Vice Ganda "deeply appalled" by Tado's remark about gay people in Showtime

Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg">

Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg">

"Naapektuhan talaga ako sa sinabi ni Tado. Gusto ko lang maging totoo. At gusto ko lang itaas hindi lang ang sarili ko kundi lahat ng baklang nabubuhay sa mundo... At pati na rin lahat ng mga magulang na may anak na bakla, gusto ko lang sabihin sa kanila na walang nakakahiya sa pagiging bakla," says Vice Ganda (left) in reaction to Tado's (right) remark about gay people during the live episode of Showtime earlier today, May 24.


May bago na namang pinag-uusapang mainit na isyu ngayon sa social networking sites na Twitter at Facebook at iba pang websites. Ito ay ang patutsadahan ng mga komedyanteng sina Vice Ganda at Tado sa live telecast ng ABS-CBN variety show na Showtime kaninang umaga, May 24.

Resident judge ng Showtime si Vice samantalang guest judge naman si Tado.

"PANG-GAY" REMARK. Pagkatapos kasi ng performance ng isang grupo ay nagkomento si Tado na parang "pang-gay" ang ginawa ng mga performer.

Hindi naman naitago ni Vice ang kanyang disgusto sa narinig. "Ano namang masama sa pang-gay? May problema ka ba sa mga bakla, Tado?" tanong nito sa kasamahang judge.

"Hindi naman. Just read my shirt," sagot naman ni Tado, sabay pakita sa nakasulat sa harapan ng kanyang suot na t-shirt.

Si Vice mismo ang nagbasa sa nakasulat sa t-shirt ni Tado: "Sabi ni Tado, di bale nang magnakaw kesa mamakla."

"Ang marunong na tanggapin ang katotohanan ng buhay ay ang totoong bakla. Tandaan mo 'yan," sabi ni Vice kay Tado.

"Ang mga gipit, sa bading kumakapit," hirit naman ni Tado, na may-ari ng isang linya ng statement shirts na kung tawagin niya ay "offensive shirts."

Sagot naman ni Vice, "Pero ang gipit kung ganyan ang hitsura, walang baklang magpapakapit!"

Tumawa lang si Tado sa sinabi ni Vice at itinuloy na lang ang komento niya sa performance ng katatapos na grupo.

"UMINIT ANG TENGA KO!" Halatang-halata ang tensiyon sa loob ng studio. Maging ang Showtime hosts na sina Anne Curtis at Vhong Navarro ay napansin din ito kaya biniro nila ang isa pang guest judge na si Gladys Reyes na, "Ano, naiinitan ka na ba diyan, Ms. Gladys?" Nagkataon pa kasing pinaggigitnaan nina Vice at Tado ang buntis na si Gladys.

"Uminit ang tenga ko!" singit naman ni Vice.

"Akala ko sa labas lang maalinsangan. Dito mainit-init lalo, kahit aircon!" biro ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos magkomento ni Gladys sa performance ng grupo ay si Vice na ang nagbigay ng kanyang komento. Pero hindi pa rin napigilan ng stand-up comedian na magsalita tungkol sa patutsada ni Tado, na tumakbong konsehal sa Marikina noong May 10 elections, pero natalo.

"Pasensiya na kayo ha, naging masyado talaga akong emosyunal sa pagkakataong ito," ani Vice. "Naapektuhan talaga ako sa sinabi ni Tado. Gusto ko lang maging totoo. At gusto ko lang itaas hindi lang ang sarili ko kundi lahat ng baklang nabubuhay sa mundo... At pati na rin lahat ng mga magulang na may anak na bakla, gusto ko lang sabihin sa kanila na walang nakakahiya sa pagiging bakla."

"I love you, friend," lambing ni Tado kay Vice.

Pero binara siya ni Vice at sinabing, "I don't love you, Tado."

"DEEPLY APPALLED." Ilang oras lang pagkatapos ng patutsadahan na ito sa pagitan nina Vice at Tado ay naging topic of discussion na ito sa iba't ibang social networking sites. Sa Facebook nga ay may gumawa na ng page para lamang sa sagutang ito ng dalawa. Meron ding gumawa ng poll kung kanino sila kampi—kay Vice o kay Tado.

Sa official fan page niya sa Facebook, nagpahayag muli si Vice ng kanyang saloobin tungkol sa isyu sa kanila ni Tado. Narito ang kanyang unang pahayag:

"I am deeply appalled by Tado's obnoxious remark about gay people in Showtime today!! I am GAY! and I'm very proud to be GAY! and as one I will not allow anyone to disrespect me and the rest of the gay community for our preference!"

Sa pangalawang entry ni Vice sa Facebook ay nilinaw niyang hindi siya humihingi ng apology mula kay Tado. Humingi rin ng paumanhin si Vice sa mga na-"disappoint" niya sa naging reaksiyon niya.

"I was super offended by Tado!!! super!! as in!!! pero i must admit naka-offend din ako sa naging reactions ko. I dont demand an apology from Tado. But i wanna humbly apologize to those i disappinted!! I am human. I commit mistakes. We all do. Love love love!!!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat may mga nagsasabi na nakaka-offend talaga ang sinabi ni Tado tungkol sa mga bakla, meron din naman nagsasabi na si Vice din naman ay masakit magsalita minsan kapag nagkokomento siya sa mga contestant ng Showtime.

CLICK HERE to watch clips from the Showtime episode.

Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg">


Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg"> Showtime" data-url="https://www.pep.ph/news/25680/vice-ganda-deeply-appalled-by-tado39s-remark-about-gay-people-in-showtime" data-desc="But Vice is not asking for an apology from Tado." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1f542624f.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN