Fans of Joshua Dionisio and Jhake Vargas bicker on Facebook

"Minsan po kasi, hindi maiiwasan na may hindi magandang masabi ang mga fans namin. Tulad po sa Facebook, may mga nababasa ako na hindi maganda. Kaya sinasabi ko po sa mga fans namin na huwag naman sila mag-away. Kasi lahat naman sila ay mahal namin," says Joshua Dionisio (in photo with Barbie Forteza).


Hindi naiwasan maiyak ng mga bida ng First Time na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Jhake Vargas nang magtanghal sila ng kanilang huling mall show para sa nga fans nila sa Market! Market! sa Taguig City noong Thursday, May 20.

Huling linggo na kasi ng top-rating youth-oriented series next week kaya medyo emotional na ang young cast nito. Masyado raw kasing naging close ang cast and crew kaya nag-iyakan daw silang lahat noong mag-last taping day sila.

Ayon kay Barbie, maraming magagandang nangyari sa kanya nang gawin siyang bida sa First Time. Dumami raw ang kanyang mga kaibigan at nabawasan daw ang pagiging mahiyain niya.

"Dito nagsimula ang lahat para sa akin at para sa amin nila Joshua at Jhake. Akala ko kasi after Stairway to Heaven, wala nang magiging kasunod. Pero nabigyan pa kami ng magkakasunod na projects sa GMA-7.

FANS TAKE SIDES. Nawala ang pagiging shy ng dalagita "kasi nag-workshop kami ng ilang beses at kung saan-saan kami nakarating na lugar. Yung mga mall shows namin ang isa sa pinaka-unforgettable. Kasi yun po ang chance namin na maka-connect sa mga fans namin. Hindi nga namin inaasahan na marami na pala sila," sabi ni Barbie sa panayam niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang pag-iyak ni Barbie ay dahil mami-miss niya raw ang mga fans ng kanilang show.

"Umiyak po talaga ako kasi nga feeling ko hindi na namin makikita ang mga fans namin. Pero sinabi naman nila na nandiyan pa rin sila kahit na anong show pa ang gawin namin. Hinihintay na nga nila ang Pilyang Kerubin. Sana nga patuloy po ang suporta nila sa aming lahat," ngiti pa ni Barbie.

Sa naturang mall show ay kitang-kita ang labanan ng mga fans nina Joshua at Jhake. Hindi nga raw nagpapatalo ang Team Lucas at ang Team Baste sa isa't isa na hanggang sa Facebook daw ay nag-aaway sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinapaalala ni Joshua sa kanyang mga fans na huwag makipag-away sa mga fans ni Jhake. Mas mabuti raw kasi na magkakaibigan sila dahil magkasama sila ni Jhake sa trabaho.

"Minsan po kasi, hindi maiiwasan na may hindi magandang masabi ang mga fans namin. Tulad po sa Facebook, may mga nababasa ako na hindi maganda. Kaya sinasabi ko po sa mga fans namin na huwag naman sila mag-away. Kasi lahat naman sila ay mahal namin," diin ni Joshua.

WILL REUNITE IN FILM. Pinabulaanan naman ni Joshua na naaapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Jhake dahil sa pag-aaway ng kanilang mga fans.

"Friends po kami ni Jhake. Hindi po kami nagpapaapekto sa mga away-away. Pareho nga kaming nakikipag-usap sa kanila na maging friends sila kasi magkaibigan kami ni Jhake."

Hindi makakasama si Jhake sa bagong show nina Barbie at Joshua na Pilyang Kerubin dahil si Elmo Magalona ang magiging bagong ka-love triangle ng dalawa. Hindi naman daw masama ang loob ni Jhake dahil bibigyan siya ng ibang show ng GMA-7.

"Nakakalungkot nga kasi akala ko magkakasama pa rin kami sa new show. Pero sinabi nga sa akin na sa ibang show ako ilalagay.

"Okey lang naman iyon para maiba naman din ang mga makakatrabaho ko. Siyempre naman, mami-miss ko ang buong barkada. Kasi ang tagal naming nagkatrabaho and marami na kaming nagawang mga kakulitan sa set.

"Pero alam ko na magkakatrabaho ulit kami. Magkikita-kita naman kami sa mga shows sa GMA-7, e. Like sa Party Pilipinas, nagkakasama kami kapag guest kami. Basta alam naman nila na mami-miss ko silang lahat."

Isang pagkakataon para magkasama-sama uli sina Barbie, Joshua, at Jhake ay sa pelikulang gagawin nila para sa GMA Films na pinamagatang Suddenly... It's Magic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN