Alfred Vargas doesn't plan to leave showbiz despite winning as QC councilor

(Top) Alfred Vargas and Roderick Paulate won as councilors for the 2nd District of Quezon City. (Bottom) Alfred congratulated by his non-showbiz girlfriend Yasmine Espiritu.


"Hindi," sabay iling ni Alfred Vargas sa unang tanong sa kanya kung iiwan niya na ba ang showbiz.

Kahapon, May 11, nagkaroon na ng proclamation sa Session Hall ng Quezon City Hall kung saan pinangungunahan ni Herbert Baustista ang mga nagwagi sa katatapos na local elections.

Maganda naman ang resulta ng desisyon ni Alfred tumakbo bilang konsehal sa ikalawang distrito ng Quezon City. Nag-second place siya sa naturang distrito.

Kasama niyang nanalo sa ikalawang distrito ng Quezon City ang dating taga-That's Entertainment na si Precious Hipolito-Castelo at ang batikang comedian na si Roderick Paulate.

Huling napanood si Alfred sa GMA-7 telefantasya na Darna na nagtapos last February. Kinailangan niyang mag-lie low sa telebisyon noong magsimula na ang kampanya.

"Acting will always be my passion but public service will now be my priority," sabi ni Alfred sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Chef Don's restaurant sa likod ng Quezon City Hall pagkatapos ng proclamation nila.

"IT'S ALL WORTH IT." Sobrang saya naman si Alfred sa kanyang pagkakapanalo.

"It feels very fulfilling," banggit ni Alfred. "Blood, sweat and tears ang ibinuhos ko. I sacrificed my career. I gave up most of my time just to be able to have a good campaign. It all worked out well naman. It was all worth it naman. Almost close to perfect."

Sabi naman na Alfred na paninindigan niya ang kanyang plataporma na sinambit niya noong nangangampanya pa siya. Mismong pangalan niya pa ang nilagyan niya ng acronym ng kanyang gagawin bilang konsehal.

"It's A.L.F.R.E.D. A for the arts. L for livelihood and land or pa-lupa. F for food production. R is for recreation centers. E is for education and environment. And D for development of health centers and support for people with disability," isa-isa niyang sinabi.

Plano ni Alfred na maging hands-on sa magiging pangangailangan ng mga tao lalo pa't ang distrito na nasasakupan niya ang may pinakamalaking populasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My city ordinances and resolution will simply be based on my platform. Definitely, they will be pro-poor. Para sa mga mahihirap dahil sila ang talagang sumuporta sa akin," sabi ng aktor.

BACK TO WORK. Nakita rin ang suporta ng mga fans club ni Alfred na sumalubong sa kanya sa labas ng City Hall pagkatapos ng proclamation.

Pati ang pamilya ni Alfred ay present din kahapon sa proclamation. Ang sister niya ay galing pa sa Malaysia at pabalik na rin kahapon sa Kuala Lumpur. Pati ang non-showbiz girlfriend niya na si Yasmine Espirtu ay naroon din para bigyan siya ng suporta.

Ngunit after ng proclamation, sumabak na kahapon sa shooting ng new movie niya si Alfred, Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, directed by Mario O'Hara.

"Ganun ako. Gusto ko may trabaho kaagad. Actually, mas napapagod ako kapag wala akong work. Actually, acting is my rest. Parang de-stressing and relaxing activity ko ang acting," pagtatapos ni Alfred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN