Enchong Dee laughs off Internet photo of him and his alleged boyfriend

"Kung gusto niyang sumikat, huwag niya akong gamitin. Cut and paste yun, sa Internet ipinakita lang sa akin. Naano ako, natawa ako at saka parang naano na parang, 'Ano ba yun, kadiri!'" says Enchong Dee about the guy who is claiming that he had a relationship with the actor.


Tinatawanan lang ng young actor na si Enchong Dee ang matagal na ring pagkalat sa Internet ng mga larawan niya kasama ang isang lalake, na nagke-claim na boyfriend niya diumano.

"Sobrang nakakatawa sila! Natatawa lang ako sa kanila! Kasi alam mo yung sobrang desperate nila. Nakakita ako isang beses, cut and paste yung mukha ko tapos gumaganun-ganun ako, parang sumasayaw. Sabi ko, 'Ano ba 'to?'

"Kasi may nagpakita sa akin. Sabi sa akin...ang nakita ko lang...hindi ko actually nakita [lahat ng photos]. Ang nakita ko lang, may gumawa ng video na sumasayaw na... Hindi gumagalaw kasi picture lang siya, tapos yung katawan ang gumagalaw, yung gumaganun-ganun. Sobrang ridiculous!" tila hindi rin makapaniwalang sabi ni Enchong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi niya kilala yung guy na sinasabing karelasyon niya diumano?

"Hindi," mabilis na sagot ng young actor. "Yung guy na yun, hindi ko alam kung... Alam mo yung parang gusto niya ng 15 seconds of fame."

Never niya pang na-meet yung guy?

"Hindi!" mariing sagot ni Enchong. "Gusto ko nga siyang bigyan ng message na kung gusto niyang sumikat, huwag niya akong gamitin. Cut and paste yun, sa Internet ipinakita lang sa akin. Naano ako, natawa ako at saka parang naano na parang, 'Ano ba yun, kadiri!'

"Parang, kasi alam mo yung hindi siya nagsasalita. Hindi naman siya nagbibigay ng statement, or gusto lang niya magpa-impress sa mga kabigan niya na, 'Yeah, oo, nakakasama ko siya!' Ganun. Sabi ko nga, 'Ganun na ba ako kasikat? Hahaha! Hindi ko talaga alam, ewan ko ba."

Ano ang mensahe ni Enchong para sa taong nagke-claim na nakarelasyon niya?

"Kung gusto niyang sumikat, may Showtime, may Pilipinas Got Talent, may PBB," sabi ng Kapamilya actor. "Siguro mas marami pang mas sikat na artista kesa sa akin na puwedeng gamitin para sumikat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa akin, ano siguro, huwag na lang siyang manggamit ng ibang tao kasi bad yun, e. 'Tsaka hindi maganda para sa kanya, hindi rin maganda para sa akin. So, ano na lang... Ayoko kasi siyang sumikat kaya ayoko ng magbigay ng ano..."

GENDER ISSUE. Ayaw rin ni Enchong na para matigil na ang gender issue about him ay nagge-girlfriend siya basta-basta.

"Ayoko rin namang manggamit ng babae para lang masabi na ganun. Kumbaga, gusto ko ring pumasok sa isang relasyon na yung handa ako, na mabibigay ko yung oras ko sa kanya," paliwanag niya.

May message din si Enchong sa mga ayaw tumigil sa pagkukuwestiyon sa kanyang pagkalalake.

"Ipagpatuloy n'yo lang po para mas sumikat pa ako!" ang natatawa nitong sinabi. "Hindi, ano, ano po ba... Ano na lang siguro, ano ba? Siguro husgahan nila ako sa trabaho ko, kung meron akong ginagawang mali sa trabaho ko.

"Pero kung yung mga personal na bagay siguro, mas maganda siguro na maglalabas sila kung may ebidensiya or may sapat na proof na sasabihin na ganitong klaseng tao ako. At kung kilala talaga nila ako."

Sa palagay ba niya ay iniintriga siya dahil sobrang sikat na siya?

"Ayoko rin kasing isipin na sobrang sikat na ako, kasi baka pag pumasok sa ulo ko baka ano...," sagot niya.

THE NEXT BIG THING? Si Enchong daw ang next big thing sa ABS-CBN. In fact, may upcoming solo project na siya, ang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Boy Putik. Sa sobra ngang dedikasyon sa trabaho ni Enchong, mas pinili niya na totoong putik ang ibalot sa buong katawan at mukha niya sa actual taping.

"Nung nag-shoot kami, sabi ko, gusto ko totoong putik. Kasi sabi nila, parang plano nila chocolate yung ilagay. Sabi ko, 'Hindi, putik na lang.' Tsaka mas masarap ang pakiramdam nung putik, hindi siya malagkit. Tapos pag natuyo siya, gaganunin mo lang, tanggal na siya," saad ni Enchong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang first solo project ni Enchong sa ABS-CBN.

"First, oo... Nung siguro Boys Town, isa pa yun, tapos ito nga."

Ano ang pakiramadam na may solo project na siya?

"Yung una, talagang pumasok sa isip ko is yung thankful kasi napansin na rin ako ng management. Na kung gaano yung paghihirap ko every show na ginagawa ko, na nakikita nila na yung effort ko, 'yon. At siguro nag-pay off yung pakikisama ko sa mga tao, na hindi ako nagiging pabigat sa kanila, 'tsaka hindi ako nag-iinarte sa trabaho. Yung mga ganun. Kasi kung tutuusin, pare-pareho lang naman kayong nagtatrabaho pagdating sa set, e."

Dahil siya si Boy Putik, tinanong namin si Enchong, sino ang taong gusto niyang batuhin ng putik sa mukha?

"Siguro yung mga nagpapahirap sa bansa natin. Ang dami! Kasi Boy Putik naman ako, marami akong putik, e. Mga corrupt officials. Ayoko nang magbanggit, kilala na nila kung sino sila," sabi ni Enchong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN