Pauleen Luna and Maxene Magalona try to get past recent Twitter controversy to star in latest Sine Novela

Bakit Kay Tagal ng Sandali?, the title of Maxene Magalona (left) and Pauleen Luna's (right) GMA-7 series, may well become the two stars' lament in each other's company if they don't learn to patch things up.


Last Thursday, May 13, ginanap ang story conference ng pinakabagong sinenobela ng GMA-7, ang Bakit Kay Tagal ng Sandali? Sa naturang storycon ay nakausap ng Startalk si Pauleen Luna tungkol sa isyu niya sa Twitter group na Ampalaya Anonymous. Diumano'y pinagkaisahan daw siya ng mga miyembro nito. (CLICK HERE for related story.)

Nakausap din ng Startalk ang isang miyembro ng Ampalaya na si Maxene Magalona. Ironically, Pauleen and Maxene are both part of the new afternoon sinenobela.

Ayon kay Maxene, "Actually, a few days ago ko nga lang nalaman na kasama ko pala si Pauleen dito. Natutuwa naman ako dahil it's my first time to work with her at hindi ko alam talaga kung paano nangyari yung pinaparinggan daw namin siya, kasi wala naman talagang name na nakalagay. Kaya nagulat din kami."

Pahayag naman ni Pauleen, "It's very hard to claim na ikaw ang pinaparinggan especially if there's no name. Let just say na hindi ako, e, di hindi ako. I would be hypocrite to say that there's no issue at all. But it's all under the bridge now."

OVER A GUY. Nag-ugat daw ang isyu between Maxene and Pauleen nang kumalat ang balitang nanliligaw diumano si JC Tiuseco kay Pauleen na naugnay noon kay Maxene.

Pero mariin itong itinanggi ni Pauleen. "That's why there's no truth to it. Magkaibigan kami [ni JC] but we're not the type who will go out, who will talk on the phone. Magkaibigan lang. Magkatrabaho. Nagkikita kami sa Eat Bulaga!, sa SOP. That's it."

Sa panig ni Maxene, hindi pa raw sila nagkakausap ni JC.

"Wala pa... naging close kami, inaamin ko yun, pero siyempre, naging close kami dahil sa trabaho namin. But now that we're not working together, hindi na namin na-keep yung constant communication na ganun."

Maging open naman kaya ang communication nina Maxene at Pauleen ngayong magkasama na sila sa isang show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not plastic to say say na, 'Yeah, we're very okay,' kung hindi ko naman siya nakakausap," sabi ni Pauleen.

As for Maxene naman, "Hindi ko pa siya nakakausap, e. Pero sana ngayong may show kami together, makapag-bond kami. Magkikita at magkakasama kami, wala namang masama. At sa mga taong may kilala sa akin, I'm really the type who ask, go and talk."

NOT BITTER ABOUT THE OTHERS. Bukod kay Maxene, ilan sa mga Ampalaya beauties na nakausap ni Pauleen ay sina Angel Locsin at Bubbles Paraiso.

"Si Angel, nag-usap kami. She's out of it. Nag-usap kami nang girl to girl. One on one and we clear things out anumang pag-away na nangyayari, okey kami, okey.

Si Bubbles naman nag-guest sa Eat Bulaga! "Siyempre, bahay ko ang Eat Bulaga!, so kahit sinong umapak diyan, I'll make them feel them welcome."

With Bianca King, nagkita at nagbeso pa raw ang dalawa sa rehearsal for Party Pilipinas. Pero kung okey na si Pauleen with the other Ampalaya girls, tila may sama pa rin siya ng loob sa dating kaibigan na si Cristine Reyes.

BROKEN FRIENDSHIP. "We used to be friends. But, wala e... ang dami ko nang narinig. Mga totoong bagay. Ako naman, as a person, ha, if some people are talking about me, I respect their opinion tungkol sa akin. But if you go out of your way to say na ganun ako, which I'm not, dun na sumasama ang loob ko.

"I'm not saying I'm angry. I'm not saying I'm mad. Pero masama talaga ang loob ko."

May kinalaman kaya ang pagkaka-link nila pareho kay Dennis Trillo sa alitan nilang dalawa?

"No, actually, no... it's girl's girl, e."

Posible pa bang magkaayos sila ni Cristine?

"Maayos pa rin naman yun kapag idinaan sa mabuting usapan, e. And as long as nobody wants to say na may nagawa or may nasabi, hindi na maayos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible rin kayang maging close sila ni Maxene?

"It's always better kung diretso kayo sa isa't isa. Hindi ako naniniwala sa mga message sa TV para makarating sa kanya. If I wanna say something to her, I will go directly to her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN