Dennis Trillo shoots aboard a cruise ship for the second time

"Nung una po, akala ko mahihirapan kami pareho dahil nagsimula kami as host na magkasama sa StarStruck. Pero nung nagawa namin yung mga una naming eksena, parang nagulat ako kasi talagang nahasa na siya mula noong na-launch siya, after Rosalinda at yung iba pang mga shows, talagang napatunayan niya na isa na siyang ganap na aktres na talaga," says Dennis Trillo about teaming up with Carla Abellana in The Last Romance&


Pangalawang beses nang makapag-shooting ni Dennis Trillo aboard a cruise ship sa unang offering ng bagong weekly anthology ng GMA-7 na Lovebug, ang The Last Romance. Ang first time niya ay during the shooting of the movie I.T.A.L.Y (I Trust And Love You) ng GMA Films.

Paano maikukumpara ni Dennis ang experience niya sa dalawang beses na pagku-cruise niya?

"Dito [The Last Romance], mas maigsi lang yung biniyahe namin, around Hong Kong lang. Kasi yung sa I.T.A.L.Y., talagang mahaba yun dahil ilang days kami dun sa cruise.

"Pero dito, talagang maraming memorable experiences kasi talagang mahirap, e. Mahirap yung ginawa namin kasi pagdating pa lang namin, ilang hours lang, nag-shooting kami agad, at wala kang aasahan dun kundi yung sarili mo. Matututo kang maging independent kasi konti lang kayo, wala kang mauutusang magbitbit ng mga gamit mo. Kaya 'yon, sobrang memorable. Kasi napatunayan namin na kahit konti lang kami, kaya naming makabuo ng alam mo yun, ng ilang episodes, para sa pilot ng Lovebug.

"'Tsaka yung last day namin, iyon ang memorable, kasi free day namin yun. Wala na kaming ginawa, nag-ikot lang kami. 'Yon ang chance namin para mamasyal at mag-shopping," kuwento ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Lovebug last Tuesday, May 18.

May bagong hamon ba para kay Dennis ang The Last Romance, kahit na hindi masyadong mabigat ang role niya dito?

"Ano kasi, itong Lovebug, ang maganda dito, akala mo sa umpisa... Medyo light lang siya talaga, pero habang papunta na siya sa ending, pabigat na nang pabigat ang istorya.

"Kaya iyon yung malaking hamon sa amin, yung transition ng mga characters na una, light-light lang, hindi mo alam nade-develop na siya into a mas malalim na plot. Kaya iyon yung challenge para sa akin," saad ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEAM-UP WITH CARLA. Hindi ba nahirapan si Dennis na established actor na siya at ang leading lady niyang si Carla Abellana ay maituturing na medyo baguhan pa sa larangan ng drama?

"Ano po, nung una po, akala ko mahihirapan kami pareho dahil nagsimula kami as host na magkasama sa StarStruck. Pero nung nagawa namin yung mga una naming eksena, parang nagulat ako kasi talagang nahasa na siya mula noong na-launch siya, after Rosalinda at yung iba pang mga shows, talagang napatunayan niya na isa na siyang ganap na aktres na talaga," papuri ni Dennis sa kanyang bagong leading lady.

Halimbawang walang si Jennylyn Mercado sa buhay niya, posible bang magkagusto siya kay Carla?

"A, iyang tanong na 'yan, medyo ano 'yan, matinik na tanong 'yan, medyo tricky talaga 'yan. Pero ang sagot ko lang diyan, kasi kung sa posibilidad lang, kung wala akong ano... Siyempre si Carla, napakaganda niyan. Hindi naman siya magiging Rosalinda kung basta-basta lang 'yan.

"Talagang marami ang nabibighani sa kanya. Bukod sa maganda, talented, mabait. So kung posibilidad lang, posible talaga, siyempre. Kahit sinong lalake, hindi lang para sa akin, nagsasalita ako para sa lahat ng lalake talaga," sagot ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN