JC de Vera is now more inspired to work as a Kapatid

"Kakaibang saya ang nararamdaman ko. Masarap nang magtrabaho. Hindi na mabigat sa damdamin ko at wala na tayong iniiwasan na mga tao. Malaking pagbabago ito para sa akin. Kinalimutan ko na yung lahat at naging mabuti para sa akin 'yon. I'm very happy with the projects I'm doing now. I'm working with new people every day. I am very blessed to be part of TV 5," says JC de Vera.


Bakas sa mukha ng young actor na si JC de Vera na sobrang masaya siya dahil sa pagiging prime talent niya sa TV5. Sabi nga ni JC sa PEP (Philippine Entertainment Portal), bumalik na ang confidence niya na tila nawala noong mga huling buwan niya sa GMA-7.

Kung noon daw kasi ay matiyaga siyang naghihintay ng magiging project niya, ngayon ay magkakasunod na ang mga ginagawa niya sa bakuran ng Kapatid network. Bukod sa pagiging regular niya sa P.O.5 (Party On Five) at Lokomoko U ay magsisimula na siya para sa weekly anthology na 5-Star Specials simula sa May 24.

"Nakapag-tape na ako ng isang episode. Isang action-fantasy na story yung una naming tinapos. Within the week ay may sisimulan na ako ulit na bagong episode.

"Excited ako sa ibinigay nilang 5-Star Specials kasi nagtanong sila sa akin ng mga possible storylines. Yung mga gusto ko raw gawin ang i-suggest ko. Nasabi ko nga na gusto ko talaga may action scenes. Kaya nga nagpaganda tayo ng katawan natin para magawa ko ang mga mabibigat na eksena. May mga na-suggest ako na stories na nagustuhan naman nila.

"Kaya ang kinalabasan, four out of five episodes ay mga action episodes. May isang episode na gaganap ako na isang killer, tapos may isa na gaganap ako na isang vampire naman. Humiling din ako ng isang drama episode naman at 'yon yata ang makakasama ko si Pauleen Luna," masayang kuwento ni JC sa presscon ng 5-Star Specials niya.

Hindi ma-describe ni JC ang nararamdaman niyang kasiyahan ngayon sa career niya. Kung noon daw ay naging unsure siya sa kanyang future sa showbiz, ngayon ay unti-unti na namang nabubuo lahat ng mga pangarap niya.

"Kakaibang saya ang nararamdaman ko. Masarap nang magtrabaho. Hindi na mabigat sa damdamin ko at wala na tayong iniiwasan na mga tao. Malaking pagbabago ito para sa akin. Kinalimutan ko na yung lahat at naging mabuti para sa akin 'yon. I'm very happy with the projects I'm doing now. I'm working with new people every day. I am very blessed to be part of TV 5," nakangiting sabi ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOSTING & PERFORMING. Bukod sa isang episode sa 5-Star Specials, nabanggit din ni JC sa PEP na magkakaroon sila ni Pauleen ng sarili nilang drama series sa Singko. Pero baka by July or August of this year pa raw iyon mangyayari.

"It all depends sa schedules ni Pauleen din," sabi ni JC. "Alam ko kasi may gagawin siyang drama series sa GMA-7. Ako naman, may ibang naka-lineup din for me. Kaya bandang July or August pa siguro 'yon.

"Ngayon din kasi, concentrated ako sa P.O.5. TV hosting and performing kasi ang ginagawa ko doon na ngayon ko lang talaga nagagawa. Kaya yung pressure ng Sunday show ay gusto kong maging okey parati.

"I want to learn more how to be a good TV host. Yung pasayaw-sayaw naman, ginagawa ko na 'yan before pa. Kaya hindi na problema sa akin 'yon. Pero I still do rehearsals para maganda parati ang performance ko."

PAULEEN LUNA. Going back to Pauleen, na naging ex-girlfriend ni JC, nababalitaan daw ng young actor ang kinasasangkutan nitong intriga ngayon with the members of Ampalaya Anonymous. Mga kaibigan din daw kasi ni JC ang ibang mga kasama sa grupo na ito tulad nina Maxene Magalona, Bianca King, Bubbles Paraiso, at iba pa.

Alam ni JC na apektado si Pauleen, pero hindi naman daw niya ito tinatanong tungkol sa problema nito.

"Ayoko namang isipin ni Pauleen na tsismoso ako, di ba?" medyo natawang sabi ni JC. "Kung may gusto siyang ikuwento sa akin, okey lang, makikinig ako. Pero kung hindi naman siya magkukuwento, okey rin lang din. Ayoko rin namang malaman pa ang iba pang kuwento. Away ng mga babae 'yan, e. Hindi na tayo kasali diyan.

"'Tsaka matagal ko na rin kasing hindi nakakausap si Pauleen. Two weeks na siyang hindi nakakapag-tape ng Lokomoko U. Nagkasakit siya before, tapos nagkaroon siya ng ibang schedules na inaayos pa ngayon. Tine-text ko naman siya at sinasabi namin na nami-miss na namin siya sa set. Sabi naman niya na kapag naayos na ang schedules niya, magte-taping na siya for Lokomoko U.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As to her problem," patuloy niya, "alam ko naman na malalagpasan ni Pauleen 'yan. Matapang na babae 'yan, e. Kaya niya 'yan. Pero mas maganda kung maging magkakaibigan tayong lahat, di ba? Mas okey magtrabaho na walang mabigat na dinadala sa balikat natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN