Newly-elected Q.C. Councilor Roderick Paulate almost didn't make it to the proclamation of winners

"Matutulog talaga at kakain," said Roderick Paulate, a newly-elected Quezon City Councilor, when asked what he will do after being proclaimed. He added that he lost some weight because of the campaign work.


Late nang dumating si Roderick "Kuya Dick" Paulate sa proclamation ng mga nanalo para sa eleksiyon ng mga opisyales ng Quezon City noong Martes, May 11.

"Natutulog pa ako nung umaga. Ginigising na lang nila ako. Hindi ko pa alam kung bakit nila ako pinapupunta ng City Hall," nakatatawang kuwento ni Kuya Dick sa PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ang proclamation.

Binati pa si Kuya Dick ng mga ilang naroroon, tulad ni incumbent Mayor Sonny Belmonte at ilang mga nanalong konsehal, nang makarating na siya sa Session Hall ng Quezon City Hall.

Masaya naman si Kuya Dick at nanalo siya sa unang sabak niya sa pulitika. Dati na raw siyang naimbitahan na tumakbo. Dalawang beses daw siyang inaya na tumakbo para sa Kongreso sa kanyang hometown sa Bicol.

"Iba yung feeling. Nakakatanggap tayo ng mga achievements sa pelikula. Nakakatanggap tayo ng mga international recognitions. Pero iba yung galing sa mga tao mismo na binigyan ka nila ng pagkakataon na paglingkuran mo sila at naniwala sila sa sinabi mo," sabi ni Kuya Dick tungkol sa kanyang pagkapanalo.

Nilinaw naman ni Kuya Dick na hindi niya iiwanan ang showbiz dahil lang sa pagkapanalo niya sa konseho sa Quezon City. Isa raw ito sa parating nababanggit niya noong nangangampanya siya.

"Sinabi ko na hindi ko iiwanan ang craft ko, yung pagmamahal sa career ko. Nagpalakpakan ang mga tao. Kasi sila din, e, ayaw nila akong umalis. Sasabihin sa akin ng mga nanay, 'Ikaw lang ang nagpapasaya sa amin. Ikaw ang nagpapatawa. Huwag ka aalis.' Gusto pa rin nila ako lumabas. Mami-miss daw nila ako sa television," lahad ng actor turned politician.

"At isa pa," patuloy niya, "yun din naman ang passion ko. Ito pa din ang bread and butter ko. Hindi ko basta puwedeng bitawan 'yon. Pero magiging prayoridad ko na ang pagsisilbi sa tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Kuya Dick na malaking bagay na isa siyang artista at sikat sa kanyang pangangampanya. Pero dapat isipin at ibahin ng tao ang kanilang mindset tungkol sa kanyang napipintong pag-upo sa konseho ng Quezon City.

"I think challenge ito and at bukod sa kasikatan mo, gamitin din ito sa tama. Pero kailangan naniniwala sila sa iyo at kailangan may integridad ka. Importante sa tao ngayon yung character. Alam n'yo naman na pasong-paso na ang mga tao ngayon. Hindi naman basta sikat kay ganoon na lang. Kailangan naniniwala sila sa iyo at maganda ang reputasyon mo sa kanila," saad niya.

EXCITED TO SERVE. Para kay Kuya Dick, naniniwala siya na maganda ang magiging kumbinasyon nila ni Alfred Vargas at ni Precious Hipolito-Castelo. Kapwa sa second district ng Quezon City sila nakatira.

"We promise to work hard," pahayag ni Kuya Dick. "Yun yung nakikita namin bilang mga artista. Nagbubulungan na nga kami at sabi nila sa akin, 'Kuya, tulungan tayo ha.' Magtutulungan kami para sa tao. Hindi mag-aaway dahil sa tao. We want to make a difference."

Para sa kanya, hindi naman problema ang laki ng lugar na nasasakupan ng distrito nila. Ang second district ng Quezon City kasi ang pinakamalaking distrito ng lungsod at malaki rin ang populasyon nito.

"Ang problema kasi, e, dapat maintindihan ng mga tao kung gaano kalaki ang distrito na tinitirhan nila. Kung pagsisilbi lang, no problem. Kaya lang, sana maintindihan nila yung limitations na nasasakupan ng isang konsehal.

"Everytime I do my rounds and come up onstage, I try to explain kung ano ang function ng isang konsehal. Yung Council, gumagawa ng mga ordinansa. Puwede din sila gumawa ng proyekto. But sometimes kasi, kapag sinabi mo nang kandidato, parang akala nila kaya mo na gawin lahat. Kaya mo na ipagawa ang isang building. Kailangan ko lang maging patient. May nakikinig and I'm very happy na they understand na hindi ganoon kaliit ang District 2. But we will do our best," pagtatapos ni Kuya Dick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN