Kris Aquino interviews "future sister-in-law" Shalani Soledad on The Buzz

The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg">

The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg">

TV host Kris Aquino (right) interviewed Valenzuela City councilor Shalani Soledad (left) exclusively for The Buzz. Shalani is the girlfriend of Kris's only brother, President-apparent Noynoy Aquino.


Nagharap sa isang seryosong pag-uusap ang dalawang babaeng malapit sa puso ni President-apparent Noynoy Aquino.

Ipinalabas kahapon, May 23, ang eksklusibong panayam ng The Buzz sa politician girlfriend ni Sen. Noynoy na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad. Ang nag-interview sa kanya ay walang iba kundi ang kapatid ni Sen. Noynoy na si Kris Aquino.

Sa unang pagkakataon ay pumayag si Shalani sa isang mahabang interview with Kris upang ipakilala ang kanyang sarili at para ihayag ang kanyang buhay sa sambayanan, gayundin ang kanyang relasyon kay Sen. Noynoy.

FAMILY BACKGROUND. Narito ang buong pag-uusap nina Kris at Shalani:

Kris: Thank you Shalani at pumayag ka na. Mukha kang ano...para kang mae-electric chair yung hitsura mo!

Shalani: Actually, kinakabahan.

Kris: Sandali, umpisahan natin from the very, very beginning. April 27, 1980, tama ba ako? Yun ang birthday mo. Ano ang type of family yung nakagisnan mo?

Shalani: Close ako sa relatives ko...sa uncle ko, tita ko, cousins ko and lalo na sa brother ko.

Kris: How many years older sa iyo ang brother mo?

Shalani: Three years. I'm the youngest. Dalawa lang kami.

Kris: Nabanggit mo lahat ng mga relatives, hindi mo na-mention ang mommy mo?

Shalani: Because my mom was working abroad for almost 20 years. Tapos once a year lang siya umuwi, like two months.

Kris: Saan siya nagwo-work?

Shalani: Yung last ni mommy was in Kuwait.

Kris: Middle East. Nakailang years siya doon?

Shalani: Sa Middle East...almost 20 years.

Kris: Sino ang talagang nag-alaga sa iyo?

Shalani: Lolo ko at saka lola ko sa mother side ko.

Kris: You can choose to answer this or not, pero saan yung father along the way?

Shalani: Hiwalay kasi sila ng mommy ko, e. Since I was small, hiwalay na sila.

Kris: Did you know him at least or did you have a relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Shalani: There was really no relationship. But yes, I know him. Kasi magkaaway sila ng mommy ko.

EDUCATIONAL ATTAINMENT. Bagamat lumaki sa Catanduanes, dito na sa Manila lumaki at nagkaisip si Shalani Carla Soledad. Nag-aral siya sa elementarya sa Maryknoll sa Parañaque at nag-high school naman sa St. Louis College sa Valenzuela.

Kris: Were you a good student?

Shalani: Average. Pero I was not on the top.

Kris: Anong hilig mo? Like high school, doon yung magdyo-join ka ng kung anu-anong mga club, groups?

Shalani: My club was religious club. (Laughs). Kami 'yong taga-dasal, actually. Praying plus teaching the younger class ng mga Bible stories. And drama club, actually.

Kris: Punta na tayo sa college.

Shalani: College, I took up Human Resource Management at CSE.

Kris: Anong year ka nag-graduate?

Shalani: I still have my P.E. class, actually.

Kris: Bakit hindi mo ginawa yung P.E.?

Shalani: Because I ran for councilor already, so naiwan. Hindi ko na nabalikan.

ENTERING POLITICS.Sa edad na 24 maagang nasabak si Shalani sa pulitika, kung saan niya nahanap ang kanyang direksiyon sa buhay.

Kris: Saan nanggaling ang hilig sa pulitika?

Shalani: I guess, it's my love for people. Kasi yung mom ko, lahat sila into government service, pero walang elective post. Ako 'yong first sa family namin to have an elective post.

Kris: Why did you feel na ito yung tamang landas na tahakin mo? Nagka-sign ba?

Shalani: No, I think dito ko naramdaman yung sinasabi nilang fulfillment. Meron pala yun. Dati akala ko parang showbiz or cliché pag sinasabi na may sense of fulfillment, dito pala. Kasi in spite nung hirap, nung pagod, all in all lahat, pero kapag nakikita mong nakakatulong ka and people appreciate that, pag nagte-thank you sa iyo, ang sarap-sarap ng feeling!

Bago niya narating ang kasalukuyang estado sa pulitika, naging legislative staff muna si Shalani sa opisina ni Senator Panfilo "Ping" Lacson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kris: You did work for Senator Lacson?

Shalani: During 2002 to 2003.

Kris: Was he a senator then?

Shalani: Yes.

Kris: Pero hindi kayo nagtagpo pa ng landas ni Noy kasi 2007 siya na-elect na senator?

Shalani: Yes.

THE START OF A LOVE STORY. Idinetalye rin ni Shalani kung paano sila nagkakilala ni Noynoy at kung paano nabuo ang relasyon nila.

Kris: Paano ba kayo nag-meet?

Shalani: Yung first was 2005. I was then with UNTelevision. I was covering the 2005 SONA (State of the Nation Address).

Kris: Ano ka?

Shalani: Reporter. We did that interview kay Noy. My question was, it's not something about the SONA, it was something about you (Kris). So, ang sabi ni Noy, "My sister is old enough to answer those questions."

Kris: Pero kailan kayo nagkakilala ulit?

Shalani: 2008 sa Alfredo's. Kasama ko yung Vice Mayor ko and then at the same time, nandoon din sina Noy and then afterwards, nagpa-picture kami kay Noy.

Kris: And then?

Shalani: Sabi ni Noy, "I am the chair of the local government committee. Baka mayroon kayong amendments that you would want to introduce. Let me know."

Kris: Binigay niya yung number niya sa 'yo?

Shalani: Hindi, kinuha nila ang numbers namin. Across Alfredo's, merong coffee house so nauna sina Noy doon. Then after a few minutes, nag-ring yung phone ng Vice Mayor namin, ini-invite daw kami ni Noy mag-coffee.

Kris: Pero hindi naman si Vice Mayor ang gusto niyang makakape... Tapos?

Shalani: At that time, nag-cross kami. When we got there, nandoon 'yong staff niya sa café.

Kris: And you realize now that Noy doesn't even drink coffee?

Shalani: Yes!

Kris: Tumabi ka naman sa kanya?

Shalani: No, we were seated across and then kinukuwento niya na 20 years ago na mayroong coup [d'etat] tapos three of his PSGs were gunned down. Sabi niya, it's a miracle na nabuhay daw siya. So, sabi ko naman sa kanya, "Senator, baka hindi mo pa talaga time." Ang sabi niya, "Oo nga, dahil 20 years after makikilala pala kita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kris: Kadiri ha, Noy! Gross! (Laughs). Hindi ko kaya! I thought I was the baduy one in the family. Kinabog ako ni Noy sa linyang yun! Tapos? Do you remember what day it was? Yung exact date?

Shalani: Yes. July 28.

FIRST DATE & ANNIVERSARY. Memorable din para kay Shalani ang naging first date nila ni Sen. Noynoy.

Kris: Ano yung first date ninyo? Alam ko nanood kayo ng movie ni KC [Concepcion] at ni Richard Gutierrez, For the First Time?

Shalani: Yes.


Kris: Kasi we were all tripping on Noy. Manood ba? Kasi movie ko na nga sapilitan pang manood yun. So, sinamahan ka niyang manood?

Shalani: Oo. Pero first and last na daw yun.

Kris: May anniversary ba kayo?

Shalani: Yes. Sepember 5 (2008).

Kris: What were the signs na ito na, this is it?

Shalani: Kinikilig ako. Kasi with Noy, from previous relationships, parang na-realize ko na kung ano ang gusto ko. And you would want someone na honest sa 'yo, yung totoo, yung hindi ka binobola lang.

Kris: So, one year and eight months na kayo. Matagal na 'yon ha for Noy.

TALES WITH THE AQUINO FAMILY. Inusisa rin ni Kris si Shalani tungkol sa naging impression ng lady councilor sa pamilya Aquino at kung paano nito inilagay ang sarili sa panahong may hinaharap na pagsubok ang pamilya Aquino.

Kris: Ano'ng na-feel mo noong una mo kaming nakilala?

Shalani: Si Noy afterwards, tinatanong niya ako, "So, how was it?" Ang tinatanong niya more on sa mommy ninyo. So, sabi ko, "Noy, actually na-star-struck ako hindi sa mommy mo, kay Kris." So, tawa lang siya nang tawa.

Kris: Tapos nun? Kailan bago mo siya ipinakilala sa mommy mo?

Shalani: Si Noy kasi nanliligaw, pumupunta siya sa bahay.

Kris: Hindi ba nag-alangan ang mommy mo na halos kaedad niya si Noy?

Shalani: Ang apprehension ng mommy ko was... Well, sinasabi niya sa akin 'to na, "Anak, senator 'yan nakakasama ninyo." Kasi baka we seem to forget daw na dahil nakakasama namin si Noy sa Timezone. Almost every night kasama naming mag-dinner out. Sabi ng mommy ko, "Anak, hindi tayo mayaman. Baka hanapan ka or singilin ka." Baka daw api-apihin daw ako. Sabi ng mommy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kris: Ako (ang mang-aapi sa iyo)?

Shalani: Hindi naman. Sabi ng mommy ko, "You know, Noy being an Aquino. Very prominent ang family."

Kris: I hate to bring this up because it means I know too much. But noong time na medyo my mom was nearly dying na, I think you went through a rocky point of your relationship. Tama ba ako? Nahirapan ka bang ilagay ang sarili mo kung saan ka dapat lalagay?

Shalani: In a way. Because siyempre alam ko na masakit kay Noy. At the same time, I wanted to be there for him pero...

Kris: Paano mo titimbangin kung saan ka lulugar?

Shalani: Yes. Mahirap.

Kris: Para at least finally na-tackle at alam na ng buong mundo. Di ba, kaya ako nagalit sa 'yo kasi dinededma mo si Noy?

Shalani: Hindi.

Kris: The way I heard the story parang eight hours siyang nag-text or nag-miss call tapos ang tagal bago ka naka-reply.

Shalani: No. Hindi ha. Walang eight hours. Matagal na nga siguro one hour and a half, pero wala namang eight hours.

Kris: Pero do you also realize na he's also the type na minsan kasi ite-text mo and then 14 hours or 24 hours later ang sagot?

Shalani: Si Noy?

Kris: Oo, sa akin. Sa 'yo, hindi naman? Nagre-reply kaagad?

Shalani: Oo, nagre-reply siya.

Kris: Iba ang girlfriend, iba ang sister.

DEEP COMMITMENT. Pinag-usapan din nila ang kasalukuyang sitwasyon ng relationship nina Shalani at Sen. Noynoy, lalo na ngayong nahaharap ang huli sa isang malaking responsibilidad na pamunuan ang Pilipinas.

Kris: Doon na tayo sa ngayon, nag-iba na. Yung tumakbo for the presidency, that's why sinabi ko yun sa The Buzz. Sinabi ko na appreciative kami kasi marami kang napuntahan na mismo kami hindi na namin napuntahan at nagawa para sa kanya. Kung tatanungin kita, why did you do it?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Shalani: I believe in him, number one. And second, I wanted to be of help also to Noy.

Kris: Pero thoughtful naman ba siya, as far as being a boyfriend is concerned?

Shalani: Thoughtful si Noy in the sense na pag birthday mo, special occasions at kung ano ang nagiging needs mo, ina-anticipate na niya.

Kris: Anong stage na kayo sa relationship ninyo?

Shalani: It's a deep commitment. Pero at this point kasi, parang napakalaki noong task na haharapin ni Noy. So, ang focus talaga should be on the task ahead of him, kasi ang hirap.

Kris: Tatanunging kita, 30 ka ngayon. Are you ready to wait six years?

Shalani: Yes, I hope.

Kris: Kasi ilang times na inulit na ni Noy na within his term na parang hindi niya nakikita na he would be settling down. Na-hurt ka ba noong narinig mo yun? Yung totoo lang?

Shalani: In a way. Kasi ako I'm looking forward. Siyempre kasi when you're in a relationship, you're looking forward long term. Since mahal mo, you would support what he wants and what he needs.

Kris: Hindi mo naisip yun na baka sa kakahintay mo, hindi kayo magka-baby, hindi kayo magka-family ng sa inyo?

Shalani: Ako kasi I just pray. Because when you're in a relationship, you just hope na it would be better and, siyempre, long term, di ba? So, let's see. Kasi hangga't mahal mo ang tao, maghihintay ka.

COOL-OFF ISSUE. Sinagot din ni Shalani ang lumabas na isyu na diumano'y nag-cool off sila ni Sen. Noynoy.

Kris: May nag-Tweet sa amin sa SNN, so kailangan kong tanungin ito. Totoo bang nag-cool off si Shalani at si President Noy?

Shalani: No.

Kris: Pag nagtatampuhan, may moment ba na walang pansinan?

Shalani: Meron.

Kris: Ilang days yun?

Shalani: Pinakamatagal, three to four days.

Kris: Sinong nagme-make ng move, siya o ikaw? O take turns?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Shalani: Take turns.

Kris: The last tampuhan, who made the first move?

Shalani: Ako, kasi kasalanan ko.

Kris: Mabilis mo naman siyang parang makuha ang lambing? Pag magso-sorry, hindi naman pakipot?

Shalani: Si Noy kasi may mood siya na very sweet, may mood din siya na medyo mataray. Like one time, this was during the campaign, I called him up then he answered, sabi niya, 'Why?' Sabi ko, 'Wala naman, Noy, nami-miss lang kita.' Sabi ni Noy, 'You called me just to tell me that? I'm in a middle of a conversation here.' 'Yan, ganyan siya. (Laughs)

Kris: Hurt-hurt-an ka doon.

Shalani: Opo.

"SUPER LOVE KITA." Sa huling bahagi ng pag-uusap nina Kris at Shalani ay inihayag na ng lady councilor kung gaano niya talaga kamahal si Sen. Noynoy.

Kris: May love song ba kayo?

Shalani: "For The First Time."

Kris: Anong puwede mong sabihin kay Noy na puwede mong i-share sa buong Pilipinas?

Shalani: Congratulations, of course. And whatever happens siguro, it's a very hard time siguro right now because ang daming magiging adjustments, both sa relationship natin or relationships mo with your family and other people. Nandito lang ako. I hope you really, really appreciate how much people love you. But siyempre kay Noy, super love kita.

Kris: Mushy ba kayo? Nag-a-I love you ka ba on the daily basis?

Shalani: Not every day.

Kris: Sa text?

Shalani: Yes.

Kris: Ano yung sa text? Love yah?

Shalani: Complete na I love you with smiley.

The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg">


The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/25677/kris-aquino-interviews-future-sister-in-law-shalani-soledad-on-the-buzz" data-desc="Shalani says she is willing to wait for Noynoy to finish his term before settling down." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/504cc1aaf.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN