Jason Francisco says relationship with Melai Cantiveros is "growing stronger"

"Parang mas gusto ko nga po siya ngayon dahil nalalaman ko kung ano ang mga ugali niya at mga bagay na hindi ko pa alam sa kanya," says Jason Francisco about his girlfriend Melai Cantiveros.


Suwerte.

Ito siguro ang pinaka-appropriate na word upang i-describe kung ano ang dumapo sa mag-sweetheart from Pinoy Big Brother Double Up na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Alam ng mga naging tagasubaybay ng PBB ang dating buhay ng dalawa. At sa paglabas nila sa Bahay ni Kuya, napakarami na agad opportunities na dumating sa kanila.

Sa bagong offering ng Precious Hearts Romances na Impostor, kasama sa cast sina Jason at Melai. Tampok din dito sina Sam Milby at Maja Salvador.

Dahil tungkol sa pagpapalit ng mukha ang istorya ng Impostor, tinanong si Jason kung papayag siyang makipagpalit ng mukha o katauhan, tulad kina Maja at Melai sa kanilang show?

"Ako? Kung may chance na ngayong buhay na ako? E, siguro huwag na. Siyempre, baka mag-iba na rin yung paningin sa akin ng mga tao. Baka hindi na nila ako makilala. Siguro kapag nasira ang mukha ko, magiging impostor na rin ako!" natatawa niyang sabi.

MELAI IS MELAI. Sa press conference ng Impostor nila last May 6, naging dire-diretso si Melai sa pagpapahayag ng kanyang paghanga sa co-star nilang si Sam Milby. Bagamat alam naman ng lahat ang pagiging palabiro ng komedyana, ano ang naging dating nito para kay Jason bilang boyfriend? Na kahit nando'n siya, nasasabi ni Melai na gusto nitong magkaanak kay Sam, given the chance?

"E, ako naman po, siyempre dun ko naman siya nagustuhan at alam ko naman ang ugali niya. Kilala ko siya. Alam ko kung kailan siya nagseseryoso at alam ko kung sinasabi niya, e, seryoso at hindi totoo. Kaya sa akin po, e, talagang ganyan na po siya. Siguro, e, hindi madaling mabago. At sa akin naman po, wala naman pong problema," sagot ni Jason.

May mga nakita na ba siyang pagbabago kay Melai simula nang lumabas sila sa PBB house?

"Wala naman po," sabi ni Jason. "Sinasabi ko lang sa kanya na minsan magseryoso rin lalo na yung mga tanong-tanong na ganyan. Alam n'yo naman ang ibang tao, sineseryoso rin. Pero wala naman pong nagbago. At saka parang mas gusto ko nga po siya ngayon dahil nalalaman ko kung ano ang mga ugali niya at mga bagay na hindi ko pa alam sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jason, magpu-four months na ang relasyon nila ni Melai. At para kay Jason, mas lalo raw silang nagiging matatag.

"Ang four months po namin, e, growing stronger po kami niyan. Siyempre, kailangan...kaming dalawa lang po rito sa buhay showbiz. Kailangan naming mas magkapit sa isa't isa kasi kami lang yung parang magtutulungan. At sa huli't huli, kami rin ang manghihingi ng tulong sa isa't isa, so hindi kami dapat maghihiwalay."

TIME FOR EACH OTHER. Before, ang naging problema nila ay ang kakulangan nila ng oras sa isa't isa. Ngayon ba, may time na sila para sa kanilang dalawa lang?

"Ay, ngayon, e, napakarami po naming time," sambit ni Jason. "Palagi naman kaming magkasama sa guesting, palagi kaming magkasama, siyempre gusto ng tao yun. Pero yung oras na kaming dalawa lang, yun ang parang wala pa talaga."

Hindi naman siya parang naba-bad trip na wala silang time na silang dalawa lang?

"Hindi naman," sagot niya. "Minsan dumarating, pero iniisip ko na ganito talaga ang buhay. Kailangang masanay at darating din naman ang oras na kaming dalawa, e, magkaka-meron na ng panahon na kami ay magkakausap na nang maayos at seryoso."

Nakikita naman niyang mauuwi sa kasalan ang relasyon nila?

"Ay, ngayon, e, hindi pa talaga. Kumbaga, napakalayo pa po niyan sa isipan ko dahil ang iniisip ko ngayon ay ang pamilya ko. Second priority ko si Isay, sinasabi ko sa kanya 'yan. At saka kailangang mag-focus kami kung anong meron kami dahil napakasuwerte namin at kami'y nabibigyan ng ganitong oportunidad na magka-meron ng mga project-project na ganyan, e, di salamat po."

ARTISTA NA SI JASON. Ayon kay Jason, never daw niyang naisip noon na magiging artista siya.

"Talagang hindi po!" bulalas niya. "Kahit isang porsiyento, e, hindi ko makita. Alam naman ng tao na sa amin, e, ako'y napakasimpleng tao lamang. Ordinaryong kabataan diyan sa kalye na walang kaalam-alam sa theater at mga pag-arte. Hindi ko po akalain. Pero lahat naman ng bagay napag-aaralan kaya ako po, e, parang go with the flow na lang po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sanay na ba siya ngayon sa buhay-showbiz?

"Siguro medyo po, pero nahihiya pa rin ako kapag maraming tao lalo na kapag mag-isa lang ako. Kaya ayoko talaga ng nalalabas na wala akong kasama kasi nahihiya po ako sa mga tao. Pero kapag kasama ko po ang mga kaibigan ko, like si Isay at Big 5, parang okey lang sa akin," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN