Boy Abunda on the elections: "Kung sino ang nanalo, suportahan natin."

"Ako ang feeling ko lang, bilang mamamayan ng isang bansa, igalang natin ang resulta ng eleksyon. Ang dami nating pagdududa, ang dami nating misgivings bago yung automated election... I think it's one of the most successful elections. It was not perfect, pero kailan tayo nagkaroon ng mga opisyales sa ating pamahalaan in two, three, four, five days, di ba?" said the popular King of Talk who some say has a place in the new administration.


Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. Boy Abunda sa set ng The Buzz sa ABS-CBN kamakailan, napag-usapan namin ang tungkol sa katatapos na eleksyon.

"Ako ang feeling ko lang, bilang mamamayan ng isang bansa, igalang natin ang resulta ng eleksyon. Ang dami nating pagdududa, ang dami nating misgivings bago yung automated election... I think it's one of the most successful elections. It was not perfect, pero kailan tayo nagkaroon ng mga opisyales sa ating pamahalaan in two, three, four, five days, di ba?"

Kahit hindi lahat ng inindorso niya ay nanalo, positibo ang pananaw ni Mr. Abunda.

"Ay, ganun lang yun... Nananalo, natatalo, life moves on. You know what I'm saying? Sa buhay kong ito, sanay naman akong matalo at sanay naman akong manalo. You don't expect. Igalang natin ang desisyon ng tao.

"But I continue to believe in the advocacy of Liza Maza, naniniwala ako sa adhikain ng Gabriela [women's organization], at patuloy kong susuportahan, hindi man sila pinalad."

FOLLOW THROUGH ON CAMPAIGN PROMISES. Kung sakaling nakaupo na bilang Pangulo ng Pilipinas si Noynoy Aquino at humingi ito sa kanya ng payo, anong advice ang maibibigay ni Kuya Boy dito?

"Panindigan... panindigan ang kanyang ipinangako sa eleksyon, sa kampanya na, 'Hindi ako magnanakaw.' Tranparency in government. 'Kung walang corrupt, walang mahirap,' kasi doon naman pumuwesto yung... umangkla yung kampanya.

"Simple lang, simpleng pakinggan, pero napakalaking responsibilidad kasi ang sinasabi, ang isa sa mga ugat, malaking ugat ng kahirapan, ay korapsyon, hindi ba? So gawin niya ang lahat ng magagawa niya para sa mahal nating bayan."

CLOSER SCRUTINY. Kumusta ang 'bagong' Kris Aquino?

"Kris Aquino will always be Kris Aquino. Kris Aquino will always be one of the most interesting people in this country. She will always be exciting.

"Yung sinasabi niyang bagong Kris Aquino, it is recognizing the fact that she realizes that doble ang pagmamanman na gagawin ng sambayanan sa kanya, hindi lamang dahil sa siya ay isang celebrity pero kapatid na rin siya ngayon ng magiging presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although ito'y hindi bagong konsepto dahil naging presidente naman ang nanay nila, so it is being cognizant of the fact that with the presidency of Noy comes so much responsibility. So iyon ang ibig sabihin niya ng, 'You know, I will have to behave' in a certain way dahil lahat ng sasabihin niya ay may masasabi ang iba. They will be under public scrutiny dahil... pero that's the fundamental element of democracy, di ba, na bawat isa sa atin ay may kaparatang magkomentaryo.

"Pero iyon na nga, katulad halimbawa ng eleksyon, bilang bayan din, sana marunong tayong huminto at a certain point para maka-move on, di ba? Kasi halimbawa ako, yung iba kong sinuportahan na kandidato, hindi naman nanalo pero hindi nangangahulugan na hindi ko susuportahan yung mga nanalo.

"I think we have to reach that level of maturity na iyon na nga ang intensyon ng democratic process. May nananalo, may natatalo pero kung sino ang nanalo, suportahan natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN