Barbie Forteza defends her young love team with Joshua Dionisio

"Ang love team namin ni Joshua, ano siya, kumbaga, parang hindi siya serious na ano...na pa-sweet lang. Hindi siya yung nagseseryoso na parang may something. Ano lang talaga, love team na mag-best friend," says Barbie Forteza about her team-up with Joshua Dionisio.


Huling linggo na next week ng pre-primetime series ng GMA-7 na First Time, na mas lalong nagpakilala sa very young love team nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Pero kahit magtatapos na ito, it doesn't mean na mami-miss ng kanilang mga tagahanga ang dalawa dahil muli silang mapapanood sa Pilyang Kerubin na this time ay pang-primetime na talaga.

But for 12-year-old Barbie, hindi raw mawawala sa kanila na ma-miss ang First Time, lalo na ang mga taong nakasama nila rito.

"Last day taping na po namin sa Friday [May 21]. Siyempre malungkot kasi sa Stairway to Heaven noon, sila-sila na ang mga kasama ko, same production. Tapos sila ate Joanna [Marie Tan], si Jhake [Vargas], tapos ngayon matatapos na. Para kasing kailan lang, nag-SOP kami, nag-launch kami ng First Time, tapos ngayon, last day na. Parang nakakalungkot isipin," sabi ni Barbie.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertrainment Portal) si Barbie sa taping ng First Time sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Tandang Sora, Quezon City.

Marami ring memories si Barbie sa First Time.

"Marami...halos lahat ginawa ko dito. First time kong makasakay ng plane dahil sa mga regional tours namin. First time kong makalangoy ng ganun kalalim sa dagat. At saka madalas nag-a-out-of town kami na yung family ko, usually, summer lang namin ginagawa. Pero dahil sa First Time, palagi na akong kalat-kalat, yung ganun."

Hindi pa raw siya nakakapag-out-of-the country at isa raw yun sa plano niyang gawin in the future. Gusto raw niyang makapunta sa Hong Kong Disneyland.

PILYANG KERUBIN. Pero tuluy-tuloy lang ang magandang takbo ng career ni Barbie. Kahit magtatapos na ang First Time, may Pilyang Kerubin na sila agad ni Joshua.

"Sobrang saya nga po. Kasi kahit bata pa po kami, kahit bago pa lang kami, kaming lahat, napapansin na agad kami ng GMA. Binigyan na agad kami ng pang-primetime na show kaya very thankful po kami sa GMA," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited na ba siya for Pilyang Kerubin?

"Sobra!" sambit ni Barbie. "Yung plug shoot namin kahapon [May 17], sobrang excited na ako. First time kong gagawa ng fantaserye. First time kong magsusuot ng lahat puti at magpapakpak nang matagal."

Aware si Barbie na sa kabila ng maraming sumusuporta sa kanila ni Joshua, meron din yung tipong hindi sila masyadong naiintindihan when it comes to their young team-up.

"Mali naman po kasi ang pagkaka-ano nila... Ang love team namin ni Joshua, ano siya, kumbaga, parang hindi siya serious na ano...na pa-sweet lang. Hindi siya yung nagseseryoso na parang may something. Ano lang talaga, love team na mag-best friend," paliwanag niya.

CHANGES IN BARBIE'S LIFESTYLE. Dalagang-dalaga na kung tingnan si Barbie, pero batang-bata pa rin siya talaga at the age of 12. Aniya, marami na rin daw nabago sa kanya kung lifestyle ang pag-uusapan.

"Bihira na rin po akong makauwi sa amin, sa BiƱan [Laguna] po... May nasunog po sa may Alabang, tapos ginagawa pa po ang SLEX. So, kesa umalis kami ng sobrang aga, dito [Manila] na lang kami natutulog. Nagtse-check-in na lang po kami kung saan malapit ang location."

Nagtapos si Barbie ng elementary school. Pero ngayong high school na raw siya, she has no choice but to enroll in a home study program.

Aniya, "Sayang nga po kasi yung high school ang pinakamasaya sa school. Pero marami naman pong kapalit like yung experience na nakukuha ko po sa showbiz."

Hindi ba niya mami-miss ang regular schooling?

"Siyempre po, mami-miss ko. Lalo na po yung french fries sa canteen namin at saka yung shake. Miss ko yun!" natatawa niyang sabi. "At saka yung mga teachers ko. E, minsan napapagalitan ako kasi palagi akong nale-late. Nandun na silang lahat, ako, kumakain pa ng french fries!"

When it comes to her earnings, diretso raw niya itong ibinibigay sa Mama niya for her savings. Kapag may gusto raw siyang bilhin, itinatanong pa raw niya kung puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag hindi naman po kailangan, hindi naman po bibilhin. Pero favorite ko po kasi mga contact lens. Yun po collection ko!" natatawa niyang sabi.

JOSHUA DIONISIO. Pagdating naman sa kanila ni Joshua, ganun pa rin daw sila. Kulitan pa rin.

Pero kung sakali at magiging ready na siya to have her first boyfriend, nakikita ba niya ang possibility na si Joshua nga yun?

"Posible po," sagot naman ng dalagita.

May mga pahiwatig na ba si Joshua sa kanya?

"Hindi naman. Kilala ko lang kasi siya na makulit, maingay, madaldal. Tapos, palagi niya akong inaalagaan sa set. Yung kunwari inaayos pa ang makeup ko, nagmamadali na, hinihintay pa rin niya ako para sabay kaming pumunta. Palagi rin niya akong pinapaupo."

Pero binigyang-diin ni Barbie na wala raw ligawan na namamagitan sa kanila ng kapareha.

"Best friend lang po kami," sabi niya.

Sa palagay niya, kailan siya puwedeng magka-boyfriend?

"Siguro po, hintayin ko muna po na mag-teenager muna ako," sagot ni Barbie, pero natawa siya nang maalala na sa July 31 ay officially teenager na siyang matatawag.

Pero aniya, "Para sa akin masyado pa rin po akong bata. Kahit ako naman sa sarili ko, alam ko naman po na masyado pa akong bata para dun."

Kumusta ang parents nila sa kanilang dalawa ni Joshua?

"Naku, hindi n'yo po alam kung gaano ka-close ang mommy ko at saka mommy niya!" natatawa nitong sabi.

STILL VERY YOUNG. Feeling niya ba napapadali ang pagdadalaga niya?

"Hindi rin po. Kasi hanggang ngayon, natatalo ko pa rin po ang pinsan ko sa jackstone. Naglalaro pa rin ako ng Chinese garter. Pataasan kami ng level sa Pet Society sa Facebook," sabi ni Barbie.

Pero kung kumilos siya, dalaga na siyang tingnan. Ganoon ba talaga siya?

"Opo, kasi maniwala kayo o hindi, noong wala pa ako sa showbiz, sobrang mahiyain po ako. Sobra! Promise."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, saan niya nakuha ang confidence na meron siya ngayon?

"Siyempre po, nandiyan po ang family ko, ate ko..." sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN