Kris Aquino: "I intend to stay put."

"There are certain areas in my career that caused Noy difficulty and I acknowledged that. Alam ko po na may mga instances na meron akong nasasabi na kawawa naman ang kapatid ko, na ngayon ay magiging Presidente natin, na siya pa yung kailangang managot. So, ako po mismo, it came from my heart, I told him, 'Noy, I'll give it up for you,'" says Kris Aquino.


Ibinuhos ni Kris Aquino ang lahat ng kanyang saloobin sa The Buzz kahapon, May 16, kaugnay ng kanyang mga pinagdaanang hirap sa pangangampanya para sa kanyang kapatid at presidential candidate na si Noynoy Aquino, gayundin ang pagharap niya sa iba't ibang intriga sa pulitika.

Sinimulan ni Kris ang kanyang pahayag kasama ang co-host niyang si Boy Abunda sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa sambayanang Pilipino sa pagsuporta kay Noynoy. Hindi pa man naipoproklama ang kanyang kapatid bilang bagong Pangulo ng Pilipinas, kasalukuyan naman itong nangunguna at mahigit limang milyong boto ang kalamangan sa isinasagawang bilangan ng Commission on Elections (Comelec).

"Mahirap mag-presume, di ba Boy? Pero siyempre po na ngayon na more than 90 percent na po ng mga votes ang na-tally naman ng Comelec, it is safe to say thank you to the entire Philippines. I'm not claiming na naging successful po ako dahil alam naman po natin ang Region 1 and Region 2, hindi naman po namin teritoryo talaga. Pero puwede ko pong ipagmalaki na certain areas that we were not so confident about really went in our direction, especially Cebu," pahayag ni Kris.

Special mention para kay Kris ang mga probinsiyang nagbigay ng malaking boto para kay Noy.

"Region 8, I love Region 8! You're my new friend. Ang dami ko pong I love... Pero siyempre naman, ang aking mga Tarlaceño po, 73.19 percent of them chose Noy. Siyempre ang Albay, I'm so happy I went there, 61.77 percent. And of course, Ate Vi [Batangas Gov. Vilma Santos-Recto], I love you, I thank you. All of us love you so much kasi sa Batangas, 60.16 percent."

Pero sadya raw talagang may mga lugar na hindi naging pabor ang mga boto para kay Noynoy.

Ayon kay Kris, "Inamin ko kay Noy kanina, sabi ko, 'Noy, meron akong areas na nag-fail ako.' Sabi niya, 'Ano ka ba? Panalo na.' 'Hindi, I failed you in Davao, sorry.' Tapos sinabi niya sa akin, 'Kalimutan mo na yun.' Okay. Alam mo, Boy [Abunda, Kris's co-host], hindi natin maiaalis na we do live in a democracy. May mga areas talaga na meron talaga silang mahal na kandidato at hindi natin puwedeng alisin sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang gusto po naming ipasalamat... There were days talaga na tatlong oras lang ang tulog ko. There were days na absolutely walang tulog. There were days lalo na sa Pangasinan—thank you, Pangasinan 42.98 percent—inulan tayo. Yun totoo talaga, yung kay Melissa Ricks kasi, natunaw din yung contact lenses ko dahil sa ulan. So, it's really... All the pagod, it's really worth it.

"It is unbelievable kasi, di ba, election day parang ayaw mong magbukas ng TV dahil natatakot ka talaga sa exit polls? Natatakot ka dun sa unang bagsak ng mga reports? So, hindi ako gumising until 11 pm. Talagang sleep ako. Paggising ko, sabi ko, 'Eto na.'"

FACING THE INTRIGUES. Ipinagpasalamat naman ni Kris ang pagtatanggol sa kanya ni Noynoy laban sa sari-saring intriga na kinaharap nila. Bukod kasi sa mga black propaganda kay Noy ay naging puntriya rin ng mga intriga si Kris.

"Nag-lunch po kami as a family. It is the first time we were all together, Noy, my sisters, me [after the elections]. There were certain things that we had discussed. Siyempre, si Noy, I want to say thank you to Noy. Instead of just enjoying his victory, kailangan i-defend pa niya ang kapatid niya. Thank you, Noy, I love you. You deserve all my love because you love me back. Hindi, kasi mabait talaga ang kapatid ko," saad ni Kris.

Binigyang-linaw rin ni Kris ang tungkol sa isyu ng pagpapaalis sa kanya sa bansa na isinusulong ng isang grupo sa Facebook na tinatawag na Kris Aquino Despedida. May nabitiwan daw kasi siyang salita noon na kapag nanalo si Noynoy ay aalis siya ng Pilipinas at mananatili na lang sa isang lugar kung saan may TFC (The Filipino Channel). (CLICK HERE to read related story.)

"So, kaklaruhin ko lang po," panimula ni Kris. "Ang sinabi ko naman po dati, kung makakasira ako kay Noy, by all means lalayas ako. Pero sana po, hindi n'yo i-take ito as being mayabang, it's just a fact. Nakatulong po ako sa kapatid ko. And balak ko pong tulungan si Noy in every possible way that I can for as long as he wants me to help him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kris, madami raw silang hinarap na hirap at mga isyu sa panahon ng kampanya.

"It was not an easy campaign. It was a dirty campaign. Marami po kaming tiniis na batikos. But meron pong napatunayan sa ating lahat, tayong mga Pilipino ayaw natin ng negative campaigning. Hindi tayo naniniwala sa paninira sa ating kapwa. Kaya nga, it's time for a better Philippines," saad niya.

Nang may fans sa loob ng studio na sumigaw ng "We love you, Kris!" sinagot naman ito ng TV host-actress ng, "I love you, too! At huwag na kayong makipag-away sa Twitter at Facebook. Dedma na dun."

SACRIFICING HER SHOWBIZ CAREER. Bagamat tapos na ang eleksyon, hindi pa rin daw tapos ang pagsasakripisyo ni Kris, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang showbiz career.

"I am not at liberty po to disclose to you certain career changes for me. Kasi sa Tuesday [May 18] pa po namin kakausapin ang mga boss ko po dito sa ABS-CBN. Meron po akong mga programa na after June 30 [Noynoy's proclamation day], kailangan ko pong i-give up. It's a sacrifice. It's something I'm willingly going to do for my family.

"Ang buong [family]...ako, si Ate [Ballsy], si Pinky, si Viel, ang buong buhay namin, ibinigay namin sa pangangampanya at sa eleksyon ni Noy dahil nangako kami sa Mommy [late President Cory Aquino] namin na hindi kami mag-iiwanan, aalagaan po namin. Kinausap ko po ang mga kapatid ko. Humingi po ako ng payo sa kanila kung ano yung nararapat para po sa akin. So, sa Tuesday po ang meeting namin sa mga boss namin dito. Sasamahan ako ng mga kapatid kong babae para po ma-explain namin yung mga desisyon ko.

"Para po ito sa peace of mind ng pamilya ko at para kay Noy. At para rin po, ang dami ko kasing probinsiyang napuntahan na napangakuan ng napakarami. E, I have to be true to my words. Lahat po ng mga ipinangakong tulong na ipapaabot kay Noy, kailangan ko pong magampanan yung tulong na yun because they trusted us, Boy. So, that trust, yung tiwalang yun, yung botong yun, isosoli po namin. Paano? Sa serbisyo para sa bawat Pilipino dahil walang korapsyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw na raw kasi niyang makadagdag pa sa mga alalahanin ni Noy.

"There are certain areas in my career that caused Noy difficulty and I acknowledged that," sabi ni Kris. "Alam ko po na may mga instances na meron akong nasasabi na kawawa naman ang kapatid ko, na ngayon ay magiging Presidente natin, na siya pa yung kailangang managot. So, ako po mismo, it came from my heart, I told him, 'Noy, I'll give it up for you.' Kung ano po yung mga bagay na yun, please allow me the next few days na makausap ang mga boss namin dito para rin po ma-explain yung decision ko."

Babalik na raw si Kris sa mga pansamantala niyang iniwang shows. Pero sadya raw maraming pagbabagong magaganap sa kanyang career.

"Please do know that I appreciate everything na ibinigay n'yo po sa akin. I appreciate the opportunity to be with you on a daily basis. Kung saan po ako mapupunta, ang puwede ko lang i-reveal, tomorrow [May 17] together tayo sa SNN. On the following Monday which will be May 24, mabubuhay na si Celine [Kris' character in Kung Tayo'y Magkakalayo]. Kung paano siya nabuhay, surprise. Di ba, sumabog ang bus? Surprise, I'm alive! And after June 30, there are many, many changes. But changes na magaan po sa puso ko. Dahil po I love this country. But more than that, I really love my family."

CONTINUING TO HELP NOYNOY. Gusto raw ni Kris na patuloy na tulungan si Noynoy na ibalik sa mga Pilipino ang tiwala at suportang ibinigay sa kapatid sa pamamagitan ng serbisyo publiko.

"But I intend to stay put," diin ni Kris. "Sorry, huwag n'yo muna akong paalisin. Sabi ni Noy, hindi ako masamang tao. And secondly po, I intend to do everything I can to give back to all of you. Yung mga nagtiwala po sa amin, lahat ng taong nakita ko ulit sa mga motorcade namin, yung mga nagtiyaga, yung mga nagbigay ng piso n'yo, at nagbigay ng buong buhay n'yo para matulungan ang pamilya namin, it's about time, di ba, isosoli namin lahat iyan sa inyo. At 'yan po ang plano kong gawin. To the extent na papayagan ako ni Noy dahil ayoko namang pangunahan siya. Dahil siya na ang Presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Una, sinabi niya sa akin, 'Kristina, remember I'm eleven years older than you.' Sabi ko, 'Of course.' And secondly, soon siya na ang Pangulo natin. Siya na talaga ang lider hindi lang buong bansa natin kundi ng pamilya namin. So, kung saan puwedeng makatulong sa kanya, gagawin ko yun."

FULFILLING CORY'S DREAM. Ang tagumpay raw ni Noynoy ay bahagi ng katuparan ng pangarap ng kanilang yumaong ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

"Eto na lang po, last year na ganito, us, siblings, ang pinagdarasal lang namin was that God gave us a miracle na maging magaling ang Mom. And then a year after, He gave us that miracle. He gave us that miracle not for my Mom but to fulfill my Mom's dream na maging okay ang Pilipinas. So, I know that Mom is happy and Mom knows that her kids, si Ate, si Pinky, si Noynoy, si Viel at ako, mas lalong naging close dahil sa experience na ito.

"Alam po namin kung ano yung maapak-apakan. Alam po namin kung ano yung mabatikos. Kaya mag-iingat po kami talaga, para wala kayong makita na kapintas-pintas po sa amin. Ang masasabi ko, June 30 of 1992, peacefully ibinigay po ng Mommy ko kay President [Fidel] Ramos ang presidency because he was the duly-elected President. After Noy's proclamation, June 30, 2016, God-willing, alam din naman natin talaga na, di ba, na peacefully iha-hand over ni Noynoy 'yan sa kung sino man ang bagong pangulong pipiliin n'yo. Kasi nga po siguro pinili n'yo si Noynoy dahil naramdaman n'yo na hindi siya sakim sa kapangyarihan at handa siyang manilbihan at mahalin kayong lahat."

NEVER-ENDING GRATITUDE. Tila hindi magsasawa si Kris na magpasalamat sa lahat.

"Okay, let's be happy. Thank you to all of you. Thank you very, very much for making us feel that you believe in Noynoy. Yun lang po. If only for that, asahan n'yo si Ate, si Pinky, si Viel, at ako, gagawin po namin ang lahat talaga para kami naman ang makabawi po sa tiwalang ibinigay n'yo," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe at bilin din si Kris para sa politician girlfriend ni Noynoy na si Shalani Soledad.

"To Shalani... Kasi, Boy, she proved to me how much she truly cared for Noy by campaigning 100 percent. And ako, kakampi mo na ako. Love, love, love. So, yun na lang, alagaan mo na lang talaga si Noy."

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Kris ang mga artistang nag-endorso at tumulong sa kampanya ni Noynoy.

"Maraming, maraming salamat po to all of you. I can't enumerate all the stars, pero si Noynoy hiningi na yung listahan. So, handwritten talaga ang kanyang mga thank you. And he's organizing a dinner to thank everybody. Kasi dapat lang na magpasalamat. And sana talaga, let's give the country a chance. Let's be positive. And to my Buzz staff, let's enjoy the next six weeks, okay? I love you all," may himig pahiwatig ni Kris na tila isa ang The Buzz sa mga programang isasakripisyo niya.

Samantala, kagabi sa live result show ng Pilipinas Got Talent, kung saan isa si Kris sa mga resident judges, ay nagpahabol pa siya ng pasasalamat sa Iglesia ni Cristo na nag-endorso kay Noynoy at nagbigay raw ng more than four million votes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN