Willie Revillame tones down his issue against Jobert Sucaldito

Willie Revillame after his threat to quit ABS-CBN if Jobert Sucaldito is not booted out: "Basta ako, kung ano ang desisyon nila, tatanggapin ko iyan. Ako, kung mawawala ako sa anumang programa, hindi ako magsisisi, paninindigan ko iyon. Hindi ako para magsisi. Sinabi ko iyon, e, na kung ako'y sakit na ng ulo sa estayon, ako na mismo ang aalis."


Inamin ni Willie Revillame na naging emosyonal siya sa kanyang mga nasabi sa Wowowee ukol sa naging issue sa kanila ng segment host ng The Buzz at DZMM host na si Jobert Sucaldito.

Sinabi niya ito noong Biyernes, May 7, sa Manila Harbor Center sa Vitas, Tondo, Manila, sa presscon na isinagawa bago ang miting de avance ng Nationalista Party. Humarap din sa entertainment press ang NP presidential candidate na si Senator Manuel "Manny" Villar, at ang Comedy King na si Dolphy.

INSULT. Matatandaang nagbanta si Willie last Tuesday, May 4, na magre-resign bilang host ng Wowowee kapag hindi pinatalsik sa ABS-CBN si Jobert. Sa live episode ng Wowowee, hinamon ni Willie ang ABS-CBN management na tanggalin si Jobert dahil umano sa pang-iinsulto nito sa mga contestant ng kanyang noontime show. Bakit daw pinapayagan na maging contestants ang high school students na ang general average ay 75 hanggang 79, tanong ni Sucaldito sa kanyang radio progam.

Sa presscon noong May 7, bago siya nagsalita ay umiwas nang ilang beses ang controversial TV host na pag-usapan ang insidente.

"Ayaw ko munang pag-usapan ang Wowowee, si Senator muna, hindi pa bukal sa loob ko na pag-usapan iyan. Ang importante ay itong miting de avance, itong huling araw ng kampanya.

"Malalaman niyo rin iyon. May oras at araw para diyan," pahayag ni Willie sa presscon para sa entertainment press.

Pagkatapos ng presscon at lumabas ng media room sina Sen. Villar at Dolphy, dinumog ng press si Willie at dito ay muling kinulit. Hindi na nakaiwas ang controversial host ng Wowowee at napilitang magsalita.

JUST WANTS TO REST. Inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kung mag-a-apologize kaya si Jobert sa mga batang contestants na sa pakiramdam ni Willie ay na-offend, mas magiging okay ba ang sitwasyon?

"Ako, tao lang naman ako, e, di ba?" saad ni Willie na tila lumambot ang puso. "Siyempre, ayaw ko kasing mag-ano, e... Alam mo, medyo lumaki na ito. Sobrang laki na, kayo, kapuwa katrabaho niyo rin, di ba? Nirerespeto ko naman yun, kaya lang siyempre ay masakit dahil pareho kayong nasa isang bubong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero lahat naman ay napag-uusapan iyan, e. Basta ako sa ngayon talaga honestly, ang puso ko, gusto ko munang magpahinga.

"For five years and a half, imagine, Monday up to Saturday, tapos masyado na siguro akong burned out. Isipin niyo, paano naman ako, di ba? E, mabigat yung ano, e... Pero marami rin naman ang nagtatanggol, marami rin naman ang bumabatikos. Ganoon naman talaga iyan, e, hindi naman lahat ay gusto ka, e.

"Pero ang importante, yung nagkakagusto sa programa, mas marami. Ako naman, pag ayaw na sa akin... alam mo, malalaman mo sa ratings, e, malalaman mo rin sa tao sa loob. Pero ngayon yata, lately, medyo ilang araw na bumagsak [ang ratings]," saad niya.

NO FEAR. Bakit daw kung may reklamo siya kay Jobert ay di na lang kinausap ito nang personal?

"Mahigit isang taon na akong tahimik, kahit tinitira ako. Pero noong nakanti na ang programa, nasaktan na ako. Kasi, programa na iyan, e. Ako, okay lang. Ako, kahit sino ang tumira sa akin, nirerespeto ko, binabati ko pa, e. Di ba? Si Tita Cristy Fermin, iyan ang tumitira sa akin dati every day, pero kita mo parang nanay ko ngayon, di ba?"

Pero ang lakas ng dating ng statement niya sa news program na Bandila noong May 7 na wala siyang kinatatakutan.

"Hindi, kasi ang feeling ko, bakit ako matatakot, wala naman akong ginagawang masama. Puro kabutihan lang ang nasa isip kong gawin, gumawa ng mabuti doon sa kapwa ko, sa Wowowee, at tumulong at magbigay ng pag-asa. So, bakit ako matatakot?

"Siguro ay malakas ang dating, pero kapag totoo kang tao ay ganyan, e. Wala, e, eto ang pagkatao ko. Alangan namang lokohin ko kayo, ang bait-bait ko sa interview tapos... hindi naman maganda yung ganoon. Kung ano ka lang, kasi, yun nga, kaya showbiz, dalawa ang mukha, e. May lumuluha at nakangiti, ipakita mo ang totoong showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nire-require ba niyang mag-sorry si Jobert?

"Wala akong nire-require," maikling tugon niya.

Sabi kasi ni Jobert, "Ganoon na ba kalaki ang programa ko....?"

"Hindi rito pinag-uusapan kung malaki o maliit, ang pinag-uusapan ay nasa isang bubungan tayo," mabilis na sagot ni Willie.

"Ano ba ang gagawin ko sa mundo na hindi mo pupunahin. Napakasakit... Iyan si Roldan [Castro, tabloid columnist at PEP contributor] tinitira ako niyan," saad niya habang nakatingin kay Roldan. "Pero nagkakausap kami. [Laughs] Hindi ba, Dan, may nadinig ka ba na binastos kita?" tanong pa niya kay Roldan. "Hindi... Iyong pagrespeto ko, e... Tita Len [Llanes], ikaw din naman dati noon, di ba? (Laughs) Pero yung respeto ko sa inyo, honestly, di ba? Wala kayong narinig sa akin na ganyan, di ba? Hindi ko kayo inireklamo, hindi ako nagsalita kahit ano. Even with the ABS-CBN family, wala akong inirereklamong press, na pinapa-ban ko...

"Hindi ako ganoon, e. Nasaktan lang ako na yung nagko-comment ka about the show, pinaghihirapan ng staff ko iyan. Bigyan natin ng pagkakaton etong mga ito. Siguro, itago mo na lang, 'wag na on air. At hindi rin ako on air magsasalita.

"So ang point ko lang, actually, okay naman kami ni Jobert, e. Kahit na one year na tinitira niya ako. Pag nagkikita naman kami, 'Oy, Bert,' hindi ko siya ini-snub, hindi. My point is, puwede mo namang sabihin na, 'Oy, Willie...' at magpapasalamat pa ako sa kanya. Alam mo kung si Jobert nag-suggest sa akin, tama rin naman siya, bigyan natin yung mga valedictorian, which is ginagawa namin iyon. Kasi ang point ko rito, kahit ano ang pagkatao mo, welcome ka sa Wowowee."

AFTER THE STORM. Tinanong namin kung kailan siya babalik sa Wowowee.

"Honestly, talaga, hindi ko alam kung ako'y babalik o hindi na," seryosong tugon ni Willie.

Paano kung hindi tanggalin si Jobert?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam niyo, hindi ko na desisyon iyan."

Masasabi niya bang nabigla lang siya sa mga nasabi niya?

"Siyempre, outburst mo na iyon, e, dahil nasaktan ka. Siyempre, kahit naman sino. Actually, wala naman talagang issue, e, nabanggit lang sa akin ng isang staff ko."

Hindi naman kaya over ang pagkabanggit o ang naparating sa kanya?

"Well, siguro ang maaring pagkakamali ko... kasi, pagod ka na, di ba?"

Hindi ba, iba talaga kapag sinalin na ang mga sabi-sabi?

"Well, kaya nga eto ang lesson sa lahat, siguro kung magsa-suggest ka, personal, doon sa mga tao sa Wowowee."

Pero yung nasabi mo kay Jobert, hindi mo talaga gustong sabihin?

"Well, siguro ano iyan, e, ganoon... emotional ka, e. Pero ako sa ngayon, siguro sa sobrang pagod, hindi ba nagso-sortie kayo, nagra-rally, tapos sa show... di ba, lahat na, maaaring ganoon?

"Basta ako, kung ano ang desisyon nila, tatanggapin ko iyan. Ako, kung mawawala ako sa anumang programa, hindi ako magsisisi, paninindigan ko iyon. Hindi ako para magsisi. Sinabi ko iyon, e, na kung ako'y sakit na ng ulo sa estayon, ako na mismo ang aalis."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN