Award-winning actress Iza Calzado affirms loyalty to GMA-7

Fresh from her recent Best Actress victory at the 7th Golden Screen Awards, Iza Calzado met with members of the entertainment press earlier today, May 13, at GMA Network Center in Quezon City.


Masayang-masaya pa rin ang actress-TV host na si Iza Calzado sa kanyang pagkapanalo bilang Best Actress sa kakatapos na Golden Screen Awards na ginanap noong May 5 Teatrino Greenhills Promenade sa San Juan.

Hanggang ngayon nga raw ay hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na nanalo siya considering na pawang magagaling din ang kapwa niyang mga nominado sa kategoryang Best Actress in Dramatic Motion Picture: Bea Alonzo (And I Love You So), Rustica Carpio (Lola), Sharon Cuneta (Mano Po 6: A Mother's Love), Anita Linda (Lola), Lovi Poe (Sagrada Familia), Snooky Serna (Sagrada Familia), at Vilma Santos (In My Life).

Napanalunan ni Iza ang tropeo para sa kanyang magaling na pagganap sa pelikulang Dukot.

"It feels really awkward, to be honest with you. When people tell me that 'Uy, you beat ganyan!' parang I cringe kasi I didn't even think of that. It feels good to receive an award but it doesn't really feel good to think that I beat someone. I always choose to look at the positive side of things kasi. So it's not about beating someone, it's just about achieving something," paliwanag ni Iza sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya kaninang tanghali, May 13, para sa special press conference na inihanda para sa kanya ng GMA Artist Center.

EYEING NOEL FERRER. Hindi itinanggi ni Iza ang kumakalat na usap-usapan na binabalak nitong kunin bilang manager si Noel Ferrer. Kilala si Noel bilang handler nila Ryan Agoncillo, Paolo Bediones, Joross Gamboa, Rainier Castillo, to name a few.

Co-management deal between Noel and GMA Artist Management & Development Center ang naiisip ni Iza na set-up kung sakali ngang matuloy ang plano nito.

"But I have to consult with the network kasi I have to give them respect. Alam ninyo kasi si Noel, kaibigan ang trato ko sa kanya. He's been a good friend since I made Sabel [2004]. This is not just business na I'm getting him because of something. I just feel na may pagmamalasakit siya sa akin apart from what Artist Center has been giving me and is able to give me and will continue to give me. I just want someone, not my father [Lito Calzado], to handle my career. Because my father, I just want him to be my father from now on," ngiti ni Iza nang tanungin kung bakit niya gustong kunin si Noel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEPING THE FAITH. Bagamat sa November 2011 pa matatapos ang kontrata ni Iza sa Kapuso network ay marami ang nakakapansin na tila hindi yata nabibigyan ng magandang break ang dalaga despite the fact na may ibubuga naman ito bilang aktres.

Maging si Lito Calzado ay nagpahayag sa mga entertainment reporters ng pagkainip sa tila mabagal na usad lately ng proyekto para sa kanyang anak.

Sa kasalukuyan kasi ay puro guesting lang ang ginagawa ni Iza bagamat mapapanood pa rin naman siya sa Q11 cooking show na Healthy Cravings every weekend.

"May mangyayaring maganda diyan," salag naman ni Iza. "Alam ninyo, patience is a virtue."

To be fair ay hindi naman totally pinababayaan ng GMA-7 si Iza dahil nabanggit din sa nasabing presscon na may dalawang bagong shows na inihahanda para sa kanya ang kanyang home network.

Nagulat naman si Iza nang tanungin kung totoo ngang may alok ang ibang istasyon sa kanya. Wala naman daw siyang naririnig at hindi rin naman daw posible sa ngayon dahil nga may existing contract pa siya.

"Hindi ako uupo para malaman kung ano 'yong gusto nilang ibigay sa akin dahil oras na gawin ko 'yon, dapat wala akong kontrata," seryosong sambit nito. "I wanna deal with this kasi accordingly. Talking to you guys is not the way [to handle this]. I deal with this in a business-like manner so let's not bring focus on that. I still want to put my faith on the network that I work for and I have a contract with."

Dagdag ni Iza, "Ano 'yan, e, respetuhan. I give them respect hoping that they will give me the same kind of respect. If they don't see it right away, eventually I know they will."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN