plastic or umaarte lang ba or nagpapaka-artista."

Hindi pa rin naman daw dahilan ang mga negative write-ups para hindi na mag-monitor si Maja ng mga nasusulat tungkol sa kanya. Aminado ang dalaga na binabasa niya ang lahat ng balita tungkol sa kanya, mapa-diyaryo man o online.

"Kailangan ko din 'yon. Bilang artista, kailangan kong nalalaman kung anong tingin sa akin ng mga tao, kung anong nasasabi nila sa akin. Siyempre, kailangan alarma ka kung anong mangyayari sa career mo," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN