Angel Locsin shrugs off negative comments about her upcoming movie with Aga Muhlach

Angel Locsin will be one of the busiest young actresses this year. Aside from doing a movie with matinee idol Aga Muhlach for Star Cinema, she will also star in a teleserye opposite John Lloyd Cruz in ABS-CBN.


May gagawing pelikula si Angel Locsin kapareha si Aga Mulach mula sa Star Cinema. Kuwento ni Angel sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon na sila ng script reading para sa pelikulang una nilang pagtatambalan.

"It's a beautiful love story. Hindi siya yung usual na ini-expect ninyo sa mga pelikulang ginagawa ko o yung ginagawa ni Kuya Aga. Iba kasi yung story, e. Na kahit na si Kuya Aga na ilang pelikula na ang nagawa, dito sobrang excited siya kasi ang ganda ng pagkakasulat talaga. And siyempre, si Inang [Olivia Lamasan] pa yung magdidirek. So kami, looking forward.

"And ano kami, e, alisto kami siyempre, di ba? Ako bilang isang baguhang artista saka first time akong mahahawakan ni Inang. First time kong makakatrabaho si Kuya Aga. Di ba, parang kailangan talagang paghandaan siya?" lahad ni Angel nang makausap siya ng PEP nang mag-guest siya sa ASAP XV last Sunday, May 16.

Kuwento pa ni Angel, nag-bonding sila ni Aga sa restaurant na pag-aari ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz, ang Bellissimo, na nasa Tomas Morato, Quezon City. Dahil dito kaya kahit paano ay hindi na maiilang si Angel kapag nagsimula nang gumiling ang kamera para sa kanilang pelikula ni Aga, na katulad niya ay alaga rin ng veteran entertainment columnist na si Ethel Ramos.

"Si Kuya Aga, napakasimple. Alam ninyo, kahit na ang tagal-tagal niya na rito sa industriyang ito, wala siyang bahid ng kashowbisan," papuri ni Angel sa kanyang bagong leading man.

NEGATIVE ISSUES. Pero hindi pa man nasisimulan nina Angel at Aga ang pelikula ay nine-nega na ito ng iba. May mga nagsasabi na hindi naman daw bagay sina Angel at Aga, wala raw silang chemistry sa screen, at matanda na raw kasi si Aga para ipareha kay Angel.

Ano ang reaction dito ni Angel?

"Well, ang mga tao naman, matatalino naman, e. Parang hindi naman kami gagawa ng movie dahil, 'Uy, loveteam kami, di ba? Gagawa kami ng movie para gampanan, bigyan ng buhay yung istoryang nilikha, yung isinulat ng writer and yung naiisip ng direktor namin. Hindi naman kami yung, 'Oy, halika dito, lokohin natin yung tao!' Parang hindi naman fair sa mga tao," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran pa ni Angel, kahit malayo ang age gap nila ni Aga ay hindi naman daw ito halata.

"Dyusko naman, tingnan mo naman yung mukha ni Kuya Aga, hindi pa rin naman tumatanda! Masasabi mo ba kung ilang taon na siya? Lalo na ngayon, payat siya."

May love scene sila ni Aga sa pelikula. Hindi ba siya kakabahan kapag kukunan na ang love scene nila?

"Oo naman!" sagot ni Angel. "Lahat naman... Kahit hindi love scene, kinakabahan ako."

TELESERYE WITH JOHN LLOYD. Bukod sa pelikulang gagawin ni Angel with Aga ay may gagawin din siyang teleserye sa ABS-CBN with John Lloyd Cruz, ang Imortal.

First time din ni Angel na makakatrabaho at makakapareha si Lloydie. Nag-pictorial at nag-workshop na raw sila kay Direk Laurice Guillen para sa nasabing serye.

Bukod sa kanila ni Lloydie, sino pa ang mga makakasama nila sa Imortal?

"Sayang, kung allowed lang akong sabihin yung ibang mga makakasama namin. Hindi puwedeng sabihin, e," sabi ni Angel.

Pero totoo ba na ang Imortal ay Part 2 ng Lobo, ang unang serye niya sa ABS-CBN na pinagtambalan nila ni Piolo Pascual?

"Abangan ninyo na lang," nakangiting tugon ng aktres.

GOVERNOR VI & LUIS. Napunta naman ang usapan namin sa re-elected governor ng Batangas na si Vilma Santos. Naging close si Angel sa Star For All Seasons dahil bukol sa nakatrabaho niya na ito sa pelikula (Mano Po 3) ay mommy ito ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.

Ayon kay Angel, hindi na siya nagulat sa muling pagkapanalo ni Gov. Vilma.

"Kahit naman kasi nung hindi pa siya nagde-decide na muling tumakbong governor ng Batangas, alam ko naman na mananalo siya. Nakatrabaho ko na si Tita. Sa konting panahon na yun, sobrang na-in love ako sa pagkatao niya. Paano pa kaya yung ilang taon niyang pinamunuan sa Batangas?" saad niya.

May communication pa ba sila ni Gov. Vi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-congratulate ako sa kanya through text nung manalo siya," banggit ni Angel.

Kumusta na sila ni Luis?

"We're okay," sagot niya. "Ayoko naman kasing masyadong mag-ano, e, ma-publish yung kung anuman. Pero hindi rin naman ako nagla-lie. Sinasabi ko naman na wala, hindi kami. Pero si Luis naman kasi napakabait niyan. Espesyal pa rin naman siya sa akin kahit anong mangyari, di ba?"

CHITO MIRANDA. Si Chito Miranda, lead vocalist ng Parokya ni Edgar, ay patuloy pa ring nali-link kay Angel kahit sinasabi naman nila na magkaibigan lang sila. Ano sa tingin ni Angel ang reason kung bakit patuloy silang nali-link ni Chito?

"Kasi hanggang ngayon, barkada pa rin kami. Tropa pa rin kami," sagot niya. "Hindi naman puwedeng iwasan ko siya dahil wala naman siyang ginagawa sa akin. E, magkaibigan kami. Parang hindi naman yata tama na porke't natsitsismis kami, 'Uy, hindi na tayo friends. Galit-galit na tayo kasi naiisyu tayo.' Parang hindi naman kami mabuting magkaibigan kung ganoon, di ba?

"So kami naman, as long as wala kaming ginagawang masama, hahayaan na lang namin kung anuman yung iisipin ng ibang mga tao. Kasi pagod na rin kaming mag-explain. Saka yung mga tao naman, dun pa rin sila sa kung ano yung pinaniniwalaan nila, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN