Iza Calzado's first Best Actress award more memorable by her boyfriend's presence

"Ewan ko kung nahuhuli, pero nanginginig ang tuhod ko kanina. Pero ano, talagang kabado ako every time I step on stage lalo na sa mga ganitong pagkakataon. I have to prepare my speech. Kasi kapag may nakalimutan, baka may magtampo, mahirap na. Hindi na ako makakabalik sa stage na ganun," relates Iza Calzado about accepting her very first Best Actress trophy.


Natanggap ni Iza Calzado ang kanyang kauna-unahang Best Actress trophy sa ginanap na 7th Golden Screen Awards last Wednesday night, May 5, sa Teatrino Greenhills. Nanalo si Iza as Best Actress in a Dramatic Motion Picture para sa kanyang pagganap sa indie film na Dukot.

Ayon kay Iza, hindi niya inaaasahan ang kanyang panalo dahil mga beterano na sa larangan ng pag-arte ang mga nakalaban niya sa naturang kategorya: Vilma Santos (In My Life), Sharon Cuneta (Mano Po 6: A Mother's Love), Anita Linda (Lola), Rustica Carpio (Lola), at Snooky Serna (Sagrada Familia). Nominated din sa kategoryang ito sina Bea Alonzo (And I Love You So) at Lovi Poe (Sagrada Familia).

"Sobra!" bulalas niya. "Ms. Vilma Santos, Ate Sharon Cuneta... And even of my age, which is younger, like Lovi Poe, Bea, and of course, yung dalawang nanalo sa Urian [Anita and Rustica] na talagang deserving din. I feel if you could give an award to everyone, why not? So everyone will be inspired to work. Ipinagdasal ko dati, sabi ko, 'Lord, kung time ko, sige, Kayo na ang bahala.'"

Pero sa acceptance speech ni Iza ay ibinahagi niya ang kanyang award sa kanyang co-nominees. Humingi rin ng permiso ang aktres sa audience na basahin sa kanyang cell phone ang kanyang speech para wala siyang makalimutan. Nag-prepare man ng acceptance speech, pero hindi raw siya nag-expect at all.

"No naman. Sabi nila, baka raw... So, naggawa na ako ang speech. Nag-prepare na ako ng thank you ko. Kadalasan kasi, nakakalimutan ko. Actually kasi, may stage freight ako, every time. Sa totoo lang, hindi n'yo lang alam at magaling lang akong magtago.

"Ewan ko kung nahuhuli, pero nanginginig ang tuhod ko kanina. Pero ano, talagang kabado ako every time I step on stage lalo na sa mga ganitong pagkakataon. I have to prepare my speech. Kasi kapag may nakalimutan, baka may magtampo, mahirap na. Hindi na ako makakabalik sa stage na ganun," saad ni Iza sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"IT FEELS REALLY GOOD." Sobrang memorable raw sa kanya ang kanyang first Best Actress trophy.

"Sobra!" bulalas niya. "Kinakabahan pa rin ako. Hindi ko rin maintindihan minsan. Ang tamis-tamis. They would always say that an actress or someone does not need a validation like this. But you know guys, it feels really good. It inspires me."

Aniya pa, "Tulad nga ng sinabi ko sa speech ko, minsan, hindi mo alam kung tama pa ba itong landas na tinatahak ko? Tama pa ba 'to? Ito pa ba ang landas na para sa akin?"

Mas magiging mapili ba siya ngayon sa mga role na tatanggapin niya?

"Matagal na naman akong nag-i-screen ng aking mga roles," sabi ni Iza. "Bahala na siguro ang GMA Artist Center dun at ang mga nag-a-advise at mga sumusuporta sa akin."

Ano ang eksaktong naramdaman niya noong tinatawag na ang nominees?

"Nanginginig lang ako...hanggang ngayon nanginginig ang tuhod ko, e!" nakangiti niyang sabi. "Kinakabahan ako kasi hindi ko rin...usually nauutal-utal ako. And by Murphy's Law, natalisod naman ako!"

Ang ma-nominate lang daw ay malaking bagay na sa kanya, how much more pa nga naman na siya ang nanalo.

"Sinasabi ko naman yun sa Facebook at Twitter account ko, ma-nominate lang ako, masayang-masaya na ako. Pero yung manalo, mas masaya. Kinakabahan ako kaya hindi ko maintindihan."

Five years ago, nanalo na rin si Iza sa Golden Screen Awards nang siya ang tanghaling Breakthrough Performance by an Actress. Katuwang niya noong taong iyon si Dennis Trillo (Breakthrough Performance by an Actor), na siya namang nanalo this year as Best Supporting Actor para sa Mano Po 6.

"Right!" masayang pagbabalik-tanaw ni Iza. "Pero agad-agad naman siyang [Dennis] nanalo ng Best Actor. Sabi ko nga sa kanya, 'Ganito pala ang pakiramdam!' Sabi ko, 'Sanay na sanay ka na rito.' Sabi ko, 'Ang saya-saya ko naman, hindi ko matanggal ang ngiti ko.' Tapos sabi niya, 'Hanggang pag-uwi mo sa bahay ganyan pa rin ang ngiti mo.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IZA'S ESCORT. Kasamang dumating ni Iza sa awards night ang boyfriend niyang si Atticus King. Bihirang isama ni Iza ang boyfriend sa mga showbiz gatherings, pero naging mas espesyal ang gabing yun para kay Iza dahil kasama niya si Atticus nang manalo siya.

"I'm very, very happy that he's here," sabi ng aktres. "It's a special night and I'm happy that my dad [Lito Calzado] is here. I'm happy that the people that are close to my heart are here. Alam mo yun, hindi man kumpleto, nandiyan ang suporta nilang lahat kaya masaya ako."

Kinakabahan din ba si Atticus para sa kanya?

"Hindi, ako ang kinakabahan! Hindi ko alam. Siya, relax lang," nakangiting pahayag ni Iza.

Natatawang hirit naman ni Iza nang mahalatang puro ang boyfriend na ang tinatanong sa kanya, tulad ng kung hindi raw ba siya nahirapang kumbinsihin ito na samahan siya sa awards night.

"Bakit ba puro si Atticus, ako ang..." natatawa niyang sabi. "It's like he'll go with me once. Sabi ko, tamang-tama dito nag-meet din ang schedule namin. So, hindi naman nahirapan. Alam naman kasi niya kung gaano ka-special at sabi niya, 'Malaking achievement 'yan, yung ma-nominate ka pa lang.' So, even before pa, sinasabi niya sa akin, 'Win or not, you're still the best actress to me.' Kanina naman, sinasabi niya, 'Win or not, kumain tayo after this, ha?' Gutom na!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN