Robin Padilla appears on Wowowee as special guest host

Action superstar Robin Padilla (in photo) was the special guest co-host of Wowowee during its episode today, May 15. However, no announcement has been made if Robin will permanently replace its original host, Willie Revillame.


Instead na si Willie Revillame, si Robin Padilla ang "idol" na napanood as special host ng noontime show ng ABS-CBN na Wowowee kaninang tanghali, May 15.

Nagpasalamat si Robin sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao. Sinabi rin niya na ang isa sa mga dahilan kung bakit siya narooon ay para mahalikan si Pokwang, isa sa female hosts ng show, sabay halik sa pisngi ng komedyana.

Isang maalab na tanghali ang pagbating ibinigay ni Robin sa audience ng naturang noontime show kasabay ang pagbati sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nang tanungin ng mga female host—Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, Carmen Soo, Kelly Misa, among others—kung ano ang itatawag nila kay Robin (kung Mr. R, Binoe, or Idol), ang sagot ng action superstar ay, "Robin Hood na lang. Iyan po ang ibinigay sa akin na pangalan ng aking mahal na ina," sabay turo ni Robin sa kanyang ina na si Mrs. Eva Cariño-Padilla na nasa studio ng Wowowee.

Inamin ni Robin na dati na siyang nanonood ng Wowowee. Aniya pa, "Alam naman po nating lahat na ang Wowowee ay malaking inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino, sapagkat sa dinami-dami ng mga pagsubok na dinaanan nito, nananatili itong nakatayo at may tikas na tindig!"

Dagdag pa ni Robin, "Sapagkat alam naman po nating lahat, ang Wowowee ay para sa inyo, hindi po para sa amin. Ang kaligayahan ninyo ang importante, hindi po ang kaligayahan namin. Mahal na mahal po namin kayong lahat!"

BINOE'S LEADING LADIES. Nagkataon naman na ang mga celebrity contestant sa segment na "Willie of Fortune" ay mga naging leading lady o nakasama na ni Robin sa pelikula. Kabilang dito sina Donita Rose (P're Hanggang Sa Huli) at Vina Morales (Ang Utol Kong Hoodlum Part 1 & 2 at 'Di Puwedeng Hindi Puwede). Nagkaroon ng relasyon noon sina Robin at Vina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Celebrity contestant din si Toni Gonzaga na leading lady naman ni Robin sa upcoming Star Cinema movie, Promise Me (working title) sa direksiyon ni Joyce Bernal.

Bago magsimula ang contest, nakatuwaan ni Pokwang na tanungin si Robin kung sa anong ulam niya puwedeng ihambing ang kanyang mga leading lady sa pelikula.

Si Vina ay sa kare-kare ikinumpara ni Robin. Ayon sa action star, masarap ang kare-kare, pero mas masarap daw ito kapag may bagoong at siya raw ang bagoong.

Si Donita ay inihambing ni Robin sa steak. "Ang halimuyak pa lang pag inihaw, busog ka na!" sabi ni Robin.

Si Toni naman ay sa sashimi inihalintulad ni Robin. Bukod daw kasi sa chinita si Toni, masarap daw kainin ang sashimi na ikinatawa ng mga nasa studio. Pero nilinaw agad ni Robin na wala siyang masamang kahulugan sa sinabi. At kung sashimi raw si Toni, siya naman daw ang wasabi.

Nang si Pokwang naman ang ipinakumpara kay Robin sa pagkain, ang isinagot ni Robin ay "kanin." Si Pokwang daw ang pinakamasarap sa lahat dahil ang ulam daw ay puwedeng mawala, pero ang kanin ay hindi puwedeng wala. Dahil dito ay pinupog ng halik ni Pokwang si Binoe.

Nang baligtarin naman ang tanong at si Robin ang ipinakumpara sa ulam sa tatlong female celebrities, ang isinagot ni Donita ay parang ice cream na natutunaw sa ilalim ng araw.

Ayon naman kay Toni, kung para kay Robin ay sashimi siya, si Robin naman daw ay tempura para sa kanya.

Para naman kay Vina, si Robin ay ginisang munggo dahil ang munggo raw ay simple lang pero masarap. Ayon pa kay Vina, paborito niyang pagkain ang munggo.

Samantala, wala pang official announcement kanina kung si Robin na nga ang papalit kay Willie na hanggang ngayon ay naka-indefinite leave.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN