Rocco Nacino says fight scene with Dennis Trillo is not for real

"It would be an honor na masipa at masapak ako ni Dennis Trillo kasi idol ko yun, e," says Rocco Nacino about his fight scene with co-star Dennis Trillo in Gumapang Ka Sa Lusak.


Ang Second Prince ng StarStruck V na si Rocco Nacino ang sumalang sa "Don't Lie To Me Summer Edition" segment ng Showbiz Central noong Linggo, May 9. Sa Villa del Carmen sa San Rafael, Bulacan naganap ang pag-i-interrogate kay Rocco ng host na si John "Sweet" Lapus.

KRIS BERNAL. Unang tanong ni Sweet, kamakailan lang daw ay sinabi ni Rocco na si Kris Bernal ang aktres na gusto niyang maging leading lady. Ang tanong: Crush niya ba si Kris Bernal?

"Yes" ang sagot ni Rocco at Truth naman ang naging result sa lie detector.

Ano ang mga katangiang nagustuhan niya kay Kris?

"Kasi po, nakatrabaho ko siya sa StarStruck noon, sa Kiss Flick," sagot ng young actor.

Magaling siyang mag-kiss, yun ba ang ibig niyang sabihin?

"A, ganun ba? Hindi naman po. Tingin ko, nagkaroon kami ng chemistry. At saka, plus point din na napakaganda niya."

LOVI POE. Kung sila ni Kris ay nagkaroon ng chemistry, sila ba ni Lovi Poe ay magkakaroon din kaya dahil balitang ang young actress ang susunod na makaka-loveteam ni Rocco sa GMA?

"Sana nga po, napakabait po. At isa rin po yun sa nagustuhan ko sa kanya, aside from her eyes," sabi ni Rocco.

Excited na siyang makatrabaho si Lovi?

"Kung matutuloy po, of course," sagot niya.

JENNYLYN MERCADO. Balita rin na may pagtingin si Rocco sa co-star niya sa Gumapang Ka Sa Lusak na si Jennylyn Mercado. Sa isang interview ay sinabi ni Rocco na puwede pa siyang humabol dahil nagde-date pa lang naman si Jennylyn at ang kasamahan din nila sa soap na si Dennis Trillo.

Plano ba niyang ligawan si Jennylyn?

Mabilis na "Hindi po," ang sagot ni Rocco. Pero "Lie" ang lumabas na resulta sa lie detector.

Crush niya rin ba si Jennylyn?

"Nagagandahan po ako sa kanya at masuwerte rin po ako na nakatrabaho ko si Jennylyn," sabi ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung walang "ka-date" na Dennis si Jennylyn, liligawan ba niya ang co-star?

"Hindi rin po...trabaho muna. 'Saka na ang pag-ibig na 'yan," sagot ng young actor.

FIGHT SCENE WITH DENNIS. Sa isang fight scene daw nila sa Gumapang Ka Sa Lusak ay "na-rock" daw ang mundo ni Dennis dahil tinotoo raw ni Rocco ang eksena. Totoo ba ito?

"Nope," ang sagot ni Rocco. Pero "Lie" na naman ang lumabas.

Paliwanag ni Rocco, "May fight director naman po. Si Dennis naman po, pareho po kaming mixed martial artists. Kaya siguro po, na-execute po namin nang maganda na parang totoo. In a way, natutuwa rin po ako na na-execute namin nang parang totoo."

Si Dennis ba ay walang mga suntok at sipa na parang totoo?

"Siyempre po, may mga daplis-daplis ng sipa, pero hindi naman po masakit. Alam din po namin na trabaho lang yun. At para sa akin, it would be an honor na masipa at masapak ako ni Dennis Trillo kasi idol ko yun, e," sabi ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN