Indie director Mel Magno demands producer to give back his film

"Kung hindi pa niya [Carlo Maceda, inset] maibibigay ang liquidation at may sinisingil pa rin siyang supposed to be ay utang ko, magkaliwaan kami. Babayaran ko ang sinasabi niyang utang ko basta ibalik lang niya ang pelikula ko. Kung hindi niya ibabalik ang pelikula ko, mag-usap na lang kami sa korte," said former stage director Mel Magno (main photo) who's making his film directorial debut with the indie movie Ripples.


Galit na galit ang indie film director na si Mel Magno kay Carlo Macedadahil ayaw diumano i-release ng dating aktor kay Mel ang debut film niyang pinamagatang Ripples.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Mel noong Huwebes, May 6, sa Savory restaurant sa Timog Avenue, Quezon City, sinabi nito na dapat sana ay magha-hire lang siya ng equipment kay Carlo upon the recommendation of his star in the movie, Pinoy Big Brother season 1 winner Nene Tamayo. Pero nang magkausap sila ni Carlo ay nag-volunteer ito na maging executive producer or line producer of sorts para raw makatipid ang production.

Dahil first film ito ni Mel na dating stage director, nakumbinsi siya ni Carlo, pero ngayon mukhang mauuwi sa kasuhan ang kanilang naging samahan. Ayaw raw ibigay sa kanya ni Carlo ang pelikula despite his demand at nag-threaten pa raw ito na buburahin ang movie.

"I just want my film back dahil pera ko ang ginastos doon," pahayag ni Direk Mel.

GRIEVANCES. "He was supposed to take control of the production budget kasi ibinigay ko na sa kanya ang pera. Pero ako pa rin ang nagbabayad sa ibang gastusin tulad ng pagkain ng crew at panggasolina ng mga sasakyan, kasi sa Pampanga pa ang location namin.

"There was one instance na kailangan namin ng baril sa set at ipinagbilin na 'yon ng production designer dahil hindi makakapunta on the day of the shoot. Pero pagdating namin sa set, walang baril na gagamitin na props dahil hindi naman nag-provide si Carlo. Kaya ang ginawa ko ay nagpabili na lang ako ng toy guns at kinulayan na lang namin para magmukhang totoo."

Dagdag pa niya, "Isang beses naman ay ipinamigay niya ang hanging bridge na ipinagawa ko for the movie. Take note, hindi pa namin tapos ang shooting pero ipinamigay niya ang hanging bridge. Nang tanungin ko kung bakit niya ipinamigay, pang-PR daw sa mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Direk Mel, hindi lahat ng miyembro ng production team ay nakatanggap ng bayad, kaya kinailangan pa niyang muling maglabas ng pera para matugunan ito.

Tapos ngayon ay ayaw daw i-release ni Carlo kay Mel ang pelikula at nagde-demand siya ng bayad mula kay Mel dahil marami raw pagkakautang sa cost of production ang director.

"Kung totoong may utang ako, bigyan niya ako ng kopya ng sinasabi niyang utang ko," sabi ng direktor. "Second day pa lang ng shoot ay ako na ang nagbabayad sa pagkain at sa ibang costs of production na dapat ay binabayaran niya sa P150,000 na hiningi niyang down payment. I already gave him a total of P350,000 na supposed to be would cover the cost of production. Pero up to this day, hindi niya ako mabigyan ng liquidation ng total amount na ibinigay ko sa kanyang budget."

Sa tuwing tatanungin niya raw si Carlo tungkol sa liquidation ay lagi daw itong may dahilan. Nasa Boracay daw siya o kaya naman nasira ang laptop niya. Pati ang original cast na gusto ni Direk Mel para sa pelikula ay pinalitan daw ni Carlo. Napahiya raw tuloy si Direk Mel sa mga artista ng Star Magic na nakausap na niya to be in the movie.

"All I wanted is to have my film back. Isang buwan na akong nagmamakaawa sa kanya para ibigay niya sa akin ang pelikula ko, pero hindi niya pinapansin ang pakiusap ko," himutok ni Direk Mel.

Kaya naman napilitan na si Direk Mel na pasulatan sa kanyang abogado si Carlo at nag-demand na ibalik nito ang pelikula sa kanya. Kaso nagti-threaten raw si Carlo na buburahin ang movie.

"Kung hindi pa niya maibibigay ang liquidation at may sinisingil pa rin siyang supposed to be ay utang ko, magkaliwaan kami," sabi ni Direk Mel. "Babayaran ko ang sinasabi niyang utang ko basta ibalik lang niya ang pelikula ko. Kung hindi niya ibabalik ang pelikula ko, mag-usap na lang kami sa korte."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POST-PRODUCTION BLUES. Natapos ni Direk Mel ang shooting ng pelikula in eight shooting days. Mas matinding problema ang hinarap niya sa post-production.

"Maliit lang ang budget ko, around P700,000. Pero sinabi ni Carlo na kakayanin daw ng budget iyon na matapos ang movie, kasama na ang talent fees ng artista at post-production expenses. Pero almost one million na ang naubos kong pera, pero hindi pa rin tapos ang post-production ng movie.

"Tapos nga, ayaw ibigay sa akin ni Carlo ang pelikula dahil ini-edit pa raw ito. Di ba, dapat ako ang mag-edit ng movie dahil ako ang direktor? Bakit siya ang mag-e-edit, e, di naman niya alam ang shot list ng movie? Paano niya mabubuo ang movie, e, di naman siya ang direktor?"

Tampok sa pelikulang Ripples sina Nene Tamayo, Mikel Campos, AJ Dee, Megan Young, Bettina Carlos, Charee Pineda, Lui Manansala, Eric Tai, Jeff Olalia, Carlo Tarobal at Mondrian Sampang.

As of press time ay sinusubukan ng PEP na makapanayam si Carlo tungkol sa mga pahayag ni Direk Mel. Mananatiling bukas ang PEP para sa panig ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN