Enchong Dee enjoys closer friendship with Magkaribal co-star Bea Alonzo

They used to just go "hi-hello" when they saw each other, but since working together in the Kapamilya series, they've gotten pretty tight. What Enchong likes best about it is "siguro yung trust niya sa akin, yung pagtitiwala niya na to tell me things... Pati ako, alam niya rin mga sekereto ko."


Sunud-sunod ang projects ni Enchong Dee. Bukod sa upcoming solo project niya, ang Agimat: Mga Alamat Ni Ramon Revilla Presents Boy Putik, meron pa siyang Magkaribal, at ang pelikulang Sa 'Yo Lamang with Ms. Lorna Tolentino, Coco Martin, Erich Gonzales at Bea Alonzo, directed by Ms. Laurice Guillen

Dahil dito, nagkomento ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Enchong kamakailan na habang bonggang-bongga ang career niya ay parang nananamlay naman ang career ng kuya niyang si AJ Dee.

Pero pagtatanggol ni Enchong sa kapatid, "Actually, okay yung career niya sa kabilang station [GMA-7], hindi siya nawawalan, compared dito [ABS-CBN] na parang for months nabakante siya. At least doon sa kabilang station, he does movies, tapos yung [show] na kasama nga niya si Manny Pacquiao... hindi bakante sa matagal na panahon, kumbaga every week, at least may ginagawa siya."

Para raw kasing nagkabaligtad ang sitwasyon nilang dalawa, dahil noon ang career ni AJ ang humahataw.

Pero di raw ito problema sa magkapatid.

"'Pag napag-uusapan namin, he's always supportive, hindi siya yung... alam mo yung nagseselos, hindi siya nagseselos. Hindi siya yung tumatahimik, alam mo yun? He's always the one na nag-a-advise agad na parang, 'Ganito, Bro, ganito, Bro, alagaan mo 'yan kasi kapag nagtuluy-tuloy 'yan masarap, pero kapag tumigil, ano na, dirediretso na rin yun.' Ganun siya."

GETTING TO KNOW BEA. Speaking of Boy Putik, kung si Enchong ang papipiliin ng leading lady niya, sino ang choice niya?

"Ah, sa ngayon puro tentative pa. Pero sabi ko nga kung puwede akong maging choosy or papipiliin nila ako, gusto ko talaga si Bea [Alonzo]!

"Kasi nung nag-start kami ng Magkaribal, hindi namin akalain na ganun pala kami ka-close. Kasi all this time, sa ASAP, hi-hello lang kami, e...

"Alam mo yung dahil siguro in character kami, kahit nasa tent na kami, nasa waiting area na kami, kami pa rin yung magkadikit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami raw silang things in common ni Bea.

"Una, pareho kaming ano, loveless. Pareho kaming sawi sa pag-ibig. Hindi, joke lang!"

At magkalapit ang mga edad nila. Si Enchong ay 21 at 22 naman si Bea.

"Kaya nga sabi niya parang, 'Ano ba 'to? Parang nagmumukha akong matanda kapag magkasama tayo.'

"Hindi, kasi ano, parang nakilala natin si Bea na always sa mga mature roles. So ngayon, it's time for her to go down naman tapos maging lighter naman yung approach niya. So masaya, kasi alam mo yung kapag kasama ko siya lumalabas yung tunay niyang age."

Ang pinakanagugustuhan ni Enchong ngayon with Bea ay, "Siguro yung trust niya sa akin, yung pagtitiwala niya na to tell me things sa akin. Ano, yung mga bagay na personal, nagkakausap kami, nagkukuwentuhan kami...

"Pati ako, alam niya rin mga sekereto ko. Iyon nga yung kagandahan nun e, kahit alam mo yung may mga taong kahit first time mo pa lang nakilala, may jibe na agad kayo, pero meron namang iba na ayaw mo siyang makasama.

"Parang kami yung gusto naming makasama ang isa't isa at iyon nga, yung pinakamaganda dun is yung pagtitiwala niya sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN