Julia Clarete speaks up about "hipuan" issue with Baron Geisler

"Puwede rin kasing publicity stunt na lang ni Baron kasi he was known for that. He has encountered many cases na yung nga may sexual harassment. So, ako, nag-isip ako nang husto. Alam mo, puwede rin kasing parang ano, e, publicity stunt niya na lang kasi nga may bago nga siyang indie film, di ba?" speculates Julia Clarete (main photo) about the reason Baron Geisler (inset) spoke about the incident on TV.


Sa wakas ay nagsalita na rin si Julia Clarete sa naganap na kontrobersiya sa pagitan nila ni Baron Geisler kaugnay ng diumano'y panghihipo ng aktor sa kanya. Mas pinili kasi ni Julia na manahimik pagkatapos ng naturang insidente at tanging si Baron lang ang nagbigay ng kanyang pahayag tungkol dito.

Kaya nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa presscon ng musical movie na Emir na ginanap kagabi, May 20, sa Sapphire Room ng Gateway Suites sa Cubao ay sinamantala na namin at ng iba pang press ang pagkakataon na ma-interview siya bago pa magsimula ang presscon. Ang naturang kontrobersiya ang kaagad naming inusisa kay Julia. Nakiusap kami na ibigay niya ang kanyang panig nang sa gayon ay maging malinaw sa lahat ang totoong nangyari.

Bakit mas pinili niyang huwag magsalita at magpaliwanag tungkol sa isyu?

"I chose to be quiet kasi parang patulan, parang ganun. Ayokong patulan yung ginagawang malaking isyu," paglilinaw ni Julia.

So, ibig sabihin malinaw na hindi siya ang nagpakalat ng isyu na yun?

"Hindi! Wala, wala akong imik ni isa. Wala akong sinabi," sabi ng mainstay ng Eat Bulaga!.

THE REAL STORY. Pagkatapos nito ay isinalaysay na ni Julia ang kanyang istorya at ang mga pangyayaring naganap noong gabing yun.

"Kasi ang nangyari doon, e, di nag-guest siya sa amin [Eat Bulaga!] bilang contestant ng Bebot. Tapos ako yung manager niya. E, nung nanalo siya, sabi niya sa akin, 'Ate Jules, may cast party mamayang gabi at dahil nanalo ako, sige invite kita sa Taumbayan sa may Kamuning.

"At saka si Baron naman, sa Star Circle pa lang before pa, maliit pa lang 'yan magkakilala na kami niyan. Kasi yung kuya niya, may barkada na naging boyfriend ko. Nagkasama rin kami sa mga projects, madami. Matagal na rin kaming magkakilala. E, di okay, punta na rin ako doon. Kasi tutal parang invited naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos biglang ayun, uminom si Geisler. Nalasing si Geisler. Kasi late na rin ako nakarating, e. Pagdating ko, may tama na siya. Tapos ayaw na siyang papanhikin sa stage, e. Maya-maya pinakanta ako sa stage. Tapos umakyat na rin siya. E, siyempre alangan naman ipagtabuyan mo ang bata. Tapos ayun, after noon, pinauwi na lang siya nung mga tao doon," lahad ni Julia.

Nang tanungin namin kung totoong may nangyaring hipuan, tumango lang si Julia bilang pagkumpirma.

So, sa stage nangyari ang hipuan?

"Doon nag-start. Umakyat kasi siya kumakanta na ako," sagot ng TV host-actress.

Hanggang saan umabot yung panghihipo ni Baron? Umabot ba ito sa pinakamaselang bahagi?

"Hindi."

Sa behind (puwet) ba?

"Hmmm...oo!" at natawa na lang si Julia pagkasagot niya.

Ano ang naging reaksiyon niya? Ano ang ginawa niya?

"Sinipa ko. Sabi ko, 'Oy!'"

BARON'S PUBLICITY STUNT? Hindi raw nagpa-interview si Julia after the incident dahil ayaw nga niyang palakihin pa ito.

"Yun na lang. Ayoko ring gawing ano... Kasi pinag-isipan ko rin siya the whole night. Tapos the following day, sabi ko, 'Bakit kaya may ganung nangyari?' Puwede rin kasing publicity stunt na lang ni Baron kasi he was known for that. He has encountered many cases na yung nga may sexual harassment. So, ako, nag-isip ako nang husto. Alam mo, puwede rin kasing parang ano, e, publicity stunt niya na lang kasi nga may bago nga siyang indie film, di ba?" saad ni Julia.

Pakiramdam niya ba sinadya ni Baron na hipuan siya just for publicity?

"May posibilidad na ganun. Ako, puro haka-haka lang din naman po," paglilinaw niya.

FORGIVING BARON. Nag-sorry ba si Baron sa kanya?

"Sa TV," sagot ni Julia.

Yung personal na sorry, wala ba?

"Wala. Nag-text lang siya the next day. Kasi may tinext ako sa kanya. Sabi ko, 'Hoy...' Basta parang ganun. Tapos nag-text siya, 'Sorry, tol.' Hindi ko na sinagot. Ayoko nang palakihin. Ayoko nang patulan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napatawad na ba niya si Baron?

"Ako, mabilis naman po akong magpatawad," sabi ni Julia. "Parang sa akin lang, kung ganun ang gagawin mo sa mga kaibigan mo, sa mga tao sa industriya na tumuring sa iyo na batang kapatid, e, siya na rin ang mapapasama."

Ano ang nararamdaman niya ngayon towards Baron?

"Wala," maikling sagot ni Julia.

Ano ang message na gusto niyang iparating kay Baron?

"Wala. Good luck sa movie mo."

Feeling niya ba nagamit siya?

"I don't know," ani Julia.

Paano pag nagkita sila ulit ni Baron, ano ang magiging reaksiyon niya? Babatiin niya ba ito?

"Kung halimbawa magkasalubong kami diyan sa labas o kung saan man, wala lang, parang, 'Oh...' Pag pinansin niya ako at nauna siyang lumapit, disente ko naman po siyang haharapin."

Paano kung magbeso sa kanya?

"Hindi ko alam. Siguro po pag dumating na sa puntong iyon, malalaman ko na lang ang gagawin ko."

Halimbawang palabasin ng kampo ni Baron na maging siya ay may ipalalabas din na movie, ang Emir nga, ano ang magiging sagot niya sa isyu ng panggagamit?

"Ay, hindi naman po ako ang sinipa palabas ng bar. So, I guess it's not my doing. In the first place, I was the one invited. Hindi naman po ako uma-attend ng okasyon na hindi ako imbitado," saad ni Julia.

TRYING TO GET BARON'S SIDE. In the spirit of fairness ay tinawagan ng PEP ang manager ni Baron na si Arnold Vegafria upang makuha ng panig ang aktor tungkol sa mga sinabi ni Julia. Kaninang bandang alas-dos ng hapon, May 21, ay nakausap ng PEP senior editor na si Jocelyn Dimaculangan sa telepono si Arnold.

Ayon kay Arnold, sa pagkakaaalam niya ay nagsalita na sa TV si Baron at sinabi raw ng kanyang alaga na walang ganung insidenteng nangyari. Pero nang sinabi namin sa kanya ang naging pahayag ni Julia na may nangyaring insidente ay sinabi ni Arnold, "I have to talk to Baron about it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Baron tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN