Best Actress Iza Calzado keeps health and lovelife strong

"Na-realize ko hindi naman kailangang ilathala lahat tungkol sa sarili n'yo. Dati kasi, ikinuwento ko pa kung paano kami [she and Jerry] nagkakilala and then kailangan ko bang gawin yun? Puwede naman palang hindi. So, less talk lang," says Iza Calzado about keeping her lovelife private.


Bukod sa pagbati ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga press people kay Iza Calzado sa kanyang panalo as Movie Actress of the Year (Drama) para sa Dukot sa nakaraang 7th Golden Screen Awards for Movies ng Entertainment Press Society Inc. (Enpress)—pinansin at binati rin siya sa kanyang pagpayat at gumagandang katawan kahapon, May 13, sa special presscon na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanya sa Creative Dishes sa 17th Floor ng GMA Network.

Kaya naman ito ang isa sa mga topic na itinanong namin kay Iza during the interview. Mula sa pinakamalaki niyang waistline na 42 inches noon, ngayon ay 27 na lang daw ito. At sa pinakamabigat niyang timbang na 200-plus pounds, 124 lbs. na lang daw siya ngayon. Bagamat ang target weight daw niya ay 120 lbs.

Ano ba ang ginawa niya at pumayat siya ng gano'n?

"Diet, running, workout, Marie France... There was a time I tried pole dancing. Kaya ko siya pinursue kasi gusto kong lumakas yung arms ko," sabi ni Iza.

Kaagad ding sinagot ni Iza ang issue na nag-undergo raw siya ng liposuction kaya naging mabilis ang pagpayat niya.

"No, sobra ko kayang visible, kaya you would know!" sabi niya. "Siguro dahil lagi n'yo rin akong nakikita kaya hindi n'yo napapansin na pumapayat na ako. Basta isang araw magkukuwentuhan tayo tungkol sa lahat ng pinagdaanan ko. From last year to this year, I have never done any cosmetic surgery at all."


TO BE STRONG AND FIT. Na-achieve na ba niya ang target weight and figure niya?

"Oo, pero sabi ko nga, mga 120 pounds. But I don't want to be thinner, I want to be stronger. Kasi ang tinitingnan kasi lagi ng mga tao yung pisikal, e. Ako kasi, it goes beyond for me. I want to do a lot of things. Kaya nakakatawa, kasi sinasabi ang payat-payat ko. Siguro by-product lang siya of what I really want to achieve, it's being strong and being fit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon kasi, hindi ako masyadong nakakapag-taping, so nakaka-workout ako. Nakakapunta ako ng Marie France nang madalas. Nakakatakbo ako. Tapos nahilig nga ako doon sa pole dancing for a while. Tapos nagbakasyon ako and umitim ako lately. So, parang yung mga tao, parang na-disorient sila. Kahit ako nga, e, the minute na umitim ako, sabi ko, 'Uy, pumayat ako, a!' Parang nag-iba talaga.

"Pero yun nga, I just want to clear na hindi ako nagpa-lipo. There is no cosmetic surgery for me from last year to this year. At kumakain po ako. I actually eat more now than before kasi nga I have more activities. Kahit itanong n'yo sa mga kasama ko sa soap, lagi akong may dalang salad, lagi akong may dalang nuts. I always just bring my food. Kumakain man ako ng pagkain sa set, bibihira," paliwanag ni Iza.

Ano ba ang hindi niya kinakain?

"Six years na akong hindi nagpo-pork at saka beef," sabi niya. "Tinigil ko yung chicken dati for five years. Tapos bumalik ako last year. Pumayat naman ako. So, siguro nasa ano din yun e...nagbawas talaga ako ng carbs [carbohydrates] on a regular basis. Pero minsan nagke-cake pa rin ako, tsokolate, minsan nagtsi-chips pa rin ako. Hindi ko pa natatanggal, e. Siguro isang araw hindi na ganun kalakas yung cravings ko for these things. Pero wala pa ako doon. Pero talagang nag-iingat na ako. Kasi dati pag ako umupo at nag-serve ng dessert, parang hindi natatapos. Ngayon, hindi na."

Nakatulong din ba ang hino-host niyang show na Healthy Cravings sa Q Channel 11 para maging health conscious siya?

"Yeah," sambit ni Iza. "Pero before that kasi, papunta na ako dito, e. Pina-practice ko na yung kadalasan kamote yung carbs ko, not even rice. Basically I look into my body and it will tell you what you want. Minsan parang gusto ko lang ng prutas. And you should acknowledge that. Minsan kasi pag kain ka nang kain, hindi mo talaga alam kung ano ang gusto ng katawan mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-influence din ba sa kanya ang boyfriend niyang si Atticus King sa pagiging fit niya?

"Yes, malaking bagay siya pagdating sa fitness. Dati pa kasi gusto ko nang maging fit. Nagkataon lang na I have somebody now with me na, you know, very active and has the right mind and discipline with regards to being fit."

IZA'S KING. Speaking of Atticus, kasama niya raw ito noong manalo siya ng Best Actress sa Golden Screen Awards kaya parang nagsilbing lucky charm niya ang boyfriend nang gabing iyon.

"Yeah, I have my King with me," biro ni Iza.

Ano ang naging celebration nilang dalawa after the awards?

"Kumain lang kami kasama ang family ko."

Binigyan ba siya ng gift ni Atticus?

"Wala nang gift-gift. You know our relationship does not dwell on gift-giving," sabi ni Iza.

Ano ba ang natutunan niya sa past relationship niya (with Jerry Garcia) na parang this time ay gusto niyang maging private ang kanyang lovelife dahil matipid ang kanyang pagsagot pag tungkol dito ang usapan?

"Actually, hindi lang dahil sa past relationship ko. Siguro kasi, isa lang naman yung publicized relationship ko, e. Siguro nag-iingat lang ako. And I also respect na he [Atticus] is really private. And na-realize ko hindi naman kailangang ilathala lahat tungkol sa sarili n'yo. Dati kasi, ikinuwento ko pa kung paano kami [she and Jerry] nagkakilala and then kailangan ko bang gawin yun? Puwede naman palang hindi. So, less talk lang," saad niya.

Mas okay ba yung ganun?

"Okay din naman yung dati. Siguro it's working lang ngayon for us."

Siguro naman kung may plano silang espesyal para sa relationship nila ay ibabalita nila ito?

"Kung may plano. Pero sa ngayon, wala pa talaga. Alam ko yung iba mauubo sa sasabihin ko, pero sa tingin ko bata pa ako," biro ng 27-year-old actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, wala pa sa isip nila ang magpakasal?

"Wala pa sa isip namin. At saka ayaw naming magpa-pressure. Ang dami ko pang responsibilidad, ang dami ko pang dapat asikasuhin."

Paano ipinararamdam ni Atticus na espesyal si Iza?

"Basta sa amin na lang yun. He just makes me happy."

Nakausap din ng PEP ang daddy ni Iza na si Lito Calzado tungkol kay Atticus at ayon dito ay kasundo naman niya ang boyfriend ni Iza. Ano ang masasabi ni Iza rito?

"Sabi niya? Oo, kasundo naman. Masaya naman sila."

Ang pinakagusto raw ni Daddy Lito ay nirerespeto si Iza ni Atticus. Ano ang comment niya rito?

"Most of the guys I've been in a relationship naman, nirerespeto ako. Kung yun ang tingin niya, siyempre masaya ako na nakikita niya kung paano ako nirerespeto at tinatrato."

AWARD ISN'T ABOUT COMPETING. Hanggang ngayon ay ikinatutuwa pa rin ni Iza ang pagbati sa kanya sa pagkamit niya ng kanyang first Best Actress award. Nag-sink in na ba sa kanya ang karangalang ito?

"Ewan ko, parang will it ever sink in, I don't know," sabi ng aktres. "Siguro, I don't know. Sometimes kapag napapadaan ako, mali kasi yung puwesto ng trophy, mali yung pagpuwesto ng isa kong yaya. So, parang nung Sunday, 'Ay, mali itong puwesto. Uy, may award ako.' So, ganun lang. Pero it's not like... Maybe because people keep on congratulating me still, that's why it's still there. Pero hindi siya yung...my life doesn't revolve around it.

"I am very grateful, I am very thankful, pero hindi siya yung sentro ng buhay ko. Siyempre, every time na may magko-congratulate sa akin, natutuwa ako at nagpapasalamat lang ako sa universe, kay God, for giving me such a prestigious award."

Naisip niya ba na matatalo niya para sa naturang award ang more senior at veteran actresses, kabilang na si Vilma Santos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, never kong naisip kung sino yung tatalunin ko," sagot ni Iza. "When I'm wishing and praying for something, hindi ko iniisip na matatalo ko si ganito, si ganyan. It's only the positive side of it. Hinihingi ko lang siya para, 'Sana makuha ko po. Kung sa tingin n'yo it's the right time na makakuha ako, then give it to me.' Sabi ko pa nga, at least one. And I did get it."

Nag-open ba ito ng new challenges sa pagiging aktres niya?

"Well, for me as an actress, my goal is to be better not because people will expect certain things from me. More of sa sarili ko, gusto ko pang galingan. Kasi lagi ko namang sinasabi ito na hindi naman porke't nanalo ka na ng award, o kahit napansin ka na sa isang magandang performance mo, ibig sabihin titigil ka na dun. Siguro may mga oras lang na humahanap ka ng tiyempo or humahanap ka ng inspirasyon. Tapos dumarating naman sila. At kung anuman ang hinihiling mo, dumarating, and that's the time na kailangan pag-igihan ulit."

After winning the award, what's next for her?

"I really don't know. I just like to do a film with Ate Vi [Vilma Santos], with Ate Shawie [Sharon Cuneta], Maricel Soriano...all these stars. Siyempre, gusto ko silang makatrabaho. Pero siyempre alam ko rin na hindi mo sila puwedeng ipuwersa. Lahat ay nasa tamang oras, in God's time talaga. Siyempre gusto kong gumawa ng super challenging role sa isang drama project. And maybe I always thought of doing a little lighter, yun. I still want to continue venturing into hosting," saad ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN