Rochelle Pangilinan plays Regine Velasquez's impostor in Diva

SexBomb leader Rochelle Pangilinan is one of the busiest TV personalities nowadays. Aside from the current season of Daisy Siete, she is also seen in Diva, Show Me Da Manny, Party Pilipinas, and Diz Iz It!.


From Antipolo City, na location ng first unit ng kantaseryeng Diva, lumipat ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa second unit nito sa Sikatuna Village, Quezon City kahapon, May 11.

Naabutan namin na kinunan ang birthday party scene kung saan wine-welcome ang role na ginagampanan ni Rochelle Pangilinan bilang ang impostorang si Sam, na siyang character ng bidang si Regine Velasquez.

Biro tuloy ng PEP kay Rochelle, mukhang nalilinya siya sa roles na nagpapanggap siya. Sa 27th season kasi ng Daisy Siete, ang "Adam & Eve," ay nagpanggap siyang lalake para makapasok sa isang banda. Ngayon naman ay nagpapanggap siyang si Regine.

"Okay lang po, doon po yata ako gusto ng mga televiewers," nakangiting sagot ni Rochelle. "Ako po rito si Kelly, mayaman, ulila. Nag-meet kami ni Sam sa clinic ni Dra. Vicki Belo dahil mahilig din akong magpa-beauty dahil pangit din ako. Sabay kaming naoperahan sa mukha. Nalaman ko ang story ng buhay niya. Tapos inuwi ko muna siya sa resthouse ko, pinabantayan ko sa secretary ko [Sheena Halili] at ako ang nagpanggap na Sam sa kanyang family. Kung si Sam ay attracted kay Martin [TJ Trinidad], ako naman ay attracted kay Gary [Mark Anthony Fernandez]."

Parang walang kapaguran si Rochelle dahil hindi lamang ang Diva ang ginagawa niya.

"Masaya po ako dahil tuluy-tuloy ang trabaho ko," sabi niya. "Three weeks daw po akong mapapanood sa Diva. MWF, taping ko po ng "Adam & Eve," Tuesday, Thursday, and Saturday naman ang taping ko ng Diva. Every Saturday, nasa Diz Iz It ako at Sunday, sa Party Pilipinas.

"Mabuti na lang po at may pondo na kami ng Show Me Da Manny at sa June na kami magre-resume ng taping. Masaya nga po kami dahil nanalo si Manny [Pacquiao, her co-star in Show Me Da Manny] as congressman ng Sarangani."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Rochelle nang sabihing hindi pa makababalik si Manny sa taping dahil bawal pa. May nagbiro naman na tumatayo raw naman ang show kahit wala si Manny.

LAST DAISY SIETE? Usap-usapan na ang "Adam & Eve" na ang huling season ng Daisy Siete. Mawawala na raw sila sa GMA-7 dahil nakuha na ng Viva TV ang timeslot nila after ng Eat Bulaga!. Ano ang sabi sa kanya ng manager nilang si Joy Cancio.

"Hindi pa po kami nag-uusap ni lola [tawag niya kay Joy Cancio]," sabi ni Rochelle. "Wala pa akong alam at kung tatanungin ko siya, tiyak na iiyak lang 'yon. Kung totoo po kasi, masakit din, kasi bread and butter talaga naming mga SexBomb ang Daisy Siete. Dati nga po kapag may nababalitaan akong ganoon, hindi ko matanggap. Pero ngayon, okey na sa akin. Naniniwala po kasi ako na kung may magsasara, may magbubukas namang bago.

"Thankful nga po kami dahil hindi namin in-expect na tatagal kami ng seven years. Nang una kaming gumawa ng afternoon soap, akala namin, one season lang 'yon, pero nagusutuhan po naman ng televiewers. At ngayon nga, nasa 27th season na kami. Nakakalungkot lang kung mawawala na nga ito."

May nagsabi naman kay Rochelle na hindi naman sila talaga mawawala, malilipat lang sila ng bagong timeslot at bagong show na ang gagawin nila sa GMA-7.

SEXBOMB GIRLS. Totoo bang may mga umaalis na rin sa SexBomb?

"Opo," pagkumpirma ni Rochelle. "Hindi naman nagkaila si Jopay [Paguia] na gusto na niyang umalis. Ita-try daw niyang mag-business sila ng boyfriend niya, si Joshua [Zamora]. Okey lang 'yon. Matanda naman na si Jopay, alam na niya ang tama at mali at kung magiging successful ang business nila, masaya kami para sa kanila. Matagal na kaming hindi nagkakausap ni Jopay.

"Sana hindi niya ako makalimutang batiin sa birthday ko, sa May 23!" biro pa ni Rochelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit namin kay Rochelle na nakausap namin si Joy at inamin nitong may mga umalis na sa SexBomb.

"Mag-uusap din po kami ni lola one of these days. Nami-miss ko rin ang SexBomb, matagal na kaming hindi sumasayaw. Ang last pa namin na magkakasama kami sumayaw, nung election campaign jingle na 'Ang Bilog Na Hugis Itlog.'

"Sayang nga po dahil this year lang ako walang birthday concert. Every year may concert ako sa birthday ko at kasama ko silang lahat. Pero dahil nga sa busy schedule ko, hindi ako nagkaroon ng time na makapag-put up ng concert kaya nakakalungkot din po."

Paano na ang lovelife? Payag ba ang boyfriend niyang si Arthur Solinap na maghintay nang matagal?

"Darating din po 'yon," nakangiting sabi ni Rochelle. "Gusto ko munang maka-settle down. Kahit nga po mag-alaga lang ng aso ngayon, ang mahal-mahal ng shampoo at conditioner nila! Kaya ngayon, trabaho na po muna ako. Ang mahalaga po masaya ako sa buhay ko at 'yon na po, sa lovelife ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN