Vaness del Moral plays her biggest contravida role to date in Basahang Ginto

"Noong nalaman ko na magkokontrabida ako, na-excite ako. Natakot na kinabahan. Yung sa excitement, yun talaga ang gusto kong gawin. Gusto ko talagang maging kontrabida. Yung sa takot at kaba naman, dahil siyempre, Direk Joel Lamangan ang director mo. Tapos, first time kong mabibigyan ng ganitong klase ng role," says Vaness del Moral about her role in Basahang Ginto.


Marami nang nagawang kontrabida roles si Vaness del Moral, pero ang pagiging main kontrabida niya sa bagong Sine Novela ng GMA-7 na Basahang Ginto na raw siguro ang maituturing niyang pinakamalaking break mula nang magsimula siyang mag-artista.

"Noong nalaman ko na magkokontrabida ako, na-excite ako. Natakot na kinabahan. Yung sa excitement, yun talaga ang gusto kong gawin. Gusto ko talagang maging kontrabida. Yung sa takot at kaba naman, dahil siyempre, Direk Joel Lamangan ang director mo. Tapos, first time kong mabibigyan ng ganitong klase ng role. Isang mabigat na kontrabida role na ipinagkatiwala sa akin ng grupo nila Ms. Helen Sese, sina Sir Rams David. So, kinakabahan ako. Sana magampanan ko naman nang tama ang role," sunud-sunod na sabi ni Vanessa.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vaness sa presccon ng Basahang Ginto kagabi, May 19, sa 17th floor ng GMA Network Center.

This early ay ikinukumpara na si Vaness kay Glaiza de Castro. Sa palagay ba niya ay kaya na niyang pantayan si Glaiza sa pagiging kontrabida?

"Siguro, sana...hindi ko alam," sambit ni Vaness. "Pero kahit naman noon, hate na ako ng mga tao! Sa StarStruck, hate na hate nila ako kasi masungit daw ako, tahimik ako. Hindi ako nakikipag-usap. Siguro, handa na akong ma-hate ng tao. Pero sana yung mga supporters ko, yung mga fans ko na gusto nila ako ngayon, sana kapag naging kontrabida ako, hindi nila ako iiwan."

Pero gusto niya ba na malinya na talaga sa kontrabida?

"Gusto ko talaga," nakangiti niyang sabi.

BIBOY RAMIREZ'S LUCKY CHARM. Masaya raw si Vaness dahil sunud-sunod ang projects na ginagawa niya ngayon sa GMA-7. Sa katunayan, hindi pa man natatapos ang isa pa niyang afternoon soap, ang Gumapang Ka Sa Lusak, ay meron na siyang Basahang Ginto.

"Sunud-sunod ang projects na ibinibigay sa akin ni Lord at ng GMA," sambit ni Vaness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro namin sa kanya, baka ang boyfriend na si Biboy Ramirez ang lucky charm niya?

"Ay, ako po ang lucky charm niya!" natatawa niyang sabi.

Eight months na raw ang relasyon nila ni Biboy. Kumusta naman sila?

"Okay naman po," sagot niya. "So far, wala pa naman kaming... May tampuhan, pero walang major na away."

Totoo bang bantay-sarado si Biboy sa kanya?

"Hindi naman," sabi ni Vaness. "Puwede ko namang gawin kung ano ang gusto kong gawin. Siyempre, alam ko naman na malaki na ako. Sasabihin niyang, 'Matanda ka na, alam mo na kung ano ang gusto mo.'"

Hatid-sundo rin daw siya ni Biboy. Totoo ba?

"Hatid-sundo ako, yes," pag-amin niya. "Pero hindi naman bantay-sarado kasi nakakaalis naman ako at nakakalabas nang hindi siya kasama. Kaya naman niya ako hinahatid at saka sinusundo kasi wala pa akong sasakyan. So, ginagamit namin ang sasakyan ng mommy niya. Pero ngayon, bibili na rin ako ng sasakyan."

BIRTHDAY IN BAGUIO. Sa Sunday, May 23, Vaness will turn 22 years old. Pero sa Baguio raw siya magse-celebrate ng kanyang kaarawan.

"'Sakto po kasi noong umakyat po ako ng Baguio ng February, noong mamatay ang lolo ko, 'sakto po na mahuhulog po ng birthday ko ang 40 days niya. So, kinausap ako ng lola ko kung puwedeng dun na lang daw ako. Aakyat po kami ng Saturday hanggang Sunday. Kung walang taping ng Monday, puwedeng hanggang Monday kami dun," banggit ni Vaness.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN