Dulce sees role in Emir as "divine appointment"

The renowned song-belter never wanted to be in the movies, but she said yes to Emir, even though she quailed at the prospect of working for Chito Roño, who is famed for his temper as well as his direction.


Matapos ang humigit-kumulang na tatlong taon, nagbabalik-pelikula ang mahusay na mang-aawit na si Dulce.

Sa pelikulang Emir ng Film Development Council of the Philippines, in association with the Cultural Center of the Philippines, at sa direksyon ni Chito Roño, gumaganap si Miss Dulce bilang si Ester.

Itinuturing niya na ito ang pinamalaking pelikulang nagawa niya.

"Ito talaga ang pinakauna na ganito talaga kalaki. Although I did a full-length also na indie, yung Mainit na Tubig, kami ni Phillip Salvador, that was mga three years ago o higit pa.

"Pero ito [Emir] yung talagang ganito na of this magnitude," sabi ni Dulce sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang pelikula noong Huwebes, May 20, sa Gateway Suites sa Cubao.

DIVINE APPOINTMENT. Kilala bilang isang mahusay na singer at theater actress si Dulce, at isang coup para sa Emir na napapayag siyang gumanap sa pelikulang pinagbibidahan ng baguhang si Frencheska Farr.

"Nagulat din ako... Sabi ko siguro—talaga ako I always look at things, di ba, on the spiritual point of view—na it is a divine appointment, kasi ayoko naman talaga ng pelikula, e...

"Noon pa ayokong gumawa ng pelikula... talagang sining ako... Na-notice ko lang kasi na you cannot do two things at the same time and be good with both. Parang one will suffer.

"Napansin ko rin 'yan sa iba nating mga artista, parang kailangang mag-give up yung isa. Parang kung singer ka, nagiging medyo-medyo na lang yung pagkanta kasi naka-focus ka sa movies. Or if you want to do singing, talagang nasa-sacrifice yung movies.

"And in my case, hindi din naman talaga ako yung tipong magiging bida talaga, it's not in my looks. So mas nag-focus talaga ako sa singing kasi doon ko naman talaga nabubuhos lahat yung nararamdaman ko, through the words of the songs that I choose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And ito lang talaga... na nagulat din ako kasi ang tagal na nilang ginagawa ito, e. What I heard is that si Direk Chito [Roño] talaga is... isa pang ano iyon, nakakatakot... kaya lalong ayaw ko na noong ino-offer talaga siya. Lumalayo ako nang lumalayo!"

"Sa mga nababalita, he's a terror, you know, napakaistriktong direktor. Sabi ko, parang napakahirap to go through that. Parang at this age, parang ang tagal ko na dito para magganun pa, di ba?

"But then... talagang pinursue and then..."

TERROR DIRECTOR. Sino ang nag-mediate para makuha siya?

"Well, the line producer, si Lea Calmerin. Una talaga si Ina Dalisay, yung manager ni Gary Granada [isa sa mga composers ng mga awitin sa Emir], ang unang nagtanong sa akin.

"Kasi una nga tinatanong pa nila ako for casting ng mga ibang theater actors, kasi parang ito ngang pelikula na ito, maraming talagang gusto na gamitin talaga si Direk Chito na mga talent na from teatro. Na mga kumakanta at umaarte.

"Kasi talagang iba yung... less na yung hirap mo sa mga artista kasi kung talagang marunong sa entablado at marunong dito sa area na 'yan sa pag-arte at pagkanta talaga, iyon ang major na kailangan."

Ang Emir kasi ay isang epic musical na pelikula.

"E, noong una, tulong-tulong lang ako na maghanap ng mga ika-cast nga, tapos later on ako na ang tinanong.

"Una... parang ang sabi ko... ang movie kasi you spend a lot of time, ang dami ding wasted time, iyon ang tingin ko diyan. Parang ang dami kong gustong gawin, ang dami kong kailangang gawin para ma-waste yung time ko waiting. Which is true talaga, oo, waiting during the shooting.

"But then... my husband [Bernard Cruzata] who is also my agent and my manager, kung mapapayag siya, kung na-convince siya dun sa offer, e ano na ako, submit na ako. Kasi mas nakikita naman niya kung ano ang dapat, kung ano ang bagay at kung ito ba ay talagang magiging kapaki-pakinabang din sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And you know, noong when I started working and I met Chito... kasi parang doon ko lang naman talaga siya unang nakatrabaho, dito lang, e. Kilala ko lang siya by the ano, kung ano yung kanyang reputasyon."

Na terror daw si Direk Chito?

"Oo! So parang nung andoon na, nung una parang nagkaroon ka ng fear. But then noong tinanggap na at andoon na, sige, sabi ko, I will just, tingnan ko na lang and then I will just wait, tingnan ko kung ano yung ipapatrabaho sa akin, I will be open, I will give kung ano yung kakayahan ko and it turned out naman na napakaganda naman ng flow ng aming trabaho."

Mabait daw si Direk Chito, ayon kay Ms. Dulce. Pero nasigawan din daw siya nito.

"Pero hindi naman yung sigaw na talagang nagalit siya. Pero yung dahil sa meron talagang times na, alam mo yun, kailangan ka ring gulatin or bulagain kasi merong need for that particular eksena siguro. Hindi talaga kasi ako sanay sa pelikula."

"MILLION-DOLLAR MOVIE." Sa Mainit na Tubig, malaki raw ang naitulong sa kanya ni Phillip Salvador.

"Si Phillip, lumabas na mentor ko talaga. Talagang malaking bagay iyon kasi dramatic din ang role ko doon, e.

"Oo, mahaba ang role ko doon, full-length yun pero kasi ang indie film kasi tipid, so you just have one camera.

"Ang Emir ay hindi indie film, hindi!

"Talagang ano siya napaka... ang dami naming cameras, ang dami naming... magastos siya talaga, talagang ano ito, it's a million-dollar movie," natatawa pang sinabi ni Ms. Dulce.

Ang iba pang bumubuo ng cast ng Emir ay sina Sid Lucero, Jhong Hilario, Kalila Aguilos, Beverly Salviejo, Liesl Batucan, Melanie Dujunco, Gigi Escalante, Bayang Barrios, Bodjie Pascua, Emil Sandoval at Julia Clarete.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN