Geoff Eigenmann remains vague on status of relationship with Carla Abellana

"Oh, well, kung ganun ba ang ibig sabihin ng exclusively dating, I guess, that's what it means. Pero kami, hindi namin pinag-uusapan na kami lang, kami lang. We don't talk about it. We just go with what we feel. If I feel that I shouldn't be seeing anyone or if she feels she shouldn't be seeing anyone, why would she do that or not do that, di ba?" says Geoff Eigenmann about his relationship with Carla Abellana.


Sa tinagal-tagal na ni Geoff Eigenmann sa showbiz, marami na rin siyang roles na ginampanan. Pero ayon sa kanya, kakaiba raw ang role na ginagampanan niya sa bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Basahang Ginto.

"This is very different. For me, honestly, this is the biggest role that was ever given to me. This is something na magugustuhan ng mga tao and something that will make a mark. Kasi it's such a great story, such a great director working with the same cast. I know that everything will just go well because everything is well prepared," sabi ni Geoff nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa grand launch ng Basahang Ginto kagabi, May 19, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Kapareha muli rito ni Geoff ang kanyang perennial leading lady na si Carla Abellana. First time namang nilang maidirek ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Aminado si Geoff na kabado siya hindi lang dahil alam niyang istriktong direktor si Direk Joel. Kaibigan daw kasi ng direktor ang kanyang ina na si Gina Alajar.

"Alam kong magkaibigan sila kaya kabado ako dahil alam ko, puwedeng lahat ng gawin ko sa set, makarating sa mommy ko. So, dun pa lang, e, good boy ako and I do my best effort to give my best para sa show," saad niya.

Basahang Ginto will premiere this Monday, May 24, sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

A SLIMMER GEOFF. Marami ang nakakapansin na malaki na ang ipinayat ni Geoff. Ayon nga sa kanyang leading lady na si Carla Abellana, she finds Geoff better looking.

"Thank you, thank you, kulang pa," nakangiti namang sabi ni Geoff nang hingin ang kanyang reaksiyon. "Of course, that comment alone makes you feel good. Nakaka-inspire to look better, exercise more, eat healthier."

Galing ng U.S. si Geoff noong nakaraang buwan. Kaya biro namin sa kanya, mabilis siyang pumayat instead na tumaba dahil na-miss niya siguro si Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, puro lakad din, exercise. Enjoy. Three weeks, medyo mabilis lang ang trip ko. I was prepared na dapat hindi ako tumaba and have to lose more weight," sabi niya.

REAL SCORE WITH CARLA. Sa hiwalay na panayam kay Carla, sinabi nitong kahit naitatambal na siya sa iba—gaya kay Dennis Trillo sa The Last Romance—kay Geoff pa rin siya pinakakumportable.

Ano ang masasabi ni Geoff dito?

"Kasi, if you're open with someone, kung ano ang mangyayari sa 'yo, open talaga kayo, anything that will happen, magiging masaya ka. Hindi mo iisipin ang bad things, everything will be good. Everything will be happy," saad ng young actor.

Mula sa Rosalinda, kung saan unang ini-launch ang love team nina Geoff at Carla, pang-apat na serye na nila ni Carla ang Basahang Ginto. Ang dalawa pang iba ay ang SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen at The Last Prince.

Pero ano na nga ba ang estado ng relasyon nila ni Carla?

"Jumping into a relationship naman is not that easy," sabi ni Geoff. "Kahit sino naman, kapag iisipin mong mabuti kung kanino niya ibibigay ang puso niya, it's not just how you are, it's how you tackle things also. It takes a lot of maturity, a lot of respect for yourself and for others also. Marami, maraming factors."

Pero nasa kanya yun bilang siyang lalake, di ba?

"Of course, siyempre, kailangan mong gawin ang dapat mong gawin to make things into a better relationship, di ba? Even the little things that don't matter that much has to matter. Kahit na simple token of appreciation man lang, just praising someone for something. Mga ganyan lang, mga little things that matter."

Pero pareho namang aminado sina Geoff at Carla na ang kanilang love team ay higit pa sa likod ng camera.

"Siyempre, I'll do everything to take care of that and not let go," sabi ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Exclusively dating na ba sila ni Carla?

"Oh, well, kung ganun ba ang ibig sabihin ng exclusively dating, I guess, that's what it means," sagot ni Geoff. "Pero kami, hindi namin pinag-uusapan na kami lang, kami lang. We don't talk about it. We just go with what we feel. If I feel that I shouldn't be seeing anyone or if she feels she shouldn't be seeing anyone, why would she do that or not do that, di ba?"

Pero sa lahat ng babaeng naugnay sa kanya, tipong si Carla yata ang pinaka-welcome sa family niya?

"Yeah," pagkumpirma ng binata. "Madalas kapag may family thing ako, a lot, everybody looks for her. That makes me very happy kasi accepted siya kung maging kami na. Wala nang problema dun."

In fact, during Geoff's last birthday celebration kung saan nagpunta ang pamilya nila sa Bohol, ay kasama si Carla.

Pero nilinaw ni Geoff na, "There are other friends. Marami kami. We were in a big group actually. Lahat kami magkakasama. Family, friends, cousins, even friends of friend came along. It was an open invite talaga for everyone. Hindi lang siya. The day itself, maraming plinano. Mom ko rin, plans something for me para sa salubong ng birthday ko. It was a very memorable birthday na someday, hindi ko makakalimutan."

CARLA'S SURPRISE DINNER PARTY. Ano ang naging birthday gift ni Carla sa kanya since ang nakarating sa amin, napaka-espesyal at mamahalin daw nito?

"Actually, just her being there. The dinner that she prepared. Actually, inayos niya. She surprised me with a dinner and everyone's there. Dun pa lang, siyempre, sobrang touched ako... Very happy, just the effort she put in that dinner. All the way in Bohol pa, so sobrang touched talaga."

Noong March 24 pa ang 25th birthday ni Geoff and it all happened bago siya umalis at magbakasyon sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw sabihin ni Geoff ang exact location sa Bohol kung saan naganap ang birthday dinner niya na regalo ni Carla. Sinabi lang niyang, "Basta ang masasabi ko lang, it's her favorite place in the world."

Sobra raw siyang na-touch to the point na naluha siyang talaga.

"Siyempre, for me, that was my best birthday ever. It's really hard to explain. You can't put things kasi into words. It's just something na mararamdaman mo. Kahit gusto mong pigilan, it comes out of you. It's something you can't stop. You can't control," ani Geoff.

Sobrang intense ba siya kung ma-in love?

"Ganun naman dapat, e," nakangiting sabi ni Geoff.

Masasabi ba niya na ang nararamdaman niya ngayon para kay Carla ang pinaka-intense?

"Well, we have yet to find out," sagot ng young actor. "Number one, we're not yet together. Well, hindi namin iniisip yung nanliligaw ka pa ba? It's just that we're happy. Yun lang ang iniisip namin. There's really no point in labeling something."

Walang label, but do they love each other?

"As friends, for sure, we do," aniya.

More than friends?

"Bahala na!" natatawang sabi ni Geoff. "Ang sa akin, people can think whatever they want. Basta kami, we know, we're true to each other, we're honest and that's what matters."

NO NEED TO ASK FOR PERMISSION. Dalawa ang shows ni Carla ngayon. Bukod sa Basahang Ginto, meron pa itong Lovebug na si Dennis Trillo naman ang kapareha niya. Noong unang malaman ni Geoff na ipe-pair si Carla sa iba, ano ang na-feel niya?

"Okay lang, good for her. Masarap katrabaho si Dennis, he's really a good guy," sabi ni Geoff.

Nagpaalam ba muna sa kanya si Carla?

"Hindi, walang paa-paalam. Basta she said she'll be doing Lovebug with Dennis. So I said, cool, fun, masaya. Tapos yun nga, Hong Kong pa sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero malulungkot ba siya kung sakali at tuluyan na nga silang pinaghiwalay?

"Siyempre naman kasi iba na yung bonding namin. Yung pinagsamahan namin mawawala just like that. So sana, hopefully, this won't be the last time that we'll be paired with each other."

Sa lahat ba ng babaeng na-link sa kanya, si Carla ang pinakaiba ang naramdaman niya?

"Honestly, yes. I'll be honest about that," sagot ni Geoff. "I've never felt like this with anyone that I've worked with before. Everything that's happening now with me—work and lovelife na rin—this was all first for me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN