Anne Curtis feels comfortable working with ex-flame Richard Gutierrez in In Your Eyes

It was a different story, Anne says, when the breakup was still fresh. "If you had asked me two years ago or mga three years ago, hindi puwede. Yung hindi ko pa siya kayang harapin. Pero ngayon we're super okey. That makes a big difference," says the young actress who has a love triangle with Richard and Claudine Barretto in the film.


Isang masayang Anne Curtis ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 14, sa presscon ng Natasha, isang direct-selling company, kung saan endorser ang aktres ng ladies' apparel nito. Ayon kay Anne, kaya raw siya masaya ay dahil nasa kanya na ulit ang luxury car niyang Porsche.

"Di ba nabangga ako last year? Ngayon ko lang nakuha. So, I'm so happy. It's back in my arms again," sabi ni Anne.

Kaya natagalan, paliwanag ng aktres, ay dahil "kinailangang order-in pa yung parts from abroad."

Sobrang mahal at mahalagang-mahalaga raw kay Anne ang kotse niyang ito.

"Siyempre that's my first ever luxury car. Alam ninyo, talagang ingat na ingat na akong mag-drive. So ayun, sobrang happy 'ko na talaga."

Sino ba ang nag-influence sa kanya na mag-invest sa isang luxury car?

"It was really my choice last year na nag-decide ako na bumili. Kasi ang daming blessings na dumating sa akin last year. So sabi ko, sige, i-treat ko naman ang self ko."

WORKING WITH EX-BOYFRIEND. Samantala, may ginagawang pelikula si Anne, ang In Your Eyes ng Viva Films at GMA Films, kung saan ay katambal niya rito ang ex-boyfriend na si Richard Guttierez.

Ka-triangle nila rito si Claudine Barretto. Next week ang alis nila papuntang Amerika para kunan roon ang ilang eksena.

First time ni Anne na makatrabaho sa pelikula si Claudine at aminado siyang naiilang pa siya kapag kaeksena si Claudine.

"Super tense ako every shooting. Ako, naiilang ako siyempre kasi I've been very vocal sa pagsasabing gusto kong maka-work si Ate Clau. So siyempre, nati-tense ako pag kami ang magkaeksena. Sinasabi sa amin, 'O prepare na!' 'Tapos nakikita ko na ready na siya. 'Tapos ako, hindi pa. So kailangan ko, di ba, prepared and on my toes... She's very nice. Talagang nagbibigay talaga siya," natatawang sabi pa ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, kay Richard, may ilang pa ba sa pagitan nila?

"Ah, hindi kami masyadong nagkakailangan ni Chard because aside from work, nagkakasama naman kami outside of work, kasi nga same group."

May mga napag-usapan ba silang gawin habang nasa States?

"Yes, meron," sagot ni Anne. "Actually, ah, sana kung pumasok ang L.A. Lakers [sa Western Conference play-offs ng National Basketball Association], manonood kami together."

Masasabi ba ni Anne na wala na talagang chance na magkabalikan sila ni Richard? Purely friendship na lang ba talaga ang namamagitan sa kanila?"

"Oo, super friendship na lang talaga. And, ah, but if you had asked me two years ago or mga three years ago, hindi puwede. Yung hindi ko pa siya kayang harapin. Pero ngayon we're super okey. That makes a big difference."

Wala bang feelings na bumalik?

"Wala! Walang ganoon," diin ni Anne. "I mean we're all just very comfortable working with each other."

OVER NIP-SLIP INCIDENT. Nang ganapin sa Boracay last March ang summer special ng ASAP XV, kung saan mainstay si Anne, nagkaroon ng wardrobe malfunction ang aktres at nasilipan siya ng dibdib habang sumasayaw.

Nakunan ang insidenteng ito ng ilan sa audience ng show at kumalat ito sa Internet at lumabas din sa tabloids. Ikinaiyak ito ni Anne, pero ngayon ay okey na siya.

"You know, I'm just happy na I followed my dad's advice which was to not sue kasi the more pag-uusapan. At least ngayon nakalimutan na ng mga tao. Everyone is moving on. It was an accident. So, tapos na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN