Pia Magalona denies asking GMA-7 to pull out Pauleen Luna from Maxene's afternoon soap

"Max is friend with everyone. It happens to be either she becomes really good friends with someone when she works with them on the set or not at all. So, ganun lang yun. It's like everyone kilala niya or she has a good standing with everyone," says Pia Magalona about daughter Maxene.


Bagamat ilang beses na rin namang sinagot ng mga miyembro ng Amapalaya Anonymous at ni Pauleen Luna ang isyung nagsimula sa Twitter, nagsalita na rin ang ina ni Maxene Magalona na si Pia Magalona sa Startalk noong Sabado, May 22.

Live na sinagot ni Pia ang mga paratang tungkol sa kanyang anak na si Maxene, na isa sa mga miyembro ng Ampalaya Anonymous, isang grupo ng ilang young female stars. Diumano, "pinagtutulungan" ng Ampalaya Anonymous si Pauleen sa pag-post ng mga ito sa Twitter ng mga patutsada laban sa Eat Bulaga! co-host.

Kasamang nag-interview ni Joey de Leon kay Pia si Lolit Solis, na siyang manager ni Pauleen.

THE MEETING. Ayon kay Joey, may naganap na raw na meeting sa pagitan ng kampo ni Maxene at kampo ni Pauleen. So, Joey asked both Pia and Lolit na baka puwede raw nilang i-relay kung ano ang naganap sa meeting na yun.

Si Lolit ang unang nagkuwento. Aniya, "Actually, nag-usap lang dun kasi nga may kumakalat na balita na parang pinagbibintangan si Pia na pinapaalis niya sa teleserye na yun si Pauleen. Pero hindi totoo yun. In fact, kung totoo yun, bakit nandun pa si Pauleen?"

Ang teleserye na tinutukoy ni Lolit ay ang upcoming afternoon soap na Bakit Kay Tagal ng Sandali? na pagsasamahan nga nina Maxene at Pauleen.

Ayon naman kay Pia, "What happened behind closed door, so to speak, we took them...[they] spoke to each other and wala na kami dun and we don't really care about that. But to put a rest to this Ampalaya thing, it was something from before."

Dagdag ng ina ni Maxene, "And you know naman, when people are overwhelmed, marami silang free time, parang they got together and they were just maybe so happy to be with each other."

Nabanggit naman ni Lolit na ang gaganda raw ng members ng Ampalaya Anonymous. Bukod kay Maxene, kasama rin dito sina nina Angel Locsin, Cristine Reyes, Bianca King, Glaiza de Castro, Rich Asuncion, at Bubbles Paraiso. Pero nilinaw ito ni Pia by saying, "Hindi naman member... There's nothing formal like anything can be called. I think it's so uso pa nga. I think they should go into marketing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng meeting, nagkaayos na ba sina Maxene at Pauleen?

"Apparently ganito... Well, we had a story conference for the show. Then, we're supposed to have a workshop Monday. Sunday, John Lapus said something in Showbiz Central which people are calling me up because I am watching naman," sabi ni Pia.

Bago magpatuloy ng kanyang statement si Pia ay nag-"Hi!" pa siya kay John kung nanonood daw ito.

Patuloy niya, "I am really bothered with that, he [Sweet] made a statement that I was having someone pulled out of the show which is totally not true. And I saw it nga, online, on the site. Me, I really mind when people call me...against me, all the more if it's not true, di ba? Kasi, matagal na rin yung ini-invest ko in this business."

Joey then said, hindi muna raw narinig ang side niya?

"No, walang side because that's totally untrue. Before that, mababalik na naman si JC Tiuseco because at first, binanggit siya as part of the cast. I reminded nga the management na hindi dapat si Max pine-pair sa same leading man subsequently. So, naka-two shows na siya na leading man but for a different type of roles naman. So, I said, they might be too associated with each other.

"So, sa akin, it's not part of the plan talaga na magkaroon ng isang leading man. So, yun...that happened. Dapat nga hindi yun lumalabas sa public but it came out. At tuwing iinterbyuhin naman ako, I owed up to it kasi it really happened that, you know, I really reminded them. And we did something about it and we had audition and the lucky man is Mike Tan naman, he got the role."

So, nagkaayos na ba talaga sina Maxene and Pauleen and never na nagkaroon ng anything?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, but whatever it is, we don't wanna speak on their behalf," sagot ni Pia.

Ano naman ang mga napagkasunduan sa meeting na hindi pa alam ng publiko?

"Well, for the record also, we also said to GMA na they should also issue a statement na dapat hindi mapag-usapan sa show na gagawing magkaaway silang dalawa or anybody because we never really done that. At saka lahat ng show na ginagawa ni Max, she puts her effort into it, including the staff, the production and everyone."

What about with the script?

"Talagang mag-aaway sila. It's a very good ano naman... And as much as it generated this kind of publicity, sana panoorin nga nila because it's something to look forward to."

Nagkausap na ba sila ni Sweet?

"No, pero ako, I wanna say na kaibigan naming lahat. At ganyan din sa children ko. Pinalaki namin sa kanila, ito ang industriyang ginagalawan naming lahat," saad ni Pia.

WHERE THE ISSUE IS COMING FROM. Tinanong naman ni Lolit si Pia kung kanino kaya nanggagaling ang mga isyu? Hindi kaya kay JC Tiuseco rin na na-link dati kay Maxene?

"No, I don't wanna presume, di ba?" sabi ni Pia. "Even if I do presume that, I don't wanna presume on record. You know, di ba, people will really talk if they wanna... Kasi kami, ika-cast kami tapos sasabihin later on na hindi na matutuloy or guesting. But I don't say anything about it, I just accept it.

"Maybe other people just deal with it differently. So, kanya-kanya talaga 'yan. Ang sa akin lang, kung ano ang totoo. At saka, ang sa akin lang, talaga namang he was recasted in other show [Langit Sa Piling Mo]."

Sa huli, hiningan ni Joey si Pia ng mensahe for Pauleen.

"Pauleen, you know, Max is friend with everyone. It happens to be either she becomes really good friends with someone when she works with them on the set or not at all. So, ganun lang yun. It's like everyone kilala niya or she has a good standing with everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pauleen, you know, it's like it's so easy that we talk about all these things with each other. And the reason why I was crying then, it's because Pauleen mentioned the name of Francis."

Si Lolit ang nagpatuloy ng sinasabi ni Pia. "Sinabi kasi ni Pauleen na, 'Dapat pamilya tayo kasi very close ako kay Francis." (Magkasama noon sa Eat Bulaga! sina Pauleen at ang yumaong si Francis M, na ama ni Maxene.)

Dagdag information naman ni Joey, baka raw hindi alam ni Pia, classmate ni Pauleen ang isa pa sa anak nila ni Francis.

"She was batchmate with Saab. They were schoolmates back then in grade school. All of them, nag-abot naman sila ni Maxene," dagdag ni Pia.

Hirit naman ni Lolit, dapat daw talaga magkakampi-kampi kasi isang network lang sila. Kung ang nagpapahatid ng tsismis ay taga-kabilang network, yun daw ang awayin nila.

Pero kinontra ito ni Pia: "Oh, don't start that, ha. Me naman, we're here to work, so wala namang magkaaway or anything for real. Even with different network, di ba, we're all friends, di ba?"

Dagdag niya, "Basta, there's no mystery to it talaga. Kasi yung iba, they say because of this, nasisira ang name ni Francis. If I may remind also, kami ni Francis, we made his career also, we're all teamwork. Ganyan din kami sa family, we're all teamwork. You cannot work alone. You cannot get all the credit to yourself, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN