Melai Cantiveros gets her first starring role in Precious Hearts' Impostor

The PBB Big Winner gets her tips on proper star deportment from her fans. "Sabi nila sa akin, 'Hoy, dapat kayong hindi nali-late, para hindi masabihang may attitude.' Hindi raw dapat lumaki ang ulo. Hindi na raw baleng lumaki ang baba. Huwag lang daw ang ulo."


Sa Precious Hearts Romances Presents Impostor, ang mga pangunahing babae ay sina Maja Salvador at Melai Cantiveros. Hindi nga makapaniwala ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Double Up na si Melai na magbibida siya sa isang serye.

"Parang may pangarap din naman ako dati... kaya lang sabi ko sa sarili ko parang imposible na mangyari dahil alam ko naman na maganda ako pero hindi naman kagandahan," natatawang sabi ni Melai nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng PHR noong Huwebes, May 6, sa ELJ Building ng ABS-CBN.

KISSING SAM. Puring-puri ni Melai si Maja pagdating sa pakikisama.

"Sobrang bait naman talaga ni Maja... Nung magti-taping pa lang kami nilabas nila kami ni Sam [Milby] para gumaan ang loob namin sa kanya. Si Maja ang first friend ko sa showbiz."

Si Sam ang leading man nina Maja at Melai sa PHR. At masuwerte si Melai dahil may kissing scene siya with Sam.

"Smack lang naman yung ginawa namin ni Sam. Hindi naman nakabukas yung bibig ko. Kaya hindi niya naamoy yung hininga ko. Pero mabango naman ang hininga ko. Hindi naman ako bad breath," tawa na naman ni Melai.

Hindi niya ba naramdaman ang halik ni Sam?

"Gusto ko siyang ramdamin kasi ang guwapo-guwapo niya at ang sarap-sarap. Kaso lang nahihiya ako sa kanya. Parang hindi mo kasi siya puwedeng pagnasaan dahil sobrang bait niya. Binigyan nga niya ako ng cell phone nung birthday ko. Yung ini-endorse niya, yung Samsung."

JAYSON IN THE HOUSE. Kasama rin sa PHR ang boyfriend ni Melai na si Jayson Francisco na produkto rin ng PBB Double Up. Hindi ba naman nagselos si Jayson sa smack nila ni Sam?

"Galing siya sa isang eksena namin. Kaso lang bumalik na siya sa tent para magbihis kaya hindi niya napanood."

Totoo ba na nagsasama na raw sila ni Jayson sa iisang bahay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkasama kami sa isang condo. Pero sa 4th floor siya. Ako sa fifth floor."

Hindi ba naman siya inaakyat ni Jayson?

"Minsan umaakyat siya... umaakyat siya ng ligaw. Charing! Nandun ang Mama ko. Matakot naman siya sa Mama ko. Uber! Matapang pa naman ang Mama ko, so hindi siya uubra dun."

House and lot ang isa sa premyo ni Melai nang manalo siya sa PBB Double Up. Bakit nagri-rent pa siya ng condo?

"Binigay na yung bahay pero wala pang mga gamit. Pero malapit na raw magkaroon ng gamit kasi lalagyan na nila. 'Saka malayo yung bahay, sa Binangonan pa. Kailangan ko lang ng malapit na bahay kasi pag na-late ka pala sa commitment po, pag artist ka, may attitude ka na. Kaya kailangan hindi ka ma-late. Malapit lang yung condo namin, sa likod lang ng PBB house. Sakay ka lang ng trycicle, nandito ka na agad sa ABS-CBN,"

DON'T GET AN ATTITUDE. Sino ang nagsabi sa kanya na pag na-late sa commitment ay sasabihing may attitude na?

"Yung mga fans," sagot ni Melai "Sabi nila sa akin, 'Hoy, dapat kayong hindi nali-late, para hindi masabihang may attitude.' Hindi raw dapat lumaki ang ulo. Hindi na raw baleng lumaki ang baba. Huwag lang daw ang ulo."

Tuwing tinatanong si Jayson kung sino ang showbiz crush niya, ang sagot nito ay si Maja Salvador.

Hindi ba nagseselos o natatakot si Melai ngayong nakakatrabaho ni Jayson si Maja? Baka ma-in love si Jayson kay Maja.

"May trust naman ako kay Sweetie Pie. Crush niya naman talaga si Maja. Pero hindi naman siya ma-fall agad dahil... " bitin na sabi ni Melai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN