Xian Lim plays New Age albularyo in Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla

It doesn't bother Xian (in photo) that his Katorse co-stars Ejay Falcon and Enchong Dee have gotten lead parts in the action-adventure anthology, while he plays support to Jake Cuenca in the Elias Paniki episode. "I guess it's their time and my time hasn't come yet, and I'm willing to wait. Basta may trabaho naman ako. I'm still active, and that's what's important."


Biniro ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Xian Lim na napakaguwapo naman niyang albularyo.

Sa Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Elias Paniki ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Jake Cuenca, ito ang role niya.

Kuwento ni Xian, "Ako yung New Age albularyo na tutulong kay Elias."

Hindi naman daw niya kinailangan na mag-aral ng mga bagay-bagay tungkol sa pagiging albularyo. "More on fighting kasi, present day. Hindi natin alam na meron pa palang mga ganun. Parang tayo lang, one of the normal people, but they know spells."

Magkasama sina Xian, Ejay Falcon at Enchong Dee sa teleseryeng Katorse na natapos last January, pero sina Ejay at Enchong ay bibida na sa upcoming Agimat episodes na Pepeng Kuryente (Ejay) at Boy Puitk (Enchong), samantalang si Xian ay support lang ni Jake. Hindi ba siya nai-insecure na wala pa siyang solo project?

"Wala naman akong iniisip na ganun. I believe naman na everyone, like nga si Ejay at si Enchong, they have their own time, kasi magkakasama kami sa Katorse. I guess it's their time and my time hasn't come yet, and I'm willing to wait. Maghihintay naman ako, basta may trabaho naman ako. I'm still active, and that's what's important. I'm just doing my job."

MUSIC STUDENT. Bukod sa pag-arte, gusto rin ni Xian na tutukan ang musika.

"I'm trying to get into music sa UP [University of the Philippines] as a student. I want to enroll pero nasa isip ko, dalawang beses nang nangyari na nag-e-enroll ako tapos nagba-back out kasi nagiging masyadong busy."

Music ang gusto niyang kunin "kasi my mom's a piano teacher and ako talaga I'm a piano player din, so that's what I want to do.

"So kung gagawin ko man, it's when I'm not busy. Sana 100 percent [time and attention], kasi noong naging estudyante ako sa UE [University of the East] and I played basketball, wala, nagbayad lang ako ng tuition. I went through all the trouble and then wala, dito [showbiz] pa rin ang balik. So I think kapag papasok ako yung 100 percent na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It would be a good fallback for me. Maybe I would study music here or I'll just go back to the States and study there."

FRIENDS WITH ERICH. Kumusta ang lovelife niya?

"Okay naman. Wala naman."

Na-link siya dati sa Katorse female lead na si Erich Gonzales.

"We're still close but she's really busy now, two shows."

Binasted ba siya ni Erich?

"Wala, wala pang bumabasted sa akin! Ha! Ha! Ha! Hindi, hindi, joke lang!"

Magkaibigan na lang sila ni Erich.

"Sabi ko po I was sure what I felt about her. I admired her, I showed my appreciation, pero now mas maganda focus na lang sa work kami. It's not gonna work out with our busy schedules."

Hanggang saan ba umabot ang closeness nila ni Erich?

"Friends lang, hindi na umabot sa mas extreme pa dun because of work din kasi. If we let ourselves get into that, masisira talaga lahat."

After ni Erich, may niligawan ba or dineyt si Xian?

"Wala."

Hindi ba mahirap para sa isang 20-year-old na guwapong katulad niya na walang lovelife?

"Hindi naman ako nahihirapan. Things keep me busy like my showbiz career. As long as I'm busy.

"Siguro kung wala akong ginagawa, talagang sobrang hirap niyan na walang kausap na kahit na sino, especially I'm the only child.

"Pero I'm busy naman, if I'm not taping, I'm home playing my music."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN