Carla Abellana to make film debut in Temptation Island remake

The original 1980 Regal filmwas about four beauty title-holders who get stranded on a desert island. Will Carla be exposing some of her, uh, assets in the 2010 update? No such luck. "Ako yung conservative na role run," says the actress.


Sa pinakabagong handog ng Dramarama Sa Hapon ng GMA-7, ang Sinenovela Presents: Mars Ravelo's Basahang Ginto, Carla Abellana will be doing another challenging role as Orang. Ang Basahang Ginto ay hango sa pelikulang pinagtampukan nina Alicia Vergel at Pancho Magalona noong 1951.

Paano ang naging preparation ni Carla para rito?

"Ang hirap... sobrang hirap. I just prepared myself emotionally. Kasi, napakabigat ng role. Sabi ko, ito ang pinakamabigat kong role, pinaka-challenging kong role. Madaanan ko lang si Direk Joel Lamangan, sabi ko, okey na 'ko, tried and tested na 'ko. Kakayanin ko 'to. Alam kong maraming fans ang excited and magiging excited na rin ako, kasi natutuwa lahat ng tao," sabi ni Carla sa presscon ng Basahang Ginto noong Miyerkules, Mayo 19, sa 17th floor ng GMA Network Center.

May balitang umiyak raw siya during taping at napagsabihan na rin ni Direk Joel.

"Umiyak ako noong first taping day pa lang, nahirapan ako sa isang eksena. Nag-taping kami sa Smokey Mountain. Yung eksenang yun, away between the kapitbahay and the character. So, ginulpi ko talaga ang kapitbahay. Medyo kinulang pa ng intensity yung eksena, so, paulit-ulit naming ginawa. Naintindihan ko naman kasi, hindi rin naman titigil si Direk Joel hanggang hindi niya makuha ang gusto niya."

Nasigawan na ba siya sa set ng director nila?

"Nasigawan na!" natatawa niyang sabi. "Lahat naman yata kami nasigawan na sa set. Pero tama nga ang sinasabi ng lahat na walang personalan, trabaho lang. And at the end of the day, puwede mo nang lambingin si Direk Joel, mabait na siya. Okey na, magpahinga na tayong lahat."

GEOFF AS JERK. Apat na series na ang ginawa nila ni Geoff Eigenmann. Ano ang kaibahan ng Basahang Ginto?

"Iba 'to, e. Kasi dito, yung character ni Geoff, napaka-jerks niya. Kumbaga sa Rosalinda, lahat para kay Rosalinda. Dito, wala siyang paki kay Orang. Kung meron man siyang paki kay Orang, dahil kailangan kasi may magagawa siyang hindi maganda. Yun bang wala siyang paki sa mundo, yun ang character niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Lunes, March 24 na mag-uumpisang ipalabas ang teleserye.

Bukod sa Basahang Ginto, lalabas din si Carla sa Lovebug, angSunday afternoon drama anthology ng GMA-7 na magpa-pilot na sa Linggo, May 23. Anong feeling niya rito?

"Masaya siyempre, kasi nabigyan ako ng chance para lumabas sa dalawang magandang show. Itong Basahang Ginto, napakaganda. Ang Lovebug naman, kami ang unang-unang lalabas sa Lovebug. Masaya kasi mapapanood ako ng mga fans halos araw-araw. Meron akong maihahandog sa kanila araw-araw. And very thankful ako sa network na sa akin ibinigay."

FILM DEBUT AT LAST. Masaya ring ibinalita ni Carla that she will finally do a movie. Makakasama si Carla sa remake ng Temptation Island ng Regal Films.

"Nag-meeting na kami ni Mother Lily at saka ni Ms. Roselle [Monteverde] mga two weeks ago, " masaya niyang ibinalita.

Ang istorya ng original Temptation Island na ginawa noong 1980 ay tungkol sa apat na beauty titlists na na-stranded sa isang isla.

So, magpapaseksi na rin ba siya?

"Hindi... kasi, ako yung conservative na role run. Iba-bang roles yun, di ba, puro sila babae. Pero, ang gagawin this time, dadagdagan nila ng mga babae at ako ang magpi-play ng conservative."

Natagalan man ang paggawa niya ng first movie niya, "may reason naman ang Regal kung bakit na-delay nang konti. May nai-prioritize silang iba. Gipit sa oras... mahirap pilitin kung ihahabol natin ang oras and basically, busy ka with TV, mahirap magsingit ng oras to do the movie. Maraming factors lang na nag-contribute sa pagka-delay ng movie but definitely this year, meron na."

One year pa lang si Carla sa showbiz, pero puro magagandang opportunities na ang naibibigay sa kanya.

"Masaya 'ko. Very thankful ako. Roller coaster ride ang nangyari sa isang taon pero na-enjoy ko nang husto. Yun ang maganda run. Ang dami kong nakatrabaho at nakasama sa industriya na napakahusay at napakabait. Walang kahit sinong masungit or suplada, suplado. Lahat sa akin mabait, so, thankful ako. Tuloy-tuloy ang trabaho kaya suwerte ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN