Steven Silva gives himself two to three years to succeed in showbiz

"Parang hindi po okay that I don't have an acting job. But I'm doing Party Pilipinas, where I'm dancing, singing, and hosting... I know we will have different projects and there's no professional jealousy among us," says Steven Silva about his co-StarStruck V finalists.


Natawa ang Ultimate Male Survivor ng StarStruck V na si Steven Silva nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa pocket interview na ipinatawag ng GMA Artist Center para sa kanya kaninang tanghali, May 12, sa Creative Dishes restaurant sa Executive Lounge ng GMA Network Center. Tinanong kasi siya kung ano ang feeling niya na parang siya na lang ang walang soap na ginagawa among the Final 5 ng StarStruck V.

Marami nang pumupuri sa acting ng Second Prince na si Rocco Nacino sa role niya bilang RJ sa afternoon soap na Gumapang Ka Sa Lusak, na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ang Ultimate Female Survivor na si Sarah Labhati ay kasama raw sa cast ng upcoming primetime soap na Langit Sa Piling Mo with Heart Evangelista, Mark Herras, Daniel Matsunaga, JC Tiuseco, and Katrina Halili.

Pumasok na sa ang First Prince na si Enzo Pineda sa Diva as the new love interest of Ynna Asistio dahil mawawala na sa kantaserye si Mark na nagte-taping na rin for Langit Sa Piling Mo. Ang First Princess namang si Diva Montelaba, bagamat wala pang regular soap, ay nakaganap na sa weekly drama anthology na Maynila.

Ano ang masasabi ni Steven dito?

"Parang hindi po okay that I don't have an acting job," nakangiting sagot ni Steven. "But I'm doing Party Pilipinas, where I'm dancing, singing, and hosting. I'm happy for Rocco, kasi po naka-pass naman siya sa audition. I know we will have different projects and there's no professional jealousy among us.

"But we are about to sail in Love Bug, the Sunday soap after Party Pilipinas, kami po nina Sarah, Enzo, and Diva. I think we will start the taping in June," banggit niya.

Hindi pa raw siguro kung saan ang cruise nila for Love Bug. Mauuna kasing mag-cruise sina Kris Bernal at Daniel Matsunaga sa Singapore. Nabigyan daw si Kris ng three-day schedule from her taping of The Last Prince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COOKING SHOW FOR STEVEN. Since graduate ng Culinary Arts si Steven, suggestion ng entertainment press na kausap niya, bakit hindi siya bigyan ng isang cooking show?

"Yes, they are planning to give me a cooking show in Q Channel 11," sabi ni Steven. "And I'm now preparing to teach how to cook different kinds of pasta, desserts, soups, mousse...anything I learned in school."

Portuguese-Chinese-Pinoy si Steven at graduate siya sa California Culinary Academy (CCA). Umuwi siya ng Pilipinas para mag-OJT [on the job training] sa Marco Polo sa Davao City, kung saan siya nag-audition sa StarStruck V. After niyang makapasa sa OJT, bago nag-Final Judgment ng StarStruck V, umuwi si Steven sa Sacramento, California para um-attend ng graduation niya sa CCA.

LOSING WEIGHT. Ipinakita pa ni Steven sa mga kaharap na press ang CCA ID niya to prove na nag-aral nga siya roon for one and a half years. Nakita tuloy na mataba siya last year. Umabot daw sa 175 lbs. ang timbang niya noon. Paano siya pumayat?

"Pumayat po ako nang pumunta ako dito [sa Pilipinas]. Maybe because of the amount I eat here. In the States, laging marami ang isang serving. Dito, small amount lang kinakain ko, plus nanibago ako sa food dito. But now, I'm enjoying it. That's why I do workouts and dancing helps me to maintain my weight," saad ni Steven.

LANGUAGE BARRIER. Hanggang ngayon, nahihirapan pang magsalita ng Tagalog si Steven. Hindi kaya 'yon ang reason, plus ang kanyang Korean looks, kaya hindi siya mabigyan ng acting job?

Pinipilit din siya ng mga press na magsalita ng Tagalog sa pagsagot sa mga question sa kanya.

"I'm trying my best. I can't speak Portuguese, too. But I was able to learn the Korean language. I had a Korean girlfriend then. We broke up when she went to New York to study there. Wala na kami communication ngayon. I don't know if she knew I'm an artista now," banggit ni Steven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang years ang ibibigay niya sa kanyang showbiz career? May fallback ba siya in case he will not succeed?

"Maybe two to three years. But I will work hard to succeed and I will stay here in the Philippines," sabi niya.

DIVA MONTELABA. Ano yung issue na dinalaw daw siya ni Diva Montelaba sa kanyang condo unit?

"One time she told me gusto raw niya makita condo ko, so I invited her. But hindi naman siya pumasok sa loob, doon lang siya sa lobby, ayaw din niya. My family was already there."

Kumusta na ba ang relasyon nila?

"We're doing fine," sagot ni Steven. "We knew each other before we joined StarStruck V. I talk to her, she told me her problems but we have no romantic involvement. We're just friends, nothing has changed in our relationship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN