Sunshine Dizon's mom says marriage was predicted by psychic

Said Sunshine's mom, Dorothy Laforteza: "May nagsabi sa amin mag-aasawa siya nang biglaan. Sabi niya, 'Actually, 'yang mga taong nali-link sa kanya, hindi talaga magiging asawa niya.' Sabi niya, 'Makakapag-asawa siya ng bata sa lahat ng na-link sa kanya.' And then may sinabi siya, yun daw ay mayaman. Mayaman na mayaman. Siyempre, gusto ko, ha." In photo, newlyweds Sunshine Dizon and Timothy Tan.


Sa Startalk kahapon, May 22, magkasabay na nakapanayam ni Ricky Lo ang mag-asawang Sunshine Dizon at Timothy Tan. Kung matatandaan, marami ang ginulat ni Sunshine two months ago nang magpakasal ito sa civil rites na ginanap sa Valle Verde clubhouse.

Yesterday, magkahawak-kamay ang newlyweds habang ini-interview ni Ricky.

Kinumusta niya si Sunshine at ang buhay may-asawa.

Nakangiting sagot naman ni Sunshine, "Masaya po. Every day is a very exciting day for us. Kasi, we discover a little something new for each other every day."

HOW DID THEY MEET? Tinanong ni Ricky si Timothy kung paano sila nagkakilala ng aktres.

Ayon dito, "Through common friends lang po namin ni Sunshine. She's on vacation, I think, that time in Pampanga."

Dugtong ni Sunshine, "November 2 or 3 yata, my friends and I, we're coming up with an event. So, sabi ng isang friend ko, bentahan daw namin ng ticket si Timo. So, ipinakilala 'ko sa kanya.

"And you know, I'm almost very impressed because you know, he's very tall and I heard he was a pilot. And then, hindi naman siya pangit. Guwapo naman siya," natatawang kuwento pa ni Sunshine.

At that time, wala raw girlfriend si Timo at walang ring attachment si Sunshine.

Ano ang nagustuhan ni Tim kay Sunshine?

"Hindi niya ako kokontrahin. Ako ang kokontra sa kanya. Madalas naman nagkakasundo naman kami. Sa pillows, actually kahit walang pillow, basta magkatabi kaming matutulog."

Sinegundahan naman ito ni Sunshine ng, "Hindi siya makakatulog nang hindi nakayakap sa akin."

Selosa ba si Sunshine?

Si Sunshine na ang sumagot, "Ay, oo, inaamin ko, selosa 'ko. Siya rin naman, seloso siya, e. So, quits lang kami."

CHURCH WEDDING. Ricky asked Tim kung pang-ilan si Sunshine sa naging girlfriend niya at sinagot nito ng, "Mahirap magbilang."

Natatawang sagot naman ni Sunshine, "Sinabi niya talaga sa Mommy ko 'yan, ha. Sabi niya, 'Mommy, marami talaga akong inibig. Pero isa lang ang pinakasalan ko.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Obvious naman daw na accepted si Tim ng mommy ni Sunshine.

"Love siya ni Mommy," pagkumpirma ng aktres.

Tinanong ni Ricky kung napag-uusapan na ba nila ang church wedding naman.

Ayon kay Tim, by next year raw ito magaganap.

Pahayag ni Sunshine, "Actually ano, sabi ng daddy ko sa akin, gusto niya nandito siya. My father kasi is in L.A."

Kung sakali man daw, gusto pa rin daw nila na maging pribado as much as possible ang church wedding nila.

"If ever naman siguro, alam mo, we still want to keep it as private as possible. Kasi, both of our families naman, even though I'm in the business talaga, tahimik talaga, e. Siguro, ang pinakamagandang puwede kong gawin, share na lang pictures again or videos."

TIMOTHY IN SPOTLIGHT'S GLARE. Mabilis ang pagtugon ni Sunshine sa tanong ni Ricky tungkol sa isyung may anak na ang napangasawa niya.

Aniya, "Hindi naman namin ever, what do you call this, dinenay yun."

Eight months old na ang anak ni Tim at napaka-supportive pala ni Sunshine sa bagay na ito.

"There was a time when people was saying na parang my husband is a bad father and he was not providing well. Actually, I was really... actually, galit ako nun because I know for a fact that he's a responsible father."

Diniretso ni Ricky kung ang mother raw ba ng anak ni Tim ang nanggugulo, pero mabilis din itong itinanggi nina Sunshine at Tim.

Sabi nga ni Sunshine, "Hindi naman po. Actually, may nagsasabi pa nga po that my husband was not really a pilot at hindi naman siya nakatapos ng flying hours. Hindi raw siya nag-graduate ng cum laude.

"Whoever you are, he graduated and he works in a big company, but we cannot say kung anong airline yun. Alam n'yo, ang asawa ko naman, actually, hindi ko rin alam na napakalawak pala ng lupain ng asawa ko," natatawa niyang sabi. "My husband is very humble. Ako nga yung mayabang, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naman naha-handle ni Tim ang mga ganitong isyu lalo pa nga't he's not from showbiz?

"Napag-isipan ko na rin na darating yung mga ganitong cases, so handa na."

HOPING FOR TWINS. Recently, aksidenteng nadulas si Sunshine sa Eat Bulaga! Ang naging payo raw ng doctor sa kanya ay magpahinga muna, maging sa kanyang culinary course na kasalukuyang kinukuha niya.

"I have kasi the history of back problem. I also have a disk bulge yung huli na... kasi, I'm also in school. Nagku-culinary po kasi ako and I'm temporarily absent. If the doctor clears me for kitchen works again, I can go back to school any time.

"At that time, we were on our baking classes na... Kapag baking na kasi, you turn off all the aircon, exhaust, so it was so hot inside. That day, I was with the two chefs, ang tagal ko nang nakatayo. So, sumakit ang likod ko.

"I told Tim, 'Mahal, let's go na to the hospital,' and then, 'Let's go na sa gyne to check me up.'"

May mga bali-balita ngang Sunshine is on the family way. Pero mukhang hindi pa, ayon sa ultrasound niya.

Tanong ni Ricky kay Sunshine, kung sakali, anong gender ng bata ang gusto nilang maging unang anak?

"We're praying for twins na boy," nakangiting sagot ni Sunshine. "Kasi sa family nila, konti lang silang lalaki sa pamilya."

PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION. The Startalk host asked Timothy kung ano pa raw ang hindi niya nasasabi kay Sunshine for the last two months.

Ayon kay Tim, "Yung love ko, naggo-grow nang naggo-grow."

Ani Sunshine, na obviously very happy, "Alam mo, totoo yun. Hindi kami nakakalimot magsabi na mahal namin ang isa't isa dahil may song kami. Tapos ngayon, may bago kaming song."

At kinanta ni Sunshine ang Sharon Cuneta song that may lyrics na, "Kahit tayo'y matanda na/Hindi tayo magbago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Physically affectionate raw ba silang dalawa?

"Oo, sobra," sabi ni Sunshine, sabay nagpalitan sila ng "I love you, mahal."

A MARRIAGE FORETOLD. Nakausap din ng Startalk ang ina ni Sunshine na si Dorothy Laforteza.

Ayon dito, "Kinausap ako ni Tim regarding sa kung gustong mag-settle down ni Shine. Sabi ko naman, siguro, he's the right person. Kasi si Tim naman, before, naalala ko, tatlo ang nanghula.

"Actually, may nagsabi sa amin mag-aasawa siya nang biglaan. At si Sunshine, makakapag-asawa siya ng hindi talaga Filipino. Yun talaga ang sabi sa akin, so, foreigner, meaning nasa imagination Amerikano or whatever. So, before she got married, yung nanghula sa amin, actually... ano talagang manghula ito. Sabi niya, 'Actually, 'yang mga taong nali-link sa kanya, hindi talaga magiging asawa niya.' Kaya sabi ko, 'Kung hindi talaga siya, huwag na sanang ma-link...'

"Sabi niya, 'Makakapag-asawa siya ng bata sa lahat ng na-link sa kanya.' And then, mahal na mahal siya at may sinabi siya run na gusto ko, ha. Yun daw, e mayaman. Mayaman na mayaman.

"Siyempre, gusto ko, ha. Bakit, ano ang ginagawa ko sa anak ko? Lumaki siyang mayaman. Ipinanganak siyang mayaman. So sana, makapag-asawa siya ng mayaman. So, lalong lumaki ang yaman niya noong mag-artista siya.

"Hindi ko naman winish na sobrang yaman. Pero sana mabuhay siya, sila ni Tim, magtulungan sila. Huwag siyang umasa sa akin. Huwag silang umasa sa parents ni Tim."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN