Alex Gonzaga on Juicy: "I think mas gusto ng mga tao yun, di ba, mas dirty na side ng showbiz?"

"Well, sabi ni Mommy Pinty [Gonzaga, her mom], sabi niya noon, 18 years old. Naku, noong nag-18 ako, sabi niya, gayahin mo ako, 21!' Noong nag-21 na ko, sabi niya, 'Uy, gayahin mo ate mo, 23.' E, magtu-23 na ako. Sabi niya, 'Magpatayo ka muna ng bahay. So, yun...mga 35 na!" says Alex Gonzaga when asked if she is now allowed to have a boyfriend.


Simula ngayong gabi, May 17, ay sa primetime na mapapanood ang showbiz talk show ng TV5 na Juicy, na hinu-host nina Cristy Fermin, IC Mendoza, at Alex Gonzaga. Posible namang makatapat ng Juicy ang nightly showbiz talk show ng ABS-CBN na SNN.

Mabuti na lang at babalik na ngayong gabi si Kris Aquino sa SNN dahil habang wala siya ay ang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga ang nag-pinch-hit sa kanya. Kung nagkataon, magtatapat pa ang magkapatid.

"Oo nga, e. Balik na nga si Ms. Kris kaya siguro namin tatapatan, wow!" natatawang sabi ni Alex sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero actually, di ba po dati, nagre-replay ang Juicy? Mas maraming nakakapanood. At saka, mas maganda kasi ang katapat, showbiz din. So, puwedeng mag-shift ang mga tao, puwedeng mag-change ng channel. Unlike noon na ang kalaban namin, mga soap opera na meron silang established viewers. So, ito, variety na kung mas mainit ang news namin, papanoorin nila kami."

Posible kayang matalbugan nila ang katapat nilang programa?

"I think, talbog na yata namin pagdating sa news kasi kami lang ang walang artistang pinoprotektahan. At the same time, yung mga blind item, talagang nakakaloka. Hindi mo naman maririnig sa iba yun. Siguro maririnig natin sa radio, pero sa TV, wala. At saka yung mga sensitive topics, news blackout sa ibang channel, sa amin, puwedeng-puwede. I think mas gusto ng mga tao yun, di ba, mas dirty na side ng showbiz?" saad ni Alex.

ADDITIONAL HOSTS. Sa kabila nito, pilit pa ring iniintriga si Alex na solo lang siya noon na nagho-host ng Juicy, pero nadagdag sa show si IC Mendoza, then si Cristy nga. Pero ayon kay Alex, lahat ng yun ay kinu-consider niyang paraan para mas matuto pa siya.

"Kung madagdag man si Nanay Cristy sa show, hindi po para ma-insecure kami," sabi niya. "Mas magbe-benefit pa po kami kasi mas alam ko na papanoorin kami. Mas magiging credible kami, mas magiging authoritative kami. So, magbe-benefit pa nga po ako dun kasi marami akong makukuhang knowledge, blind item, at intriga kay Nanay Cristy. And besides, hindi ba palaging may nang-aaway sa Juicy? Na, 'Hoy, bakit n'yo naman ginaganyan ang mga artista namin?' At least kapag si Nanay Cristy, wala na silang choice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papasok na rin sa Juicy ang bagong lipat sa TV5 na si Mo Twister. Ano ang reaksiyon dito ni Alex?

"Wala naman. At saka para ma-insecure ka siguro, kung kukuha sila ng kasing edad ko. E, iba-iba naman po kami. Ako, batang babae. Si IC, batang bakla. Si Nanay Cristy, mother of intrigues. Si DJ Mo naman, outspoken naman talaga 'yan sa mga intriga at siyempre sa mga reporter. Alangan namang makipag-compete pa ako sa mga reporter?" saad niya.

Hindi ba siya natatakot na sa pagpasok ni Mo, posibleng mapasabak din sila ni IC na mas naging outspoken at mas matapang?

"Opo nga, e. Pero siyempre, kilala naman sila ng tao as ganun. I think, hindi naman para matakot. Siguro ang ikinakatakot ko lang, baka yung mga friends kong artista, if ever man na madawit sa mga isyu at masabihan ng hindi magaganda, makomentan, e, baka magtampo po sa akin. Pero so far, wala pa naman pong nangyayari. Sa lahat naman po ng ganun, alam naman po nila na trabaho lang. At saka, wala naman pong nagsasalita sa akin."

Wala pa ba siyang nae-experience na may nagtampo sa kanya dahil sa mga ibinalita nila sa Juicy?

"Mga fans lang po...yung kala-Kim [Chiu]. Di ba, inaway-away ako ng Kimeralds? Masasakit talaga ang sinabi nila. Na-discuss yung paghihiwalayin sina Kim at Gerald, inaway ako, bakit daw um-agree ako. Dapat nga hindi ko na lang binasa [yung comments]. E, sinabi sa akin, i-check ko raw. Naku, huwag mo akong sasabihin ng ganun at itse-check kong talaga! Mas ano pa ko sa mga security guard sa airport, ma-check talaga ako. So, tsinek ko, nasaktan talaga ako!" natatawa niyang sabi.

"Pero maayos na yun," patuloy niya. "Nakausap ko na si Kim. Naayos na. At natutuwa ako na marami pa ring nanonood na Kimeralds. So, ibig sabihin, sinusuportahan nila ang Juicy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila ni Mo, magkakilala na ba?

"Opo, na-meet ko na siya," sagot ni Alex. "Mabait naman siya. Totoong tao lang. Hindi ko lang alam kung bakit minsan may nakaka-misunderstood sa kanya, kasi sobrang no-holds-barred lang talaga siya. So far, okay naman siya."

STILL SINGLE AT 22. When it comes to her lovelife, Alex says she's still single at the age of 22. Nasabi niya noon na bawal pa siyang magka-boyfriend. Hanggang ngayon ba, ganun pa rin?

"Well, sabi ni Mommy Pinty [Gonzaga, her mom], sabi niya noon, 18 years old. Naku, noong nag-18 ako, sabi niya, gayahin mo ako, 21!' Noong nag-21 na ko, sabi niya, 'Uy, gayahin mo ate mo, 23.' E, magtu-23 na ako. Sabi niya, 'Magpatayo ka muna ng bahay. So, yun...mga 35 na!" nakakatawa niyang sabi.

May binabanggit siya noon na mga non-showbiz na parang nagpaparamdam sa kanya. Kumusta na sila?

"Wala na... Sabi niya, naguguluhan din siya. Wala raw time. E, siyempre kapag pagod ka, wala nang time na magda-drama, para makapag-etchingan. Gusto mo na lang tumawa."

Pero may nanliligaw naman sa kanya?

"Wala nga!" sambit ni Alex. "Wala talaga... Hindi ako ligawin. Ang ate ko ligawin."

Pero gusto na niyang may manligaw sa kanya?

"Well, ngayon siguro mas nakikita ko ang side na walang dyowa kasi mas masaya siya. Mas nakukuha mo yung time mo lalo na yung kapag marami kang trabaho, wala ka nang iniintindi. Tama rin naman ang parents ko."

May plano na ba siyang magpatayo ng bahay?

"Hindi pa. Bago pa ako magplano ng bahay, magpaplano muna ako ng ano... Well, minsan nga, hindi pa ako nagbabayad ng mga gastusin ko sa bahay. Minsan kapag nakitang masyadong malaki ang credit card ko, ano ka muna, ito ka muna.

"At saka naiisip ko rin, dalawa na lang kami ng ate ko, di ba? Ang ate ko nga minsan, sabi niya, 'O, kapag nawala ang Mommy at Daddy, ikaw na dun, ako na rito.' Iplano na ang buhay ko? Sabi niya, babaklasin na raw niya yun. Dun ako sa side, then dito siya. So, wala ako choice sa buhay ko?" natatawang sabi ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dagdag niya, "Pero hindi, nagbiro lang naman siya. Siyempre, dadalawa lang naman kami."

Hindi pa rin siya ang nagpaplano ng finances niya, pero alam naman niya kung saan ito napupunta?

"Oo, puro sa akin nga. Sabi nga ng mommy ko, 'Mas malaki ang gastos mo kesa sa pasok.' Mahilig kasi akong mamili ng mga damit. E, dun ako magastos—sa damit, sapatos. Pero mga line sa phone, hindi ako magastos. Nagla-line ako. Natatawa nga sila sa akin, nakita nila ako sa taping. Sa camera, nanghihingi lang ako. Sa laptop, nagpaparegalo lang ako. Pero sa damit, okey lang. Kaya nga sabi ng mommy ko, wala raw akong kuwentang magpundar."

TV5 PRINCESS. Nararamdaman na ba niya ang pagiging TV5 Princess niya?

"Hindi!" bulalas ni Alex. "Nahihiya nga ako. Ayoko nga, baka sabihin nila feeling ako. Hindi...wala. Mapi-feel mo lang na nag-a-adjust sila kunwari sunud-sunod ang trabaho, yun lang. Pero hindi yung treatment na parang...OA naman."

Ano reaction ng Ate Toni niya sa title niya?

"'Huwag kang umarte,' yun! Sabi niya, 'Huwag kang umarte, huwag kang mag-feeling.' Pero sabi niya, dapat maging happy raw ako dahil nakikita raw niya ang sarili niya sa akin before. Kasi dati, paglipat din niya ng Dos, lima-lima rin daw ang shows niya, so dapat daw i-treasure ko," sabi ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN