A significantly different advance birthday party for Sam Milby

"It's such a different feeling pag nakikita mo yung mga ngiti sa mukha ng mga bata. Nag-e-enjoy sila kahit na...kahit siyempre mahirap ang mga buhay nila. Masaya sila ngayon," says Sam Milby about celebrating his birthday with the children of World Vision.


Nagkaroon ng pre-birthday celebration ang Fil-Am actor-singer na si Sam Milby sa piling ng mga batang nasa pangangalaga ng World Vision noong Linggo, May 16, na ginanap sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Ang nag-organize ng party ay ang mga tagahanga nila ng ex- girlfriend niyang si Anne Curtis, ang Hot Girls.

Ano ang feeling ni Sam sa kakaibang selebrasyon niyang ito kasama ang mga bata at kanyang mga tagasuporta?

"Sobrang saya! Nag-e-enjoy talaga ako," sagot si Sam nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertaiment Portlal) during the event. "It's such a different feeling pag nakikita mo yung mga ngiti sa mukha ng mga bata. Nag-e-enjoy sila kahit na...kahit siyempre mahirap ang mga buhay nila. Masaya sila ngayon."

Sam will celebrate his 26th birthday on May 23.


Anim ang pinag-aaral ni Sam na mga bata sa World Vision. Hindi naman daw mahal ang tuition ng mga ito (P600 a month lang) kaya okey lang sa kanya. Masaya na rin naman daw siya dahil alam niyang nakakatulong siya.

"And for doing that," dagdag ni Sam, "you are changing a life. You're giving someone a life, a chance of life... I hope I'm doing my part with them. And talagang nag-enjoy ako ngayon with the kids. And also I wanna give a big thank you...they also organize this event, the Sam-Anne Hot Girls. Actually, nag-sponsor din sila ng dalawang bata."

Bakit wala si Anne sa kanyang selebrasyon, to think na ang orgnanizer ng party niya ay fans nilang dalawa?

"Hindi ko alam kung in-invite nila si Anne. Siguro ano...may work siya," sagot ni Sam.

TEAM-UP WITH MAJA. Napapanood na sa ABS-CBN ang bagong afternoon series ni Sam, ang Precious Hearts Romances Presents Immortal. Kapareha niya rito sa unang pagkakataon si Maja Salvador. Sa tingin ba ni Sam ay tatanggapin ng mga tao ang tambalan nila ni Maja?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana! Sana!" sambit ni Sam ni Sam. "Ako feeling ko, suwerteng-suwerte ako kasi hindi ako ano sa isang love team lang, marami akong love team. And I love my fans kasi kahit sinong loveteam ko, sinusuportahan nila. And sana with Maja din na very, very nice girl, very, very kindhearted, suportahan din nila."


Totoo ba na niregaluhan niya ng electric fan si Maja?

"Kasi galing ako sa States, marami akong biniling electric fan. Tapos may mga location kami na sobrang init, grabe! So ako, may extra naman, binigyan ko siya ng electric fan, yung portable," kuwento ni Sam.

Napabalita noon na nililigawan ni Sam si Maja. Pero hindi niya itinuloy 'yon. Ngayon ba ay muli niyang liligawan si Maja?


"Never naman akong nanligaw sa kanya," paglilinaw ni Sam. "There are few times na nag-hang out kami, pero there's never courtship or anything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN