Rachelle Ann Go answers issue that she was verbally abused by an ex-boyfriend

"Siguro konti, pero hindi ko naman... Kumbaga, pinalampas ko na lang, hindi ko na dinibdib. Kumbaga, mahirap kasing ipasok yun sa puso. Mahirap ibaba ang pagkatao. So, wala na yun, tapos na," says Rachelle Ann Go when asked if it's true that she was verbally abused by one of her ex-boyfriends.


Ang singer at bagong Kapuso na si Rachelle Ann Go ang sumalang sa bagong segment ng Showbiz Central na "Behind The Wall" noong Linggo, May 9.

Bago ang mga tanong sa kanya ng "tatlong informants" ay tinanong muna si Rachelle ng isa sa mga host na si Raymond Gutierrez kung kumusta na ang pagiging Kapuso niya.

"I'm very thankful dahil sobrang naramdaman ko ang pag-welcome sa akin ng mga staff, lahat ng artists and bosses dito sa GMA. So, maraming-maraming salamat sa inyong lahat," sagot ng dating mainstay ng ASAP XV na ngayon ay bahagi na ng Party Pilipinas.

Ang tatlong special informants na nagtanong kay Rachelle, yung isa ay nakasama raw nito noong nagsisimula pa lamang ang singer at may alam na backstage secret nito. Yung isa naman ay ilang beses na raw na-test ang friendship nila, at ang ikatlo ay nakita na raw nito ang singer at her best and at her worst.

IS MARK COURTING HER? Ang tanong ni Special Informant No. 1: Since napapadalas na ang pagsasama nila ni Mark Bautista sa GMA-7, nililigawan na ba siya nito?

"Lahat na lang nanliligaw sa akin!" natatawang sabi ni Rachelle. "Hindi, hindi totoong nanliligaw. Si Mark, close friend ko 'yan simula pa nang magsimula ako dito sa Seven. Wala, barkada, barkada talaga kami ni Mark at hindi siya nanliligaw sa akin."

IS RACHELLE INSPIRED? Tanong ni Special Informant No. 2: Totoo ba na inspired siya ngayon sa kanyang lovelife?

"Ngayon, marami po talagang espesyal na tao. Hindi ako nagpapaka-showbiz, pero marami po talagang espesyal na tao sa akin ngayon. There's no particular person, pero marami, marami—kaibigan ko, pamilya ko na kahit na anong mangyari, nandiyan sila sa likod ko," sagot ng singer.

"Is there a guy in your life?" tanong naman ni Raymond.

"Guy? Marami...marami rin!" natatawang sagot ni Rachelle. "Marami akong kaibigan. Boy friends, marami akong mga kaibigan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero yung tinatawag na "one and special boyfriend," meron na?

"Wala pa... Actually, hindi ko hinihintay, darating lang 'yan."

CHRISTIAN & GAB. Tanong ng Special Informant No. 3: Sa mga nakarelasyon ni Rachelle sa showbiz, kanino siya aminadong pinaka-nasaktan siya?

"Kanino na-hurt? Hindi ko kasi maikukumpara yung mga naramdaman ko, yung sakit na naramdaman ko sa dalawang... Magkaiba kasi," sabi niya.

Pinangalanan ni Raymond na sina Christian Bautista at Gabriel Valenciano ang dalawang tinutukoy ni Rachelle.

"Yes, first boyfriend ko si Christian," pag-amin naman ni Rachelle. "Siyempre, yun, mga bata pa. Yung sakit na naramdaman ko nun, iba rin. Then, yung kay Gab naman, siyempre masasabi ko na nag-mature na ako noong time na yun. So, iba rin. Pero pareho siyempre, pareho akong nasaktan. Normal naman yun kapag naghihiwalay, di ba?"

BECAUSE OF SARAH? Tinanong din ni Raymond si Rachelle kung ang paglipat ba niya sa GMA-7 ay may kinalaman sa kasamahan niya noon sa ASAP na si Sarah Geronimo kung saan palagi silang pinagko-compete? Pareho silang alaga ng Viva Artist Agency, pero strategy ng naturang talent management na paghiwalayin sila ng network?

"Well, unang-una, wala talaga sa rason namin na si Sarah Geronimo kung bakit ako lumipat," paglilinaw ni Rachelle. "Siguro sa career lang, I just wanna grow as an artist. Siguro nga, gusto rin ng manager ko na hindi lang singing ang gawin. Sobrang hindi si Sarah talaga. Sobrang kapatid ko na 'yan at wala talagang competition na nagaganap sa amin."

So, we'll be seeing you acting here in GMA-7?

"Daw!" natatawang sagot ni Rachelle.

VERBALLY ABUSED? Bago ni-reveal ni Raymond ang "Ultimate Question," pinahulaan muna niya kay Rachelle ang three special informants. Sina Jimmy Marquez, Mark Bautista, at Nikki Bacolod ang naging hula ni Rachel, pero ang tumama lang ay si Jimmy Marquez. Ang dalawa pang informants ay ang kanyang kaibigan na si Jon Dalusong at ang kanyang ina na si Mrs. Russel Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil hindi niya nahulaan ang lahat ng special informants, walang choice si Rachelle kung hindi sagutin ang "Ultimate Question": Totoo ba na dumanas si Rachelle ng verbal abuse sa kanyang ex-boyfriend?

Napaisip si Rachelle pagkarinig ng tanong.

"Naku, kailangan ba talagang sagutin ito? Siguro...dyusko po...hindi siguro to the highest level. Kapag nag-aaway kasi ang dalawang tao, dumarating sa punto na minsan, hindi napipigilan ang sarili. Siguro ganun lang. Pero iba-iba naman tayo. So..." natatawa at hindi madire-diretso nitong sagot.

Pero sa kanyang palagay, dumanas siya kahit paano ng verbal abuse kapag sila ay nag-aaway ng kanyang boyfriend?

"Siguro konti, pero hindi ko naman... Kumbaga, pinalampas ko na lang, hindi ko na dinibdib. Kumbaga, mahirap kasing ipasok yun sa puso. Mahirap ibaba ang pagkatao. So, wala na yun, tapos na."

Nakapag-move on na ba siya?

"Yes, sa tulong siyempre ng family ko and friends at sa prayers nilang lahat," sagot ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN