Elmo Magalona says he dedicates every performance to his late dad Francis M

The Master Rapper's son turns 16 today, May 9, and his thoughts turn to the father that he misses every day: "Si Dad kasi, he's also like a kid. Gustung-gusto niyang makipaglaro sa aming lahat. Kapag wala siyang work, we would always play in front of the computer. He's a big kid at heart. Tawag nga sa kanya ni Mommy ay Peter Pan because he refuses to grow up, at gusto ni Dad na para siyang bata parati para makasama niya kami."


Ngayong Linggo, May 9, ay magiging 16 years old na ang isa sa mga anak nina Pia Arroyo-Magalona at ng yumaong si Francis Magalona na si Elmo Moses Magalona. Ise-celebrate ito sa Party Pilipinas ng GMA-7.

Regular performer na si Elmo sa Party Pilipinas at dito niya ipinapakita ang kanyang husay sa pag-awit na namana niya sa kanyang ama na si Master Rapper Francis M.

Sabi nga ni Elmo na noong una ay nahihiya pa siya dahil hindi siya sanay na mag-perform sa harap ng maraming tao. Pero nakasanayan na rin daw niya dahil marami ang natutuwa sa kanyang pag-perform sa stage.

"Up to now naman po, nahihiya pa rin ako. But I also try my best. And the people I work with now are very good. Ayoko rin naman po na hindi maganda ang performance ko. My mom always tells me to be at my best and I should be proud of the talent that God has given me," ngiti pa ni Elmo.

PETER PAN. May pressure nga raw parati kay Elmo ang pagpe-perform dahil many people expect na kasinggaling niya ang kanyang ama.

"Always naman po. Every time I go on stage, I feel that people will always look for that certain move or certain pitch that my dad has. It's okey to compare me to my dad kasi sa kanya naman po ako nagmana talaga. I grew up with his music and I always dedicate my performance to him. I know that he is guiding me all the way."

Inamin ni Elmo na nami-miss pa rin niya ang kanyang ama, lalo na't magsi-sixteen na siya. Kung kailan papasok na siya sa pagiging binata ay doon pa namahinga ang kaniyang ama.

"I always miss him every day. Si Dad kasi, he's also like a kid. Gustung-gusto niyang makipaglaro sa aming lahat. Kapag wala siyang work, we would always play in front of the computer. He's a big kid at heart. Tawag nga sa kanya ni Mommy ay Peter Pan because he refuses to grow up, at gusto ni Dad na para siyang bata parati para makasama niya kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I know that he's happy where he is right now. Alam namin na he's just there for us and I hope that he's happy that I am also performing like him."

Sa pasukan ay college freshman na si Elmo. Pero hindi pa raw siya decided kung anong kurso ang kukunin niya.

"Marami po kasi akong gusto. My mom suggested nga that I take up something that involves computers. Kasi nga parati akong nasa harapan ng computer and I like to discover many things.

"Right now kasi, enjoy naman po ako performing in Party Pilipinas. I want to explore many things in being a performer. Now kasi, I can do some dancing na. Before, hindi ko kaya. Ngayon kaya ko na. And I've overcome na my shyness. Kaya I will do my best dito sa pagiging entertainer just like my dad," pagtatapos ni Elmo Magalona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN