Boy Abunda expects nothing in return for having endorsed President-elect Noynoy Aquino

"Ngayon ang tinatapos kong masteral ay in Communications but I've had four semesters already of International Relations and Public Diplomacy. Hindi yun paghahanda para sa isang elective post or appointive post. Ito ay pampalawak ng perspektiba ko bilang isang interviewer. Pero kung ano ang mangyayari in the future, I don't really know," says Boy Abunda.


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host at talent manager na si Boy Abunda last Sunday, May 16, sa studio ng The Buzz sa ABS-CBN.

Ang unang napag-usapan namin ay ang tungkol sa tagumpay ni Sen. Noynoy Aquino sa pagka-Pangulo ng Pilipinas nitong nakaraang eleksyon. Hindi naman kaila sa lahat na isa si Boy sa mga artistang nag-endorso kay Sen. Noynoy, na kapatid ng co-host niya sa The Buzz at matalik na kaibigan na si Kris Aquino.

"Nakakatuwa, nakaka-humble," sambit ni Boy.

Malaki rin ang naging bahagi ni Boy sa kampanya ni Sen. Noynoy.

"You worked hard for it, ang daming volunteers, isa na ako dun. Pero alam ninyo, ang laki ng...how do you call that? The responsibility that goes with it, di ba? Mahirap but masaya dahil sinuportahan ng tao," saad niya.

Nilinaw rin ni Boy na wala siyang hinihintay na anumang kapalit sa pagtulong niya sa kapatid ni Kris.

"Wala, e. When you give your time and when you give yourself to a campaign like that, you don't expect anything in return."

Mas mahalaga raw ang masarap na pakiramdam na nakatulong ka sa kapwa.

"Oo at saka masaya, e, di ba? It's the joy of winning. But after the dust has settled, you realize that... You know this is going to be our government for six years, and it's going to take a lot of responsibilities.

"Sabi ko nga kay Kris, 'Kris, you have to be conscious and aware of your behavior because so much is expected of you, ang dami, ang dami.' So much responsibility comes along with...the victory."

NOT READY TO ENTER POLITICS. Si Boy ba ay may balak ding pasukin ang pulitika?

"Hindi... Dalawang lebel yung parang natutunan ko sa eleksyon na ito. Ang hirap, ang hirap talaga!" sabi niya. "Hindi lang yung pagod na pisikal, pero ang hirap. Sasayaw ka sa lahat ng klase ng tugtog, makikisama ka sa lahat ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap tayo dito sa showbiz? Wala ito compared doon sa mga pinagdadaanan [ng mga nasa pulitika]. Ay, wala ito! Sabi nga namin, it will either tell us that alam mo na ang papasukin mo if you want to get into politics. I don't close my doors, I am not ready for it now. If you ask me now, I am not ready, I don't have plans."

Pinabulaanan din ni Boy ang haka-haka na kaya siya nag-aaral ngayon sa kolehiyo ay para sa kanyang future political plans.

"Nag-aaral naman ako ngayon. I'm finishing my masteral degree, I'm gonna proceed with my doctoral degree, pero hindi ko alam... Walang kinalaman dito ang pulitika," saad niya.

Hindi rin daw totoong gusto niyang maging ambassador.

"Pabiro, kasi nga, di ba, International Relations and Public Diplomacy? Sabi ko, gusto kong maging ambassador!" natatawang sabi ng TV host.

Dagdag niya, "Ngayon ang tinatapos kong masteral ay in Communications but I've had four semesters already of International Relations and Public Diplomacy. Hindi yun paghahanda para sa isang elective post or appointive post. Ito ay pampalawak ng perspektiba ko bilang isang interviewer. Pero kung ano ang mangyayari in the future, I don't really know."

Kung i-appoint siyang bigla ni Noynoy kapag nasa puwesto na ito?

"Again, ayokong magsalita ng patapos dahil the biggest lesson that we learned in Noy's presidency—I mean at least presidency-in-waiting or impending presidency—is siya mismo. Hindi naman inisip at binalak ni Noy na tatakbo siya. So, mahirap pala talaga magsalita ng hindi o oo. So, ang importante, just listen to the wind, to the moment," pahayag ni Boy.

CRISTY FERMIN. Napadako naman ang usapan namin tungkol sa dati nilang kasamahan ni Kris sa The Buzz na si Cristy Fermin. Sa palagay ba ni Boy ay maaayos pa ang gusot sa pagitan nila ni Cristy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana," sambit ng TV host. "Ako, wala akong... Kilala ninyo ako, matagal na ako dito sa industriya, ayokong...I don't wanna carry the burden of sama ng loob.

"Kung meron kami ni Cristinelli, dapat dadating ang araw na kaming dalawa na lang ang mag-uusap nun. Walang plano yun. Wala kaming... Parati kong sinasabi ito, mas mahaba ang panahon na pinagsamahan namin na mabuti. Mas marami siyang naisulat na maganda kaysa hindi kagandahan tungkol sa akin, hindi ko makakalimutan 'yon.

"Magkaibigan kami, mas pinahahalagahan ko yung mga panahon na matagal na panahon na magkaibigan kami. So I am decidedly quiet dahil ayokong makadagdag. You know I'm decidedly quiet dahil may mga bagay na mas nae-express mo sa katahimikan."

Mahal ba niya si Cristy?

"Oo naman, oo naman!" mabilis na sagot ni Boy. "I mean, klaro yun, dahil kung hindi, nakipagbangayan na ako. Oo, dahil kung hindi, nakipag-away na ako. Mas mahalaga sa akin yung pagmamahal na iyon. Mas mahalaga sa akin lahat ng taon na pinagsamahan namin, mas mahalaga yun.

"At saka ang ikli ng buhay, ang ikli ng buhay. At saka hindi ako myopic. Sa aking pananaw, oo, kung meron kang puna sa akin na isa, dalawa, pag-iisipan ko iyon and I will not take that against you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN