Joshua Dionisio on his zooming career: "Hindi ko po akalain talaga."

"Noong Stairway talaga, iniisip ko lang, guest lang ako dun, para magka-show lang ako. Yun lang po ang iniisip ko. Hindi ko po akalain talaga," says Joshua Dionisio about his career.


"Masayang malungkot," ang nararamdaman daw ni Joshua Dionisio ngayong magtatapos na ang First Time.

Huling linggo na sa ere ng First Time next week. Pero bukas, May 20, ay may show raw ang buong cast ng First Time sa Market, Market na parang pabaon na rin nila sa mga naging tagasubaybay ng kanilang programa.

Pagkatapos ng First Time ay may kasunod agad na project sina Joshua at ang kanyang kapareha na si Barbie Forteza, ang Pilyang Kerubin. Pero hindi na nila makakasama rito ang co-stars nila sa First Time, although si Andoy Ranay pa rin ang direktor nila sa bago nilang primetime series.

Also, instead of Jhake Vargas, si Elmo Magalona na raw ang magiging ka-love triangle nila sa Pilyang Kerubin.

Since Stairway to Heaven, ang dami nang nangyari kina Joshua at Barbie pagdating sa kanilang career.

"Noong Stairway talaga, iniisip ko lang, guest lang ako dun, para magka-show lang ako. Yun lang po ang iniisip ko. Hindi ko po akalain talaga," tila hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Joshua sa magandang nangyayari sa kanyang showbiz career.

At ngayon nga ay may kasunod na agad silang project.

"Opo nga, nakakakaba. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Minamadali na nga po itong Kerubin dahil sa July na po. Nag-start na po kami ng taping ng May," banggit ni Joshua.

BARBIE'S CONTACT LENS. Noong nakaraang graduation ni Barbie, si Joshua raw ang personal na namili ng gift para sa kanyang ka-love team. Isang Hello Kitty na comforter daw ang iniregalo niya rito.

Pero sa nalalapit na 13th birthday ni Barbie sa July 31, wala pa raw siyang idea kung ano ang ibibigay niyang regalo sa kapareha. Nabanggit namin kay Joshua na mahilig pala si Barbie sa contact lens.

"Opo nga...ang hilig. Bagay po ba sa kanya?" balik-tanong niya sa amin.

Naramdaman naming hindi masyadong pabor si Joshua sa pagsusuot ng contact lens ni Barbie. Bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala lang po. Parang hindi naman po kailangang naka-contact lens. Sinasabi ko po sa kanya, kaso wala lang, tinatarayan lang ako!" natatawang sagot ng 15-year-old actor.

Bakit ayaw niyang naka-contact lens si Barbie?

"Parang nakakailang lang po. Iba kasi po ang hitsura kapag naka-contact. Tapos, titingnan ka, e, naka-contact lens naman po," sabi niya.

Biro namin sa kanya, mukhang istrikto siya kapag naging boyfriend na siya?

"Hindi naman po. Wala naman po akong binabawal. At saka hindi ko naman po siya pinipilit na huwag mag-contact lens," paglilinaw ni Joshua.

TOO BUSY TO THINK ABOUT LOVE. Nabanggit ni Barbie sa hiwalay na panayam na kapag teenager na siya ay saka pa lang daw siguro siya puwedeng makipag-boyfriend. Twelve years old pa lang si Barbie ngayon.

If ever, posible kayang ligawan niya si Barbie kapag nagdalaga na ito?

"Hindi ko pa po alam kasi po masyado pa pong busy. Siyempre, iba naman po ang showbiz side sa personal," sagot niya.

Pero itinanggi ni Joshua na may iba siyang nagugustuhan.

"Wala nga po akong ibang nakikita. Puro taping lang po ako. Hindi naman po ako nakakalabas kaya wala po talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN